Chapter 4: Schoolmate

1909 Words
Chapter 4 Katatapos lang ng summer vacation nila Samantha kaya naman may pasok na ulit sila at ngayon ang unang araw niya bilang fourth year college sa San Bernardo Academy. Bake and Pastry ang kinuha niyang course habang si Allan nama'y Business Management dahil siya na ang susunod na magiging CEO ng kanilang company. Puwede na rin hilingin ni Allan na maghiwalay silang dalawa dahil iyon ang sinabi ng Daddy ni Samantha kaya lumalabas na ginamit lang siya ng Daddy niya para makuha ang gusto nito at aware doon si Samantha. Ngunit, okay lang iyon sa kaniya, dahil kung ano ang gusto ng Daddy niya susundin niya lalo na kung 'yon ang paraan para mahalin at matanggap siya nito. Lumabas siya ng bahay at naglakad palabas ng village para maghintay ng sasakyan, nauna na kasi ang asawa niya sa campus kaya mag-isa na lang siya. Hindi kasi siya isinasabay ni Allan dahil baka may makaalam na mag- asawa sila at iyon ang iniiwasang mangyari ng asawa niya. Private ang naging wedding nila, family niya, si Jeffrey, at family lang ni Allan ang may alam. Ikinasal sila noong October 12, 2017. Pareho silang nasa eighteen years old ni Allan noon. Ngayon, pareho na silang nasa twenties. Tumigil siya sa gilid ng kalsada at doon nag-abang ng sasakyan. Napansin niya ang pagkulimlim ng kalangitan at pagliparan ng mga ibon papunta sa mga puno. 'Uulan pa yata.' sa isip niya. Kaya nang may makita siyang taxi, pinara niya agad ito. Sumakay siya at nagpahatid sa San Bernardo Academy, kung saan siya nag-aaral. Mabilis naman siyang nakarating doon at nakaramdam ng panghihinayang nang makita ang pasilyo na lalakarin niyang mag-isa dahil graduate na si Jeff. Twenty four na kasi ang kaibigan niya kaya tapos na sa pag-aaral. Nagkasabay naman sila noong nasa highschool pa lang siya at college naman ang kaibigan, dahil magkasama lang sa campus na iyon ang highschool at college. Nagsimula na siyang tahakin ang classroom niya dahil malapit na rin mag-time nang biglang may mabunggo siya. "Aray ko!" daing niya nang mapaupo. Agad naman siyang inalalayan na tumayo ng nakabunggo sa kaniya habang pinapagpagan niya ang sariling palad. Hindi niya agad nakita kung sino ang nakabungguan niya dahil abala siya. "Sorry, Miss, may hina--Samantha?" Napaangat ang tingin niya nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya at ang pamilyar na boses. "Kyrie?" tawag niya nang makita ang nakabungguan niya. "Mukhang destiny tayo, ah," sabi nito sa kaniya habang nakangiti. Napakunot noo si Samantha sa sinabi ng kausap. "Destiny ka riyan. Grabe ka ang lakas mo. Hindi ka man lang natumba riyan samantalang napaupo ako," saad niya. Pero nag-peace sign lang si Kyrie sa kaniya habang napapakamot ng ulo. "Sorry, transferee kasi ako at hinahanap ko si-- Allan," sambit nito nang mapatingin sa likuran ni Samantha. Patay! Magkakilala sila? Bulong ni Samantha sa sarili. "Kyrie? Bro, kanina pa kita hinahanap. Sino 'yang kausap mo?" tanong ni Allan. Napalunok si Samantha nang marinig ang boses ng asawa. Nababalisa siya. Hindi niya alam ang gagawin. Ang tanging naiisip niya lang ay kailangan niyang makaalis doon bago pa siya makilala ni Kiefer. Tatakbo na sana siya pero mabilis siyang nahawakan ni Kyrie sa braso. 'Kapag minamalas ka nga naman, oh!' bulong niya sa sarili. "Si Sam, new friend ko," wika nito sa kausap, saka siya hinila paharap kaya napatingin si Allan sa kaniya na napakunot ang noo. Iniwasan niya ang mapanuri nitong titig. "Girlfriend mo?" tanong ni Allan nang sulyapan siva bago mulina ibalik ang tingin sa kausap. "Hindi, kaibigan ko siya, Allan, pero malay mo maging girlfriend ko," pabirong sagot ni Kyrie. Hindi niya na-gets ang sinabi ni Kyrie dahil naiilang na siya mapanuring sulyap sa kaniya ni Allan, kaya sumingit na siya sa dalawa. "Ah, Kyrie, mauna na ako, hahahanapin ko pa kasi ang