KINAGABIHAN… Nagpe-prepare na siya ng gatas para sa anak niya. Naroon din si Jelly at kakuwentuhan niya. Nakapaghalf-bath na rin si Alee at nakaupo na sa kama habang hinihintay siya. Nang matapos siya sa pagtitimpla, umakyat siya sa taas upang puntahan ang anak. Sumunod si Jelly sa kanya. Nasanay na rin kasi si Alee na mag-good night kiss sa ninang nito. Nang pumasok sila sa kwarto, nadatnan nila si Alee na nakaupo sa kama habang may hawak na isang bond paper. “Hi my pretty inaanak,” bati ni Jelly. Napatingin sa kanila si Alee at binitiwan ang hawak. “Hello po, pretty ninang,” sagot nito. Umupo si Jelly sa kaliwang bahagi ng kama habang siya ay inilapag sa side table ang gatas. “Gatas mo, anak. Inumin mo na bago ka matulog,” wika niya at naupo sa kabilang side ng kama. “Opo, mama,

