AFTER five years… “Hello po! Good morning! Bili na po kayo ng cupcakes, masarap po ito!” Naiiling na nangingiti sina Jelly at Sam sa kadaldalan ni Alee(Eilee). Ang anak ni Sam pagkalipas ng limang taon. Magandang bata si Alee. Pinalaki rin niyang magalang at mabuting bata. Bonus na lang ang katalinuhan at kadaldalan nito dahil talagang binago nito ang buhay niya. Tila nagkakulay ang buhay niya nang isilang niya si Alee. Kahit nahirapan siya dahil sa asthma ay tila gumaan naman iyon dahil sa tulong nina Jelly. Hindi siya pinabayaan ng mga ito at sinamahan talaga siya hanggang sa makaanak. At worth it naman ang hirap dahil bibong bata si Alee. “Hi, Mommy Teresa!” bati nito sa ina ni Jelly. Gusto kasi nito na Mommy ang itawag sa kanya ni Alee at hindi niya iyon hinadlangan dahil halo

