PAGDATING nina Jelly at Alee galing school, sinalubong niya ang mga ito. Kinuha niya agad ang bag kay Jelly at pinaupo ang anak. “Kumusta araw mo, ’nak?” tanong niya. “Okay lang po,” sagot nito. “Good. Sandali, kukuha akong pagkain. Ikaw, Jel?” tanong niya sa kaibigan. “Yes, please,” anito. Kumuha siya ng cupcakes and kape. Mahilig din kasi ang anak niya sa kape lalo na sa black coffee. Malamig naman panahon kaya walang masama kung magkape sila. Pagkakuha niya, lumabas din agad siya at dinala iyon sa dalawa. Habang kumakain, napatingin siya kay Jelly dahil sa pasulyap-sulyap nito sa kanya. Kumunot ang noo niya ngunit hindi nagsalita. “Sam, gusto mo ba sumama sa akin? I mean, kayo ni Alee, gusto ninyo sumama sa resort?” tanong nito sa kanya. “Two o'clock pa out ko, Jelly,” sagot

