Lumabas siya ng kwarto pagkatapos kumain at medyo nahiya nang bumungad sa kanya sa sala ang mommy at daddy ni Jelly. Nakaupo ang mga ito sa sofa at tila nag-uusap. Nginitian siya ng mga ito kaya maikling ngiti lang ang isinukli niya. “Ate Mila, pasuyo naman po ng tray kay Sam,” sambit ni Jelly. “N-naku, huwag na. Ako na magdadala, nakakahiya naman,” sagot niya pero tumayo na si Jelly at kinuha ang tray. Lumapit din naman si Mila kaya wala na siyang nagawa kundi ipaubaya na. “Take a sit,” wika nito. Sumunod agad siya kahit na naiilang. “This is my Mommy Teresa and Daddy Ramon. Kilala ka na nila so huwag ka na mahiya,” sabi nito. “Oo nga, Sam. Welcome ka sa pamilya namin kaya huwag ka mahihiya,” saad ng mommy ni Jelly. Tumango siya at ngumiti. “Yes, you can stay here kung ayaw mo pa

