LUMIPAS ang mga araw na nauubos lang ang ibang oras ni Allan sa paghahanap. Kahit pagod sa school at imbes na magpahinga, nilalaan niya na lang para hanapin si Sam. Hindi siya sumusuko kahit palaging walang nangyayari sa paghahanap niya. At sa mga araw na iyon, palagi niyang sinisisi ang sarili sa pagiging, g*go, at pagpapabaya sa asawa. Tulad ngayon, nasa balcony siya ng bahay ng magulang niya at umiinom. Doon na muna siya umuuwi dahil nalulungkot lang siya sa tuwing umuuwi sa bahay nila ni Sam. Mas lalo niyang namimiss ang asawa at lalo lang siyang nangungulila. “Anak.” Napatingin siya sa tumawag sa kanya. Ang kanyang ina, malungkot na nakatingin sa kanya. “Kakain na tayo. Umiinom ka na naman,” wika nito. “Pampatulog lang, mom. I can't sleep without this. Palagi ko lang maiisip si S

