Chapter 8

1694 Words
Chapter 8 Lunch time na pero nagtataka si Allan kung bakit wala si Kyrie gayong nakita naman niya kanina ang kaibigan. Kasalukuyan siyang nasa garden at hinihintay si Chelsea. “Saan naman kaya ’yon pupunta? May nangyari kaya sa kanila?” tanong niya sa sarili. Pero nang mahagip ng tingin niya si Chelsea ay umayos siya ng upo at hinintay makalapit ang girlfriend. Mas lalo siyang nagtaka dahil hindi nito kasama si Samantha. “Hi, babe,” bati nito at humalik sa pisngi niya saka naupo sa tabi niya. Napansin niyang nakasimangot ang dalaga kaya hindi na niya napigilang magtanong. “What’s wrong?” “Hmm, absent kasi si Samantha, wala tuloy ako kakuwentuhan. Sayang, pinadamihan ko pa naman ang baon ko kasi bibigyan ko siya,” wika nito at bumuntonghininga pa. Bakas din ang lungkot sa boses nito pero hindi iyon ang pumukaw ng atensyon ni Allan, kundi ang sinabi nitong absent si Samantha. ‘So, magkasama silang nag-cut ng klase?’ Sa isip niya at tila may kung ano’ng inis na naman siyang naramdaman. ‘Lahat talaga gagawin niya makasama lang si Kyrie,’ sa isip niya at kumuyom ang kamao. “Pero it's okay, tayo na lang mag-share rito, favorite ko ’to, Caldereta. Let's eat, babe?” wika ni Chelsea sa kanya at umurong palayo para magkaroon ng space sa gitna nila. Nasa bench sila at malapad naman iyon kaya pwedeng-pwede talagang kumain doon. Ngunit ang isip niya ay wala kay Chelsea, tila lumilipad ito. Kaya tinapik siya nito. “Hey, okay ka lang ba?” “Y-yeah,” tanging sagot niya at kumain na lang habang ang isip niya’y puro kay Samantha. SA KABILANG BANDA ay nag-aalala si Kyrie habang naghihintay sa doctor na tumitingin kay Samantha. Pabalik-balik siya ng lakad. Kinabahan din siya lalo na ng makita niyang nawalan ng malay si Samantha. Nang lumabas ang doctor sa silid ay agad lumapit si Kyrie. “Kumusta po ang kaibigan ko, doc?” bungad niya. “Mabuti at naagapan mo siyang dalhin dito. Dahil kung hindi baka nawala na ang kaibigan mo,” wika ng doctor na ikanagulat niya. “Bakit po?” “She have asthma. Marahil na-trigger iyon dahil sa pagod, ano ba ang ginawa niya bago siya nahimatay?” tanong nito. “Naglakad po papuntang school, may kalayuan din po ang bahay nila.” “Kaya siguro siya inatake dahil doon, stress din siya kaya kailangan niya muna magpahinga,” saad nito. Tumango si Kyrie. Nabigla siya sa mga nalaman niya at hindi niya inakalang ang masayahin na si Samantha ay may ganoong sakit pa lang itinatago. “Nagagamot ba ang sakit na ’yon, doc?” tanong niya. Umiling ang doctor at nagpakawala ng buntonghininga. “Sad to say, hindi. Ang hika ay isang Chronic Condition, means, pang habangbuhay na ito. Ngunit may mga paraan naman para ma-control o ma-manage ito.” “Ganoon po ba?” “Yes. Anyway, excuse, babalikan ko siya mamaya kapag nagising na siya. Sa ngayon hayaan mo munang magpahinga ang kaibigan mo. Mamaya ko na rin idi-disscuss ang ibang info about sa sakit niya, dahil importanteng malaman niya ang mga iyon,” wika nito. Tumango lang si Kyrie kaya umalis na ang doctor. Pumasok si Kyrie sa silid na kinaroroonan ni Samantha at nakaramdam siya ng lungkot nang makita ang kalagayan nito. Lalong