Chapter 2

1696 Words
NAGULAT ako nang bigla akong itinago ni Champ sa likuran niya. “Give me my towel, Mate,” seryosong sabi ni Champ kay Greco. Walang anu-anong hinagis din agad nito ang tuwalya kay Champ. Binalingan ako ni Champ at saka ipinulupot niya ang tuwalya sa katawan ko. “You must change now. Baka magkasakit ka.” “T—thank you.” “No worries. I’ll see you tomorrow. Good night, Sweetlips.” Hindi na ako umangal sa kanya. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa at bumalik na sa room namin ni Murzhel. “Ano bang nangyayari sa ‘yo, Aeiou?! You just had lost your first kiss to a stranger!” kastigo ko sa sarili. Hindi ito ang inaasahan ko! “Uy, ang aga mo namang nagising, Ey,” papungas-pungas na tanong ni Murzhel. Naabutan niya akong paakyat na sana sa kama ko. How can I say that I wasn’t able to sleep? Na tinakasan ko lang siya kagabi? “Hindi ako nakatulog. Inatake ako ng insomnia, e.” “Sana ginising mo ako.” “Ano ka ba, ang sarap kaya ng tulog mo. At saka okay lang ako. Maya-maya matutulog na ako.” “How about your interview to Champion Pryce Ryken?” Sh*t! Napatampal ako sa aking noo. How did I forgot that! And shoot! Siya iyon! Ang first kiss ko! Ang tanga ko naman. Anong mukha ang ihaharap ko sa lalaking iyon?! Kaya pala ganoon na lang ang concerned niya sa pagtapon ko ng basura sa dagat, ay dahil siya ang may-ari nitong resort! Ang tanga mo talaga, Aeiou! “Natahimik ka, Ey?” “W—wala. Inaantok na ako. He-he.” “Right. Matulog ka na. Gigisingin na lang kita mamaya for the interview schedule.” “S—sige. Thank you, Zhel.” “Pagkagising mo na hindi mo ako naabutan. Nasa dalampasigan lang ako, ha. Kailangan kong irampa ang ganitong mukha,” nakangising sabi niya pa. “Okay, I won’t argue. Totoo naman.” “Really?! Gago lang talaga siguro si Fin para makipaghiwalay sa akin.” “True.” “Sige na. Sleep ka na. Basta ako, eenjoyin ko ang pagiging single ko ngayon. Hmp! Akala no’n, ha!” “True ulit. Enjoy!” “Ako pa ba? Hindi tayo nakapag-spot ng mga gwapo kahapon, e. May jet lag. But now, I won’t missed it! Ciao!” Ikaw lang, kasi ako may nakita ng guwapo. Perfect na sana, kaso gago nga lang. Well, not totally naman. Pero malapit na talaga! How dare hin tricked me like that! Dahil sa kanya, nawala ang first kiss ko! Counted ba ‘yon?! Mouth to mouth lang naman, e. Pero nag-kiss pa rin! Naglapat pa rin ang lips ko sa kanya! And the brute has the guts to call me Sweetlips! Makatulog na nga. And luckily, I did. NAGISING ako dahil sa malakas na katok mula sa pintuan. Napilitan akong bumaba sa kama ko, para pagbuksan kung sinumang istorbo iyon. Kung hindi ko pa sana bubuksan ay baka magiba na ang pintuan sa lakas ng pagkaka-katok. “Nandiyan na po. Hindi naman po kailangang gibain ang pinto,” mahinahon kong sabi pero halata ang sarkastikong tono sa boses ko. Nang mabuksan ko ang pinto. Nagsisi tuloy ako kung bakit binuksan ko pa. Bumungad kasi sa akin ang mukha ng lalaking kinaiinisan ko. No other than— Champion Pryce Ryken. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Samantalang nananatiling seryoso pa rin ang mukha niyang nakatitig sa akin, then it changes into a glint of amusement. “May ibibigay ako sa `yo,” he said. This time ay nakangiti na siya. May nakatago sa kanyang likuran. Hindi ko alam kung ano iyon. Pero hula ko, iyon ang ibibigay niya sa akin. Ito na ba `yong part na bibigyan niya ako ng bulaklak? `Tapos ay mafo-fall ako sa kanya? `Tapos magiging kami? At sa huli lolokohin niya lang ako. No freaking way! Hindi niya ako mauuto sa pa-bulaklak-bulaklak na iyan! Isaksak niya sa baga niya ang bulaklak na bitbit niya ngayon. “Hindi mo ba ako papapasukin?” he asked. “Why should I? Hindi ka welcome dito. No boys allowed,” seryosong sabi ko. He just grin. “As far as I am concerned. I am not a boy anymore. I'm already a grown-up man. See this?” Itinuro niya ang kanyang muscles sa balikat gamit ang baba niya. Which I found hot. Don’t get me wrong. Na-a-appreciate ko ang mga ganyang bagay. Pero never akong magnanasa sa kanya. As in never! Kahit gaano pa katigas— I mean ka-hot ang katawan niya. “Wala akong pake kung malaki ka na. Bawal ka rito. Period no erase!” “Ako may-ari nitong resort. At saka bahala ka, maganda pa naman `tong ibibigay ko sana sa `yo. Siguradong magugustuhan mo,” nakangiting aniya. Grabe ang pagpipigil ko na silipin anh nasa likuran niya. Bakit kasi ang lapad ng likod niya? And not to mention ang hot din. Okay, erase, erase. Kakasabi ko lang na bawal siyang pagnasaan pero heto ako ngayon. Pinupuri ang kurimaw sa isip ko. “Wala akong magugustuhan na bagay basta galing sa `yo!” may katigasan na ang tono ng pananalita ko. Sobrang nagpipigil na baka pumayag akong makapasok siya sa room. He's off limits. Hanggang sa pintuan lang siya dapat. “Hindi mo talaga ako papapasukin?” may halong paglalambing na sa boses niya. At unti-unti na akong nagiging marupok. “Hindi.” “Ayaw mo talaga, Patinig?” “Anong patinig?” “Your name is Aeiou, right? Vowels ‘yon, sa tagalog, Patinig.” “Witty, but still a no.” “Weh? Sure ka na ba diyan, Patinig?” “Argh! Fine! I hate you for this. Puwedi ka nang pumasok. 5 minutes lang ang itatagal mo. Punta lang ako sa banyo. Paglabas ko, dapat wala ka na rito. Timer starts— now!” Wala naman talaga akong sinet na timer. Bali estimated na lang. Napilitan lang ako dahil curious ako kung anong klaseng bulaklak ang ibibigay niya. Mamaya ko na lang titingnan kapag 5 minutes na at kung kailan wala na siya. Ang totoo hindi ako sa banyo dumiretso. Sa kusina talaga ang tungo ko. Masyado akong nagutom sa kakangawa ko kagabi sa dagat. Which I realized na dapat hindi ko ginawa iyon. Nakalimutan kong kumain kaninang umaga. Malapit nang magtanghalian pero wala pang laman ang tiyan ko. Natulog ako buong magdamag! Mga after 5 minutes. Sinilip ko ang living room. CLEARED! Wala nang tao. Ang ibig sabihin ay nakaalis na siya. Nadismaya ako nang walang bulaklak na nakalapag sa ibabaw ng lamesa ko. Pero may nakita akong sulat na nakalagay doon. Kaya agad ko iyong binasa. Dear, Patinig, Nais kong marinig ang tinig ng aking patinig. Joke walang connect! Hahaha. Gusto ko lang sabihin na guwapo ako. Ako ang pinaka-pinaka-pinakaguwapong surfer sa balat ng tubig. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa! Nilagay ko sa doormat sa labas ang ibibigay ko sa `yo. Alam kong matutuwa ka. Baka nga mahalikan mo pa ako kapag nandiyan pa ako. So, I decided to leave. -From CPR Medyo napangiti nga ako sa sulat ng kolokoy pero mas excited ako sa ibibigay niya. Okay aaminin ko medyo na-excite lang ng konti. Hindi naman siguro masama. Patakbo akong nagtungo sa may pintuan. Ibinaba ko ang tingin sa doormat kung saan daw niya inilagay ang ibibigay niya. “CPR!!!” hindi ko na napigilang sumigaw. Bwisit siya! Yung basura na nasa sako lang pala ang ibibigay niya. At ibinalik pa ng hinayupak na iyon ang basura! Humanda lang talaga sa akin ang CPR na iyon! May nakatali na kulay pula sa sako at may sulat din doon. Nag-effort pang magtali ng kurimaw na `yon. Dear Patinig, `Di ba sabi ko we observed CLAYGO. Iniwan mo lang `yang basura mo. Sa susunod may punishment ka na sa `kin. Iba-banned ko na ang mga mata mo sa pagtitig sa abs ko. Gusto mo ba `yon? Siyempre ayaw mo. Kaya itapon mo `yan sa tamang lalagyan. Upang ang aking abs ay iyo pang masilayan. Wave you! -CPR Anong sabi niya?! Ako? Pinagnanasaan siya?! Napaka-ambisyoso ng hinayupak. Nakakagigil! Hindi naman sa masyado akong umasa. Pero umasa talaga ako ng konti kanina. Kapag nakita ko iyon, babalibagin ko talaga ang leeg n’on, swear! Imbes na magmukmok nagdecide na lang ako na lumabas muna. Tutal ay busog na rin naman ako. Magliliwaliw na lang muna ako rito sa resort. Hahayaan ko na lang din muna si Murzhel na mag-enjoy. Sobrang abala na ang nagawa ko sa kanya. Brokenhearted pa naman ‘yong tao. Magiging considerate ako sa kanya ngayon. “Aeiou!” Napaigtad ako nang dahil sa gulat. Kita namang nagmumuni-muni ako rito, e. Bigla raw ba akong tawagin sa pangalan ko. Nilingon ko na lang din ang tumawag sa akin. Walang iba kundi ang kaibigan ni Champion Pryce Ryken. Silang dalawa pa naman ang ayaw na ayaw kong makita ngayon. Baka mapagbuhol-buhol ko sila nang dahil sa inis ko. “Anong ginagawa mo rito?” I asked Greco. May hawak itong surfing board na kulay pula. May desinyong apoy. Kung hindi lang ako naiinis ngayon ay napuri ko pa ito. “Wala, naghahanap ng magandang spot, para sa surfing. At itatanong ko lang sana kung nakita mo si Champ?” “Oo, kanina. At nakakainis ang kaibigan mong iyon! Ang sarap niyang un—” “Hoy, ano `yong narinig kong masarap ako?” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana nang biglang sumulpot si Champ sa gilid ko. Speaking of! “Ano na naman ang ginagawa mo rito? May kasalanan ka pa sa akin, ah!” singhal ko sa kanya. “M-mukhang may LQ kayo, babe. M-mauna na ako.” Biglang umalis sa eksena si Greco. Natakot yata sa `kin. Bitbit nito ang surfboard niya. Samantalang may dala rin palang surfboard si CPR. Kulay green ito na may nakasulat na “I surf well.” Simple lang din ito, pero nakakaagaw ng pansin. Lalo na ang may hawak ng surfboard. `Yong tipong maglalaway ka sa katawan niya. At mahihirapan kang i-resist ang nakahaing pandesal. “Patinig, Eight,” biglang pagsasalita ni CPR. Nagtaka lang ako sa inasal niya. Anong eight ang pinagsasabi nito? “Anong eight? Nababaliw ka na ba diyan?” He chuckled. “Walo ang bilang ng abs ko. Tinulungan na kitang magbilang. Mukhang matagal pa bago matapos ang pagbibilang mo, e,” nakangisi niyang sabi. Inambahan ko siya ng suntok, pero nasasangga niya lang. “Awat na, Patinig. Lakas mong manuntok. Boksingera ka ba sa baranggay niyo?” natatawa lang niyang sabi. “Ikaw! Tigil-tigilan mo nga akong hinayupak ka!” singhal ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako, sabay hatak niya sa kamay ko. “Champ, saan mo ako dadalhin, hoy?!” “Basta! Sumama ka na lang. May ipapakita ako sa ‘yo. Siguradong mag-e-enjoy ka, Patinig,” nakangising sagot niya, with matching lipbite pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD