Pagkatapos ni Sam mag-cr, bumalik siya sa kinaroroonan ni Alee. Naroon pa rin ito at naglalaro. Kaya paglapit niya, umupo siya sa tabi nito. Hindi siya nagsalita at dinama lang ang paghaplos ng hangin sa mukha niya. Napangiti siya. Kahit papaano ay nakapag-relax sila. ’I’m sure, babalik ako rito para mas mag enjoy.’ Sa isip niya bago tingnan ang anak. “Tama na ’yan, Alee. Mayamaya uuwi na rin tayo,” wika niya. “Okay, mama,” sagot nito at tumayo na. Pinagpagan niya si Alee dahil sa mga buhangin na nagdikit sa katawan nito. “Mama, may babae kanina,” pagkwento nito habang pinapagpagan niya. Napakunot ang noo niya. “Babae?” tanong niya. Tumango si Alee. “Ano sabi sa ’yo?” tanong niya. “Pretty raw po ako,” maikling sagot ng anak. Napangiti siya. Madalas mapansin ang anak niya dahil

