Chapter 15

1937 Words

Inako ni Sam ang pagtitinda ng fish ball at kikiam saka pinaupo si Tatay Ben para makapagpahinga at para rin hindi siya nito tanungin kaya si Allan ang nakakwentuhan nito. Hindi siya umalis sa tabi ni Tatay Ben dahil may gusto siyang itanong. “Gaano ninyo po kakilala si Sam?” tanong niya habang pinagmamasdan plaza. “Hindi ko siya gaano kakilala dahil nang masubaybayan ko siya ay high school na,” sagot nito. “Madalas din kasi siyang bumili sa akin kaya naging suki ko siya. Dahil doon napalapit ako sa batang ’yan kaya itinuring ko nang anak,” dagdag nito. “Ganoon po ba?” “Mabait si Samantha. Madalas kami magkuwentuhan kapag wala ang kaibigan niya,” wika nito na umagaw sa atensyon niya. “Kasama? May kasama po si Sam kapag napunta rito?” usisa niya. “Oo, si Jeff, mabait din iyon kasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD