Lasing, pagod, at pugto ang mga mata ni Allan nang umuwi siya sa bahay ng magulang niya. Dahil bigo siyang makausap si Chelsea, kahit ano ang gawin niyang pakiusap ay hindi lumabas ang dalaga. “Oh my God! What happened to you?” tanong ni Ferry nang makita ang kalagayan ng anak. “Amoy alak ka. Come, mabuti at wala ang daddy mo dahil nasa business meeting. Ano ba ang nangyari?” “Chelsea’s breaking up with me, mom. She finds out that I am married to Sam. Sobrang sakit, mom. I was ready to tell that na gusto ko na ma-annul kay Sam pero nangyari ito,” wika niya at yumakap sa ina. Nanlaki naman ang mga nito dahil sa gulat at galit ang naramdaman kay Sam. “That girl, inuubos talaga ang pasensya ko,” bulong niya. “Hindi ka pwedeng mag-stay rito baka malaman ng daddy mo at alam kong ang babaen

