KINAGABIHAN, nagpunta siya sa kwarto nila para painumin ng gatas si Alee. Naabutan niya itong nakaupo sa kama at naglalaro. “Time for milk,” wika niya. Tiningnan siya ni Alee at nagpatuloy sa paglalaro. Ipinatong niya sa mesa ang gatas at lumapit sa anak. “What's wrong?” “Mama, ayoko na kay papa,” wika nito na nagpagulat sa kanya. “Bakit? Hindi ba gusto mo siya makilala?” tanong niya. “Nakita ko po siya pero bakit hindi niya ako niyakap?” tanong nito. Marahil ang tinutukoy nito ay noong minsang bumili siya ng lobo at nakita nito si Allan. Napabuntonghininga siya at hinawakan sa kamay ang anak. “Kaya ka ba umiyak kanina dahil diyan?” tanong niya. Tumango naman ito. “Kasi anak, hindi niya alam noon na anak ka niya…” wika niya at tumigil. Dahil hindi niya alam kung paano ipapali