first class ko," wika niya saka binawi ang kamay niya. Nilingon siya ni Kyrie habang nakamasid lang sa kanila si Allan. "Huh? Gusto mo samahan na kita?" suhestiyon ni Kyrie na mabilis niyang tinanggihan. "H-ha? Hindi na. Sige, bye," sambit niya at kumaripas ng takbo papalayo sa dalawa. Nakakunot lang ang noo ni Kyrie habang sinusundan siya ng tingin. Nang makalayo na siya ay tumigil siya at huminga ng malalim. "Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ako patay sa tingin," bulong niya sa sarili. Iginala niya ang tingin sa paligid. "Saan ba rito ang culinary department?" tanong niya sa sarili. May mga ilan na kasing nagbago rito, kaya hindi na niya matandaan. Ni-renovate na kasi ang ibang rooms. Naglakad siya palapit sa babaeng nakatalikod habang may kausap na dalawa pang babae. "Miss?" tawag pansin niya, agad naman siyang hinarap ng babaeng iyon at nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Chelsea pala iyon. "Schoolmate ko siya?" sa isip niya ng pekeng ngiti ang isukli niya. "Hi! Samantha, right? Dito ka pala nag-aaral," nakangiting sambit nito. Alanganin siyang tumango. "Ah. Oo, ikaw rin ba?" balik niyang tanong. Malawak na ngumiti si Chelsea sa kaniya at tumango. "Yes. Pinalipat ako ni Allan para raw magkasama kami." Bakas sa boses nito ang saya at sigla nang sumagot. "Ahh." Tanging nasabi niya at dahil naubusan na siya ng sasabihn, balak na sana niyang ihakbang ang paa ko paalis pero pinigilan siya nito. Hinawakan siya nito sa braso kaya muli siyang lumingon. "Wait, Samantha, bakit pala?" tanong nito sa kaniya. Nag-alinlangan siyang sumagot dahil wala na sana siyang balak sabihin pa pero nahiya naman siya kaya sinabi na rin niya. "Ah, baka alam mo 'yong Bake and Pastry Department? Nagbago na kasi rito kaya nakalimutan ko na," sambit niya. Nagulat si Samantha nang bigla na lang magtatalon sa tuwa si Chelsea at yumakap sa kaniya. 'Ang weird naman nito.' Sa isip niya. "Yeey! Pareho pala tayo. Oo, alam ko kung saan, iyon ang itinanong ko sa kanila kanina," sagot nito sa kaniya at muling lumingon sa dalawang babae. "Uy, girls, thank you!" sambit nito. Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. "Teka, ano raw? Pareho kami ng course? What a small world?" bulong niya sa sarili. "Did you say something?" tanong sa kaniya ni Chelsea. Mabilis siyang ngumiti at umiling. "Wala. Ano kasi same course pala tayo?" tanong niya at pinasigla ang boses. "Oo, kaya tara na. Sabay na tayong magpunta roon," saad nito sa kaniya saka mabilis na ikinawit ang braso nito a braso niya at hinila siya paalis. Hindi na siya nagpapigil pa at nagpatianod na lang kay Chelsea. Habang naglalakad sila ay kapansin-pansin ang pagsulyap ng ibang estudyante kay Chelsea. "Maganda siya, makinis din at mas bumagay pa ang curly short hair nito sa kaniya, kaya bagay talaga siyang model, tapos mabait pa. Kaya siguro siya minahal ni Allan dahil nasa kanya na ang lahat. Hindi kagaya ko na simple, hindi marunong mag-ayos tapos ang babaw pa ng kaligayahan." Sa isip ni Samantha. Kahit sino yata kukunin siyang model sa ganda nito, hindi tulad niya na simpleng gown lang ang nasusuot hindi pa niya alam kung bagay ba sa kanya. Talong-talo siya ni Chelsea sa lahat... maging sa puso ng lalaking mahal niya. Bumuntonghininga siya at iniiwas na lang ang tingin kay Chelsea bago pa nito mapansin ang pagtitig niya. NANG mag-lunchbreak, marahan niyang sinilip ang wallet niya at nakita na bente pesos lang ang laman, natira pa iyon noong nag-gtocery siya. Mapait siyang napatawa habang isinasara ang wallet. "Ano naman mabibili ko rito? Private school 'to, kaya mahal ang pagkain dito." bulong niya sa sarili habang naiiling. Daddy kasi ni Allan ang nagbibigay ng pera sa kanya at hindi niya sinabing ubos na ang ibinigay nito dahil nahihiya siya, sapagkat halos ito na rin ang bumubuhay at nagpakatatay para