Habang naghihintay siya sa paglabas ni Allan, hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot at saya. Sa wakas, mapapalaya na niya si Allan kahit pa masakit para sa kanya. Wala rin naman nangyari sa ginawa niyang pagpapakasa dahil wala namang nagbago sa pagtrato ng daddy niya. Hindi niya nakalimutan dalhin ang inhaler niya dahil baka bigla siyang atakihin, mas mabuti na rin na ready siya. Naisip niyang yayain lumabas si Allan, paraan na rin ng pamamalam. Gusto niyang bago sila tuluyang maghiwalay ay magkaroon siya ng isang masayang alaala kasama ang asawa. “Let‘s go,” saad nito ng lumabas. Ngumiti lang siya at sumunod na. Pinagbuksan siya ni Allan ng pinto ng kotse kaya nagulat siya. Ngunit hindi na siya nagsalita pa at hinayaan na lang. “Saan tayo?” tanong nito. Hindi siya makapaniw

