Nang magpaalam na si Cassey sa kanya para matulog ay naiwan na siya sa kwarto. Nalaman din niyang nasw trabahoba pa sa office ang parents nito kaya ang kasama lang nito sa bahay ay ang kanilant kasambahay at driver. Pero kahit wala roon parents nito ay ipinaalam na lang nito sa text ang tungkol sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag. Pumikit siya ng nakangiti. Tila ngayon lang niya naramdaman ang ganoong kasiyahan. Ngayon lang siya makatutulog ng gabi na hindi umiiyak, malungkot o masama ang loob. Dahil ngayong gabi ay payapa siyang pumikit at walang ibang nararamdaman kundi excitement. Nakangiti lang siya hanggang sa dalawin siya ng antok. KINABUKASAN, alasyete na siya nagising. Agad siyang bumangon at inayos ang hinigaan niya saka kinuha ang cellphone at bag na nasa side table ng kam

