HABANG naglalakad si Kyrie, hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Sam. Mas lalo siyang naguluhan sa sagot nito. “Sabi ni Allan, business partners ang daddy niya at daddy ni Sam. Pero bakit sinasabi ni Sam na nagtatrabaho siya sa pamilya ni Allan? Mahirap ba sina Sam? Bakit siya sa SBA nag-aaral? At kung business partners nga, bakit naman kailangan niya magtrabaho sa pamilya ni Allan?” bulong niya habang patuloy na naglalakad. Mas lalo lang dumami ang tanong niya. Hindi rin niya masabi kung sino sa dalawa ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling. Naiiling na lang siyang napabuntonghininga. Pero hanggang sa matapos ang araw na iyon ay hindi nawala sa isip niya ang mga tanong na iyon. Nang uwian ay nagmamadali si Sam dahil ayaw niyang abutan siya ni Kyrie. Ayaw m