sa kanya. Ibinalik niya sa bulsa ang wallet at pinakiramdaman ang tiyan. "Hindi pa naman ako gutom kaya hindi na lang ako mag-lunch ngayon, sa bahay na lang ako kakain mamaya pag-uwi ko. Dadamihan ko na lang para bawing- bawi," sambit niya sa sarili, saka dinampot ang bag at tumayo para lumabas ng room. Magpapahangin na lang siya sa labas para walang makapansin sa kanya. "Sam, let's go? Sabay na tayo mag-lunch." Napatingin siya kay Chelsea nang harangan nito ang daraanan niya. Muntik niya pang mabunggo kung hindi lang naging mabilis ang kilos niya. Napapikit siya at gustong batukan ang sarili dahil nakalimutan niyang same course nga pala sila. "Mauna ka na, wala akong gana," sambit niya at ngumiti. Pero umiling lang sa kanya si Chelsea at hinawakan siya sa braso. "No. My treat. So, halika na at huwag nang tumanggi, dahil masamang tumanggi sa grasya. Isa pa, friends na tayo, 'di ba?" Nakanguso nitong sabi sa kanya. Sandali siyang nag-isip. 'Paano ko naman tatanggihan kung ganito kalambing?' Pero baka makita naman kami ni Allan at magalit na naman. Hays! Bahala na nga. Magdadahilan na lang ako mamaya sa kanya.' Sa isip niya at dahan-dahang tumango. "Okay." Pagsuko niya nang magpakawala ng buntonghininga. Napangiti at pumalakpak pa si Chelsea sa sobrang tuwa na parang bata. 'She's really have that attitude. Jolly person. Kaya siguro siya mahal ni Allan.' Sa isip niya nang tuluyan na siyang sumama kay Chelsea. Paglabas nila ng room ay naroon sina Allan at Paolo na naghihintay kay Chelsea. Napatingin siya kay Allan na masama ang tingin na naman ang ipinukol sa kanya kaya agad siyang nag- iwas ng tingin at nagkunwaring may kinukuha sa kanyang bag. "Babe, tara na. Sasabay sila," sabi ni Chelsea. Bakas sa mukha ni Allan na ayaw siyang kasama kaya sumingit na siya sa usapan. "Hindi na, Chelsea, kami na lang ni Kyrie ang magsasabay," aniya at hinila si Kyrie paalis doon habang nalilito. Nakarating sila sa garden ng school at doon niya lang binitiwan ang kamay ni Kyrie. "Kyrie, pasensya ka na at hinila kita. Nakakahiya kasi sumabay sa kanilang dalawa," saad niya para hindi magtaka kung bakit siya umalis doon. Nginitian lang siya nito nang ilagay sa bulsa ang isang palad. "Okay lang. Mabuti nga at ginawa mo 'yon dahil balak ko rin na tumanggi. Pero, kung gusto mo tayo na lang magsabay kumain, treat ko," anito habang nananatili ang ngiti sa labi. Napangiti siya roon at sasagot pa lang sana siya nang may biglang humila sa kanya at nagulat siya nang makitang si Allan iyon. "Bro, hindi 'yan si Chelsea," sambit ni Kyrie nang pigilan nito sa pag-alis si Allan kaya napatigil sila at lumingon ang asawa niya. "I know. Hiramin ko muna siya dahil kakausapin daw siya ng daddy niya," sagot ni Allan at hinila na ng tuluyan si Samantha papalayo kay Kyrie. Medyo masakit ang hawak nito pero hindi na lang siya umimik dahil alam niyang wala rin naman pakealam si Allan sa kanya. Nakarating sila sa parking lot at pabalya siya nitong binitiwan, medyo sumobsob pa siya sa kotse nito. "P'wedeng tigilan mo ang pakikipaglandian kay Kyrie? Nakakahiya ka, pati kaibigan ko nilalandi mo," sambit nito at saka siya iniwan doon. Napabuntonghininga na lang siya habang sinusundan ng tingin ang naglalakad palayo na si Allan. Inayos din niya ang sarili bago pa may makapansin sa kanya. 'Ano'ng sinasabi niyang nilalandi? Magkaibigan lang naman kami,’ bulong niya sa sarili habang naiiling. Dahil unang araw pa lang naman ng klase at break time pa kaya naisipan niya na lang puntahan si Jeff. Wala pa naman masiyadong ginagawa kaya hihinga muna siya dahil pakiramdam niya ang sikip ng campus para sa kanilang dalawa ni Allan. Isa pa, susuyuin niya pa ang kaibigan niya kaya sinimulan na niya ang paglalakad papunta sa patahian ng kaibigan dahil wala siyang pera para mamasahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD