Habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame ay nagpatuloy sa pag-iisip si Allan.
‘Ayokong maging masaya si Samantha dahil sinira niya ang buhay ko, ang pangarap kong maging masaya kasama ang mahal ko, pero ayoko rin na tumagal kami bilang mag-asawa. Kung pwede lang sana na maghiwalay na lang kami,’ wika niya. Bago pumikit hanggang sa lamunin siya ng antok.
SAMANTALA hindi agad pinatulog si Samantha ng reaksyon ng asawa kanina. Hindi niya malaman kung bakit tila nagalit ito nang malamang may ka-text siya.
“Ayaw niyang pakealaman siya pagkatapos ako pinapakealaman niya,” bulong niya at napailing.
‘Ganoon ba niya kaayaw na sumaya ako kaya kahit pakikipagkaibigan ko kay Kyrie hinahadlangan niya?’ bulong niya at napabuntonghininga saka pumikit.
“Huwag kang mag-alala, Allan, after two years, palalayain na kita dahil tapos na ang kasunduan namin ni daddy. Maibibigay ko na ang kalayaang gusto mo, konting tiis na lang,” bulong niya at yumakap sa unan.
KINABUKASAN nang makabihis siya agad siyang nagtungo sa kusina para magprito ng isang itlog at hotdog saka niya hinango ang kanin na isinalang niya kanina sa rice cooker.
Magsasangag sana siya pero wala namang bahaw dahil hindi naman siya roon kumain kagabi at ganoon din si Allan. Medyo maaga pa naman kaya may oras pa siya para mag-almusal.
Pagkapos niya magluto’y umupo na siya para kumain. Habang kumakain siya, nakarinig siya ng yabag kaya agad siyang napalingon sa wall clock na nasa kusina. Nakakunot ang noo niya habang kumakain, nagtataka siya dahil hindi pa pala umaalis ang asawa niya. Naramdaman niyang dumaan ito sa likuran niya at saka naglakad ulit pabalik. Hindi niya ito pinapansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain.
Nakiramdam siya sa paligid at nang maramdamang wala ng yabag na naririnig ay
lumingon siya para malaman kung kung nakaalis na ang asawa.
“Himala at nauna akong bumangon sa kanya?” bulong niya saka uminom ng tubig.
“Oo kaya nagtataka ako kung bakit ayaw mo akong alukin kumain.”
Nasamid siya nang makarinig ng salita. ‘Walanghiya! Nandito pa pala siya.’ Sa isip niya.
Pinunasan niya ang bibig niya at huminga ng malalim bago nagsalita. Sakto, tapos na rin siya.
“Pang-isang tao lang ang niluto ko, hindi ka naman kasi kumakain dito dahil iniisip mong baka may gayuma ang mga ihahain ko,” wika niya pagkatapos ay tumayo at inilagay sa lababo ang pinagkainan. Hinugasan na rin niya para malinis na kapag umalis siya ngunit nanatili lang na nakatayo roon si Allan.
Nagpunas siya ng kamay pagkatapos saka nagsalita. “May tira pang pagkain diyan, kung gusto mong kumain, go, kung ayaw mo then let it go,” wika niya at lalampasan sana ang asawa pero hinila nito ang braso niya.
“Matapang ka na ngayon kasi may ipinagmamalaki ka na?” tanong nito. Nagulat siya sa tinuran nito kaya binawi niya ang braso niya.
“Ano’ng sinasabi mo? At sinong ipagmamalaki ko? Ginagawa ko lang ang gusto mo,” mahinahong sambit niya.
“Ito naman ang gusto mo, hindi ba? Ang huwag kang kausapin at pakialaman sa lahat ng bagay kaya iyon ang ginagawa ko,” dagdag niya. Ngunit ngumisi lang si Allan.
“I am not blind, Samantha. Nilalandi mo ang kaibigan ko, alam kong siya ang kapalitan mo ng text messages,” wika nito. Humarap siya kay Allan at sinalubong ang titig nito.
“Ano naman sa ’yo kung siya nga ang ka-text ko? We’re just friend—”
“Cut it off, Samantha! Just leave Kyrie alone. Hindi ako papayag na maging masaya ka dahil sinira mo ang kaligayahan ko,” anito.
Natigilan siya at napaiwas ng tingin. Sa kabilang banda, may point nga naman ito. She ruined his life, pero hindi naman siya masaya.
“I am not happy, Allan,” wika niya at nilampasan na si Allan pero tumigil ulit siya. “Pero magkaibigan lang kami ni Kyrie,” dagdag pa niya bago tuluyang naglakad paalis ng dining area.
Napabuntonghininga na lang siya nang lumabas siya ng bahay. Kumakabog ang dibdib niya habang nakikipag-usap kay Allan kanina. First time nangyari iyon sa kanila na tila naging matatag siyang salubungin ang mga titig ng asawa.
Ngunit sa totoo niyan hindi lang dahil sa gusto ng asawa niya kaya siya umiiwas. Ginagawa niya iyon para rin sa sarili niya para hiindi siya mahirapan kung sakaling man umalis siya at maghiwalay sila.
Tuluyan na siyang umalis ng bahay at iniwan ang asawa. Maglalakad lang ulit siya dahil wala pa rin siyang pera, hindi naman siya makahingi sa daddy niya dahil alam niyang wala itong pake sa kanya. Ayaw rin naman niyang humingi sa kanyang Papa Kyle dahil nahihiya rito kaya kailangan niyang magtiyaga sa ngayon.
Sa darating na Sabado ay maghahanap siya ng part time job. May part time naman siya noong summer pero umalis siya dahil ang liit ng pasahod.
Nang makarating siya sa school ay medyo hiningal siya. Isang oras din kasi layo sa bahay nila ng paaralan. Medyo kakaiba na ang hingal na nararamdaman niya kaya kumuha na siya ng karton sa bag niya habang nagpapahinga. Nine o’clock pa naman start ng klase niya kaya magpapahinga muna siya. Agad niyang pinaypayan ang sarili dahil sa kakaibang hapo na nararamdaman.
‘Naku naman, huwag naman sana akong atakihin dito,’ sa isip niya habang patuloy sa pagpaypay pero tila walang nangyayari dahil hindi nawawala ang pagod niya.
Pero nagulat na lang siya nang may umagaw sa karton na hawak niya. At bumungad sa kanya ang nakangiting si Kyrie na ngayo’y pinapaypayan na siya.
“K-Kyrie…” hingal niyang bati.
Naglaho ang ngiti ni Kyrie at tiningnan siya. “Bakit parang hinihingal ka. Naglakad ka ba?” tanong nito.
Agad siyang umiling para hindi magtaka si Kyrie.
“Ha? H-hindi, mabanas lang,” sagot niya, habang pilit inaagaw ang pamaypay. Pero hindi nito binibitiwan kaya hinayaan na lang niya. Nag-iwas din siya ng tingin dahil nakatitig sa kanya si Kyrie.
“Ganoon ba? Okay, pero may tatanong ako,” wika nito.
“A-ano?” Napapapikit na siya dahil nahihirapan na siyang huminga.
“Close ba kayo ni Allan? Or ’yong daddy mo at si Allan? Tinanong ko kasi siya kahapon kung saan ang address ninyo pero ayaw sabihin,” sabi nito na lalong nagpagulat sa kanya.
“A-ah, bakit mo naman tinatanong address ko?” tanong niya. Nahihirapan siyang huminga pero mas nahirapan siya sa nalaman na hinahanap nito ang address niya, siguradong hindi matutuwa ang daddy niya kapag nangyari iyon.
“Wala naman. Teka, kanina ko pa napapansin na namumutla ka, may sakit ka ba?” nag-aalalang tanong nito.
Umiling siya at sinubukang magsalita pero nawalan na siya ng malay. Mabuti na lang at maagap si Kyrie na agad siyang nasalo. Agad siya nitong binuhat at isinakay sa kotse na kasalukuyang naka-park.
SAMANTALA…
Nasaksihan ni Allan ang pagpaypay ni Kyrie kay Samantha at napailing siya. At nakaramdam ng inis dahil sa katigasan ng ulo ng asawa. Nasa garden siya at mula sa garden ay tanaw ang b****a ng parking at gate kung saan nakatayo ang dalawa.
‘Sinabi kong huwag nang lalapit kay Kyrie, lumalapit pa rin. Nakakainis talaga!’ sa isip niya habang tinitingnan ang dalawa.
Sa inis niya’y tumalikod siya at saktong
natanaw ko si Chelsea na nakangiting papalapit sa kanya. Agad siyang napangiti at tila naglaho ang inis nang makita ang babaeng mahal niya.
‘Kung hindi siguro umalis ng Pilipinas si Chelsea, baka siya ang naging asawa ko at hindi si Samantha.’ Sa isip niya.
Hindi niya nagawang makatanggi sa daddy niya dahil may utang na loob sila kay Dave. Muntik na kasi siyang masagasaan ng truck noon pero iniligtas siya nito at ito ang napinsala. Tinanaw nila iyon ng malaking utang na loob kaya hindi siya nakatanggi nang hilingin nito ang kasal. Hiwalay rin sila noon ni Chelsea kaya hindi niya masabing may girlfriend siya, kung magsinungaling man siya na mayroon ay wala rin siyang ihaharap kaya pumayag na lang siya.
Kaya naman hiniling niya na i-private ang kasal nila ni Samantha dahil ayaw niyang malaman ni Chelsea na kasal na siya sa iba. Dahil alam niyang mahal pa siya nito at nangakong maghihintay sa pagbabalik ng pinas. Isa pa, kilala niya ang girlfriend na mabuting tao at handang magparaya huwag lang makasira ng ibang relasyon. At iyon ang iniiwasan niyang mangyari, ang ipaubaya siya ni Chelsea kay Samantha. Dahil iyon ang gagawin nito kapag nalaman ang sa tungkol sa kanila ni Samantha lalo pa ngayon na nagiging malapit na sila bilang magkaibigan.
“Hey, babe! Nalulunod na ako, sino’ng iniisip mo?” Isang tapik sa pisngi ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Hindi niya namalayan na napalalim na pala siya sa pag-iisip. Nang tingnan niya si Chelsea ay nakasimangot na ito kaya hinalikan niya sa labi saka niya inakbayan.
“Si Chelsea Perez, iniisip ko kasi ang future namin,” nakangiting sagot niya habang naglalakad na sila. Nakita niyang napangiti ang dalaga.
“Sus, mga bola mo talaga,” sagot nito ngunit humalakhak lang siya dahil ikinatuwa niyang hindi siya nahalata ni Chelsea.
‘I can’t lose her,’ sa isip niya pero kababay no’n ang pag-pop ng imahe ni Samantha kaya napatigil siya. Tila maging siya’y nalito sa kung sino ang tinutukoy na ayaw niyang mawala.
“No,” saad niya kaya napatingin si Chelsea sa kanya.
“Huh?”
“Ah, wala, tara na dahil baka ma-late pa tayo,” wika niya at muli silang nagpatuloy sa paglalakad.