sumidhi ang damdamin niya para sa dalaga dahil alam niyang kailangan nito ng alaga at pagmamahal. Hinaplos niya ang mukha nito at ginawaran ng halik sa noo. “Bibili lang ako ng pagkain sa labas. I'll be back,” bulong niya at lumabas ng silid. Inabot na sila ng lunch sa hospital at baka magutom si Samantha kapag nagising. Hindi na rin niya naisip na absent siya sa klase ngayon dahil mas mahalagang maalagaan niya si Samantha. NAGISING si Samantha sa pamilyar na lugar. Minsan na siyang nanggaling dito kaya hindi na siya nagulat. “Akala ko hindi na ako aatakihin ng ganito na aabot ako sa ospital,” wika niya sa sarili. “Dahil nasobrahan ka sa pagod, na-triggered iyon.” Napalingon siya at nakita niyang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor, kasunod nito si Kyrie na mayroong dalang supot ng pagkain sa isang fast food at mga prutas. Hindi agad siya nakasagot dahil naroon si Kyrie, ayaw niya sanang may makaalam nito dahil ayaw niyang kaawaan siya. “Alam mo ba na may hika ka?” tanong ng doctor sa kanya. Umiling siya. Akala niya noon ay kung ano lang dahil madalang naman kung manikip ang dibdib niya at nadadaan naman niya sa pag-inhale at exhale. Lumapit sa kanya ang doctor habang tahimik lang sa gilid si Kyrie. Tumingin siya sa doctor at napansin niya ang kakaibang titig nito. “Bakit po kayo ganiyan tumingin?” Hindi na niya napigilang magtanong. “Iniisip ko lang kung saan kita nakita before kasi pamilyar ka sa akin,” wika nito. “Po?” “Oh, I remembered, ikaw iyong isinugod noon dito. Siguro nasa elementary ka pa lang. Someone concerned citizen brought you here, wala ka rin malay, pero umalis lang ako saglit pagbalik ko wala ka na. Tumakas ka, right?” wika nito na ikanakunot ng noo niya. Iniisip niyang mabuti kung kailan iyon at kung totoo iyon. Tila may isang alaala ang nanumbalik sa utak niya kaya napayuko siya. “O-opo, ako nga po ’yon. I was seven years old po that time. Masyado po akong natuwa sa paglalaro noon dahil first time ko nagkaroon ng kalaro at hindi ko po namalayan na napagod ako. Hindi ko po alam ang nangyari basta nagising po akong nasa ospital na, bata pa po ako at natakot po ako no’n saka baka hinahanap na ako sa amin kaya po tumakas ako,” wika niya. Muling nagulat si Kyrie sa mga sinabi ni Samantha ngunit nanatili siyang tahimik. “Kaya hindi mo nalaman ang sakit mo. Pero maswerte ka pa rin kasi hindi pa malala ’yan, umaatake lang siya kapag nati-triggered. Ngunit ngayon, hindi mo na pwedeng balewalain ’yan, lalo na at wala kang iniinom na gamot dahil baka lumala iyan,” wika nito. Tumango siya. “By the way, where's your parents? Kailangan nila itong malaman.” Napatingin siya sa doctor. “A-ah, ako na po bahalang magsabi sa kanila, busy po kasi sila,” dahilan niya. Mahirap na dahil baka maisipan tawagan ang daddy niya, tiyak na magagalit iyon at isa pa wala rin siyang number nito. “Okay. May history ba ang pamilya mo ng asthma?” tanong ng doctor. “Opo. Sa mother side po at maging si mama po.” “Nakuha mo ’yan sa kanila. Hindi ito nagagamot, hija, pang habangbuhay ang sakit na ito pero may paraan naman para ma-control.” Tanging pagtango lang ang naging sagot niya. “Pero syempre kailangan umiwas sa mga bagay na makaka-triggered ng asthma mo dahil 80% ng mga may hika ay may allergy rin. Umiwas ka sa mga pagkain o inumin na allergic ka. Lalo na sa seafood, sa pollens, sa malamig na hangin, iwasan din ang physical activity o ang mapagod. Kasama na rin ang stress at matinding emosyon. Marami pa, bibigyan kita ng kopya ng mga bagay na dapat mong iwasan,” wika nito at may isinulat sa hawak na papel. Tumango lang siya habang nangingilid ang kanyang luha. Hindi niya akalain na may sakit siya, hindi pa nga niya nararamdaman mahalin ng ama tapos malalaman pa niyang may pang habangbuhay siyang sakit. ‘Ganito ba talaga ang kapalaran ko? Hindi ko ba ako deserving maging masaya?’ sa isip at napabuntonghininga. “Reresetahan kita ng gamot at…” Tumigil ito at may dinukot sa bulsa ng pants. “Here, take this, makakatulong din ’yang inhalers sa ’yo,” wika nito. Tinanggap niya ang inhalers at papel na ibinigay nito. “Gamitin mo ang inhalers kapag inatake ka kaya dapat palagi mong dala ’yan, nakasulat din diyan ang reseta ng gamot at iyong mga kailangan mong iwasan. Tandaan mo lahat ’yan at umiwas ka. Kapag nagkaroon ng problema sa pag-inom ng gamot, bumalik ka rito, okay?” “Opo.” “Okay, maiwan ko muna kayo. Magpahinga ka lang at mamaya ay pwede ka rin lumabas. Excuse,” sambit nito at lumabas na. Naiwan silang dalawa roon ni Kyrie. Napatingin siya kay Kyrie na bakas ang pagkabigla sa mukha. Natakot siya dahil baka sabihin nito kay Allan, ayaw niyang may ibang makaalam no’n. “S-Sam—” “Kyrie, please, huwag mong ipagsasabi kahit kanino ang nalaman mo. Please, mangako ka,” wika niya. Napatitig si Kyrie sa kanya at bakas dito ang awa at lungkot kaya umiwas siya ng tingin. “Huwag mo akong kaawaan, Kyrie,” wika niya. Tila saka lang nabalik lang sa reyalidad si Kyrie. “I’m sorry, nagulat lang ako,” wika nito at naupo sa monoblock na nasa tabi ng hinihigaan niya. “Sana walang makaalam nito,” wika niya. “Hindi mo ba ipapaalam sa daddy mo ang—” “Sabi ko walang makakaalam. Okay naman ako kaya hindi na dapat ipaalam.” Pagputol niya kay Kyrie. Wala ng nagawa si Kyrie kundi tumango na lang. Marami pa siyang tanong na gustong malaman pero ayaw naman niyang i-stress si Samantha. Kahit pa kinakain na siya ng kuryosidad niya tungkol sa pagkatao ni Samantha. “Okay, kumain ka muna nitong prutas,” wika ni Kyrie. “Pwede ka nang umuwi, Kyrie. Nakakahiya dahil nagkaroon ka pa ng absent—” “It’s okay, Sam. We’re friends, right? Hindi ako nandito dahil sa awa, nandito ako kasi gusto kita alagaan at magkaibigan tayo, saka mahalaga ka sa akin. Huwag mo naman ako itaboy,” wika nito at kumuha ng isang orange saka ito binalatan. Natahimik siya at napatitig kay Kyrie. ‘Kung mas nauna ko sana siyang nakilala, hindi siguro ako nasasaktan ngayon,’ sa isip niya. Iniabot ni Kyrie sa kanya ang orange at tinanggap naman niya ito. “Salamat, Kyrie,” wika niya. Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa kanya kaya nagtaka siya. “Bakit?” “Sam, gusto ko lang malaman, totoo bang may asawa ka na?” wika nito na nagpabitaw sa orange na hawak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD