Chapter 9
Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa loob ng silid dahil sa itinanong ni Kyrie. Tanging pagkahulog lang ng orange ang naririnig. Nagtataka siyang nakatitig sa binata dahil impossibleng malaman niya ang totoo.
“Sorry, nagulat ba kita?” wika ni Kyrie. Binasag nito ang katahimikan at dinampot ang orange saka muling ibinalik sa supot.
“A-ah nakagugulat naman kasi talaga ang tanong mo. S-saan mo ba napulot ang tanong na ’yan?” tanong niya at ngumiti. Sinubukan niyang huwag mautal pero nabigo lang siya. Kinakabahan kasi siya kaya hindi niya mapigilang mautal.
“Kay Allan, sabi niya wala na raw akong pag-asa sa ’yo kung sakaling may gusto ako dahil may asawa ka na. Is it true?” tanong nito. Nakita niya ang seryosong mukha at ramdam niyang seryoso rin ang boses nito.
Humalakhak siya para mabawasan ang kaba niya at mawala ang tensyon sa paligid.
“Ang seryoso mo naman, Kyrie! Syempre, hindi iyon totoo. Baka naman tinitrip ka lang ng kaibigan mo,” wika niya ngunit nanatiling seryoso ang kausap.
“Huwag mo—”
“Dahil seryoso ako sa nararamdaman ko para sa ’yo, Sam. I like you. Lalo pa at nalaman kong may sakit ka. I want to take care of you,” wika nito na ikinatahimik niya.
Nagulat siya sa biglaang pag-amin nito kaya napaiwas siya ng tingin.
‘Kung kaya ko lang turuan ang puso na ikaw na lang ang mahalin nito, ginawa ko na. Pero hindi, dahil kahit nasasaktan ako sa nakikita ko kay Allan, siya pa rin ang pinipili ng puso ko.” Sa isip niya at nangilid ang luha.
Mahal niya si Allan, hindi man niya ito maamin pero iyon ang totoo. Kahit masakit tinitiis niya, kahit pa ang kasal nila’y walang pagmamahal nananatili siya dahil doon lang niya pwedeng matawag na asawa si Allan kahit pa sa papel lang.
Pinunasan niya ang kanyang luha at tumingin kay Kyrie.
“Baka nabibigla ka lang, hindi mo pa ako ganoon kakilala. Kailan lang tayo nagkita, Kyrie, ano ka ba?” wika niya. Hindi siya pwedeng magustuhan ni Kyrie dahil hindi niya ito masusuklian.
“Alam ko pero hindi na ba valid ang feelings kapag ganoon? Totoo itong nararamdaman ko, Sam. Ewan ko ba pero tinamaan talaga ako sa ’yo. Gusto kitang mahalin at alagaan habangbuhay,” saad nito.
Hindi siya makasagot dahil hindi niya alam ang sasabihin o isasagot nang hindi nasasaktan ang kaibigan. Mabuting tao si Kyrie kaya hindi niya kayang harap-harapan itong tatanggihan lalo na at wala rin siyang idadahilan.
“Okay lang kung wala kang sagot sa ngayon. Kung nagdududa ka, patutunayan ko sa ’yo na totoo ang nararamdaman ko,” wika nito at muli siyang ipinagbalat ng orange.
Nag-iba na rin sila ng pinag-uusapan para hindi sila mailang sa isa’t isa. Hanggang sa mag-alasais ng hapon at uuwi na siya. Si Kyrie na ang nagbayad ng naging bill at bumili ng gamot niya.
“Naku, Kyrie, nakakahiya sa ’yo at gumastos ka pa. Babayaran ko na lang—”
“Hindi naman kita sinisingil, Sam. Nagkusa ako kaya huwag mo na isipin ’yon. Sumakay ka na at ihahatid na kita para makapagpahinga ka.” Hindi na siya kumontra sa sinabi nito at sumunod na lang. Ayaw na rin kasi niyang makipagtalo.
Sa buong byahe ay tahimik lang siyang nakamasid sa labas ng bintana. Hindi niya tuloy maiwasang mag-isip. ‘Ano na naman kay itatanong ni Allan sa akin? O baka pag-isipan na naman niya ako ng masama.’ Iyon lang ang laman ng isip niya hanggang sa bumaba siya.
Katulad ng dati, sa ibang bahay siya nagpahatid dahil baka malaman ni Kyrie ang totoo.
“Dito na tayo,” wika ni Kyrie.
“Uh, salamat, Kyrie.”
“Don’t mention it. Pumasok ka na at magpahinga,” sabi nito. Ngumiti siya at tumango.
“Oo, hintayin na kitang umalis,” sagot niya.
“Okay, take care. See you tomorrow.”
“Sige, ingat ka rin,” wika niya kaya pinaandar na ni Kyrie ang sasakyan paalis.
Saka lang siya nakahinga ng maluwag. Nagpakawala rin siya ng buntonghininga bago nagsimulang maglakad patungo sa Santillan Village.
Pagpasok niya ng gate, madilim sa loob ng bahay. Inisip niyang baka hindi umuwi si Allan kaya nakahinga siya dahil ayaw niyang makipagtalo sa asawa.
Pagbukas niya ng pinto, kinapa niya ang switch ng ilaw ngunit hindi pa man niya ito napipindot ay bumukas na iyon. Nakita niya si Allan na nakatayo malapit sa switch ng ilaw habang nakakrus ang mga braso sa dibdib nito.
“Saan ka galing?” bungad nito.
Hindi niya pinansin ang tanong nito at dirediretso siyang naglakad. Ngunit nahawakan siya nito sa braso. “I’m asking, Samantha. Nag-cut ka ng klase para sa lalaki and worst sa kaibigan ko pa? How many times do I have to tell you to stay away—” Binawi niya ang braso niya kaya naputol ang sinasabi ni Allan.
“Paano ka nakasisiguro na nag-cut ako kasama si Kyrie? Isa pa, hindi kita pinapakealaman kaya bakit ako pinapakealaman mo na ngayon? Hindi kita inuusisa tungkol kay Chelsea—”
“Huwag mong idamay si Chelsea rito! It's your fault! Kung sana hindi ka pumayag sa kasalan na ito, wala naman tayo sa sitwasyon na ganito. And yes, hindi mo inuusisa ang sa amin ni Chelsea and that's right, dahil kung hindi sa iyo siya sana ang asawa ko ngayon!” Tumigil ito at kumuyom ang kamao.
“Kung hindi lang naman dahil sa utang na loob namin kay Tito Dave, hindi naman ako papayag—”
“Sana nga hindi ka na lang pumayag.” Pagputol niya sa sinasabi ni Allan at tumalikod na para magtungo sa kanyang kwarto.
Pagod siya kaya wala siya sa mood na makipagtalo kay Allan. Paulit-ulit lang naman ang isusumbat nito at ayaw niyang marinig iyon. Hindi man niya aminin pero nasasaktan siya na ang taong pangarap niya ay kinamunuhian siya.
SA mga sumunod na araw, wala silang imikan ni Allan. Balik na naman sa pagsusungit. At hindi niya alam kung alin ang mas mabuti, kung nag-uusap sila pero puro pagtatalo o iyong ganitong tila hangin sa isa’t isa. Masungit ito sa kanya dahil mas naging close sila ni Kyrie, sobrang alaga sa kanya nito to the point na minsan iniisip niya na kung nauna niya itong nakilala, siguro ay masaya siya.
Pero agad din niyang iwinaksi ang tumatakbo sa isip at mas nag-focus sa pakikinig sa mga kuwento ni Chelsea. Friday ngayon at lunch break na, silang dalawa lang ang magkasama.
Nagkukuwento si Chelsea tungkol sa memories nila ni Allan noon. Nakikinig lang siya habang nakahalumbaba sa mesa paharap kay Chelsea.
“Second year college kami nung magkakilala at maging kami pero nasa first year pa lang kami ay napapansin ko na siya. Naalala ko pa noon, ang sungit niya sa ibang babae pero sakin palagi siyang nakangiti, until August nang manligaw siya sa akin,” kwento nito at tumango lang siya. Nakangiti rin ito habang nagkukuwento kaya hindi niya maiwasang mapatitig.
“Sobrang sweet pala niya as a suitor kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinagot ko na siya. October 10 nang sagutin ko siya and it was the best day ever!” wika nito na kinikilig-kilig pa. Samantalang siya ay muntik nang mahulog dahil dumulas ang siko niya.
Kung may iniinom lang siya ay baka naibuga na niya iyon kay Chelsea sa sobrang gulat.
‘October 11 kami ikinasal!’ sigaw ng isip niya. ‘Kaya naman pala ayaw ni Allan noon na ikasal kami sa ganiyang date at month,’ sa isip niya habang nakatingin kay Chelsea.
“Are you okay? May nakakagulat ba sa sinabi ko?” tanong nito kaya agad siyang ngumiti at umiling.
“Wala, ah! Dumulas lang siko ko,” sagot niya at umayos ng upo.
“Okay, continue ko na,” sagot nito at tumango siya.
“So, iyon nga, we became sweet couple, kinakainggitan kami sa dating school na pinasukan namin, kaso…” Tumigil ito at bahagyang nalungkot.
“Kaso?” tanong niya.
“Noong patapos na ang school year, nagkasakit si mom at kinailangan namin pumunta sa states para roon ipagamot si mommy at matagal kami mawawala. I offered a long distance relationship but he refused. Hindi daw niya kaya at ayaw daw niya ng ganoon kaya nag-break kami. Umalis ako ng bansa na malungkot dahil naghiwalay kami. Pero babawi na ako ngayon kaya nag-usap kami agad and inayos ang relasyon namin. Napag-isipan namin na ituloy na lang ang naudlot naming pagmamahalan,” wika nito.
Napatango-tango siya at napaisip na kaya pala hindi nito alam ang tungkol sa kanila ni Allan dahil wala ito last year. Muli siyang napatitig sa dalaga.
Naisip niyang totoo si Chelsea, pure and innocent. Totoong nagmamahal kay Allan without knowing na kasal na ang lalaking iniibig nito. Hindi niya alam na ang taong mahal niya at binalikan kasal na.
Siguro, ito ang isa sa dahilan kaya minahal siya ni Allan. Ang pagiging pure, kind and woman with a heart. Unti-unti niyang naintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ni Allan kay Chelsea and she deserves it.