bc

Gone with the Waves

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
fated
badboy
kickass heroine
dare to love and hate
sporty
drama
comedy
YA Fiction Writing Contest
bxg
self discover
like
intro-logo
Blurb

Aeiou Deverell wants to conquer her fear of waves or any wave like motions. That’s why she decided to have her guilty pressure in Mizquitta Beach. The famous tourist spot in Bacolod City na siyang dinadayo ng mga turista. And kailangan niya ring mahingan ng interview ang sikat na may-ari ng mismong resort— no other than Champion Pryce Ryken “CPR” the famous surfer in the world. Who won a lot of surfing competitions.

But CPR doesn’t want to have an interview with her, unless. She will pretend to be his girlfriend.

At kung kailan ayos na ang lahat, niya malalaman ang totoo at sa hindi.

That some things aren’t meant to be. No matter how you tried fighting for it. You’ll end up thinking that everything— was now gone with the waves. . .

chap-preview
Free preview
Chapter 1
I WOKE up with a dizzy feeling. Siguro dahil nalipasan na naman ako ng gutom. Nakatulog kasi ako ng maaga at hindi na ako nagising pa para makakain. Mabuti na lang at nakatayo pa ako. Usually my toes turns into a jelly when I failed to eat dinner. I got up from my bed and went to the bathroom to clean myself. Dahil wala namang maglilinis ng katawan ko para sa akin. Yes, because I don’t have a freaking boyfriend. It’s not that I am ugly, but because I don’t trust men nowadays. Nadala na ako sa nangyari sa kaibigan kong si Murzhel. Speaking of Murzhel. I forgot to call her last night! We’re heading to Mizquitta Beach today. Sikat daw na resort iyon para sa mga dayuhan. Lalo na ng mga surfers na nagbabakasyon dito sa Bacolod City. Highly recommended iyon dito. And that’s a nice place for me to conquer my phobia. After cleaning up myself ay bumalik na akos room ko. I’ll call Murzhel first. “Hello?” I asked on the other line. “Mabuti naman at tumawag ka na, ano? Anong oras na ba? Male-late na tayo!” Her voice sounds irritated. Oh, shoot! Maaga pala ang alis namin ngayon! “I’m on my way, Zhel.” That’s a lie. “Come on, Aeiou. Alam kong sa on the way mo na ‘yan ay pwedi pa akong gumala sa outerspace para makipagchikahan sa mga aliens!” I can imagine her rolling her eyes while saying that. “Give me 20 minutes,” I said. “That’s a total of 60 minutes.” She knows me very well. It’s exactly thrice as expected. I don’t know, pero hindi naman ako mabagal kumilos. It’s just that marami pa akong ginagawa bago umalis. Siguro chini-check ko pa ang lahat twice, before finally going. “Magbibihis lang ako,” paalam ko sa kanya. I heard her sigh deeply. I felt like I am a burden to my friend. “Fine. Hurry up, kung ayaw mong standing tayo mamaya sa bus.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya akong binabaan ng telepono. Ayaw kong tumayo buong biyahe. Nakakahilo iyon. Mabilis pa naman akong mahilo. Mahirap nang masuka ako habang nakatayo. Tapos ay naka-aircon pa ang bus. Pitty all the passengers na makakasabay ko kapag nagkataon. At dahil ayaw kong tumayo buong biyahe ay nakarating ako ng mas maaga. Hindi tumagal ng isang oras ang pag-aayos ko. Just 55 minutes. Hey, it’s five minutes early as what we’ve expected. I saw Murzhel with her luggage. She is wearing her usual OOTD. A floral dress, with matching a color pink big hat. She’s indeed a beauty. At hindi ko maintindihan kung bakit nagawa pa siyang lokohin ni Fin! “Sa wakas at nakarating ka rin. Let’s go?” she said. Tumango ako kaagad. Inalis niya ang malaking sumbrero sa kanyang ulo, para hindi kami mahirapan sa pagsakay. Ipinalagay muna namin sa kay Kuyang Konduktor ang mga gamit namin sa compartment ng bus. Tulakan. Sipaan. Siksikan. Ano pa ba? Masyadong marami ang pasahero ang atat din na makasakay sa bus. “Are you okay?” tanong ni Murzhel sa akin nang makahanap na kami ng mauupuan. “I am. Ikaw?” “Ayos lang din. Grabe ang siksikan ngayon. Maybe because it’s summer at marami rin ang gustong magbakasayon sa Mizquitta Beach. “Hopia, mani, popcooorn!!!” sigaw ng isang tindero. Marami itong pagkaing bitbit. Hindi pa pala ako nakakain kanina at kagabi rin. Siguro hindi ang phobia ko ang makakapatay sa akin kundi Ulcer! Pababa na sana ang tindero sa bus nang tawagin ko ito. Agad din naman itong bumaling sa gawi ko. “Magkano po ang hopia niyo?” I asked. “20 isang pack.” “Tatlo nga po.” He gave me my Hopia. Bumili na rin ako ng tubig niyang binibenta. I offered Murzhel, pero tumanggi siya dahil busog pa raw siya. Kumakain ako habang nasa biyahe kami. Si Murzhel naman ay natutulog sa balikat ko. Napagod yata sa kakahintay sa akin. Wala pa namang bakanteng upuan kanina. She gave her seat sa isang lola, kaya nakatayo lang siya sa buong paghihintay sa akin. After 5 hours ay nakarating na rin kami. I smiled when I saw the big signage. “WELCOME TO MIZQUITTA BEACH! ” The other reason why I need to go in Mizquitta Beach is also because of my job. Isa akong Sports Journalist. I need to have an interview to a famous surfer. At nasa Mizquitta Beach daw ito ngayon. I have no choice but to follow him. Ayaw nga sana akong payagan ng Mama ko. Of course who would agree? Alam nila ang phobia ko sa mga alon, tapos ay mag-iinterview pa ako ng surfer? Ano raw ba ang nakain ko at pumayag ako. Ang sabi ko, for a change. Hindi puweding habang buhay na akong matakot. Kaya ko naman siguro. No! Kakayanin ko dapat. Promotion din ito kapag pumayag iyong Champion Pryce Ryken na magpa-interview sa akin. Sana nga lang pumayag. Actually, I have no idea, who he is. Hindi rin naman kasi ako nanonood ng may kinalaman sa surfing. Bakit ako manonood? Para umatake na naman ang takot ko? But this time, siguro nga mapipilitan ako. “Hey, masyadong malalim na ang iniisip mo, Ei,” puna sa akin ni Murzhel. “Natatakot ako, Zhel. Ayaw ko nitong phobia na ito. It needs to stop.” Niyakap ako ni Murzhel. It makes me feel at ease. Thanks to her. “I know. But please, don't pressure yourself. It takes time. Step by step lang. You can overcome that phobia of yours.” I sighed, before heading inside. Nasa likod lang ako ni Murzhel. Medyo nanginginig ako sa takot. I closed my eyes tightly avoiding to see the waves rushing through the shore. “Wala pa, Ei. Medyo malayo ang dalampasigan dito. You can’t clearly see the waves. Unless, pumunta ka doon. I know you are closing your eyes.” “That’s why dito mo ako dinala?” I asked her. She just nodded. “I won’t pressure you ‘di ba? Uunti-untiin lang natin. Kailangan mo pang maglakad nang medyo malayo para tuluyang makita ang mga alon. Dito muna tayo sa room ng hotel. Mamaya na tayo pumunta sa dalampasigan. Siguro, gabi na lang tayo pumunta para hindi mo masyadong makita ang mga alon?” “Sige. Thank you, Zhel. Hindi ko alam ang gagawin ko, kapag wala ka.” “Are you gonna cry? Please, don’t. Ang pangit mong umiyak, Ey.” “Okay na, e. Panira ka lang ng emote.” May kinausap saglit si Murzhel. While I am busy roaming my eyes around the hotel. I was really amazed. Maganda ang pagkaka-design ng hotel at ng paligid. The colorful flowers and shells surrounding the whole area makes you feel relax. Summer na summer talaga ang feels. “Ei, okay na. Let's go to our room. Para makapag-ready ka na.” Again, sumunod na lang ulit ako sa kanya. Para akong batang kapit na kapit sa nanay at baka maligaw. We shared the same room. Mayroon itong double-deck na kama. Siya ang hihiga sa ikalawang palapag. Inayos na muna namin ang mga gamit namin, then we went outside to eat. “Grabe, itsura pa lang nakakatakam na!” I said, while looking to the seafoods that were displayed in front of us. “Let’s eat!” Kung may sobrang pagkakasunduan kami ni Murzhel. Iyon ay ang pagkain. “I am dead hungry!” “Yeah, patay-gutom,” natatawang sabi pa ni Murzhel. “Wow, did you suddenly became a translator now?” “Stop talking. Let’s start eating!” Magana kaming kumain ni Murzhel. Sobrang sarap naman talaga kasi ng mga pagkain sa GRAB AND EAT. Especially their crabs and octopus. IT’S 8 IN THE EVENING, I checked if Murzhel was already sleeping. And when I heard her snorring. I immediately knew the answer. I tiptoed while going down to my bed. Double-deck kasi ang kama at ako ang nasa ibabaw. Hindi ko alam, pero parang may tumutulak sa akin na pumunta sa dalampasigan. Medyo malayo iyon.  Surely, I can see the water, but not the big waves. Kailangan ko pang makalapit ng tuluyan sa dalampasigan, bago makita ang naglalakihang alon. Tuluyan na nga akong nakalabas. Wearing my sleeping pyjamas and t-shirt. At nang makarating na ako sa dalampasigan ay hindi ko napigilang manginig. The sound of waves makes them feel at ease, but in my case, it’s the opposite. Dahil naaalala ko ang lahat. Kung paano kunin sa akin ng mga alon ang mga magulang ko— ang totoong mga magulang ko. Galit, takot at pangamba ang nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita ko ang paghampas nito sa dalampasigan ay naaalala ko ang malakas din nitong pag-anod sa mga magulang ko. They died protecting me from the cruel waves. “Bakit! Bakit mo sila kinuha sa akin? Bakit hindi mo na lang din ako sinama!” sigaw ko habang nakatanaw sa malalaking alon na papalapit sa akin. Nanginginig pa rin ako— hindi ko alam kung sa galit ba o sa takot na baka nga hampasin niya rin ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. “Why are you so cruel? Wala naman kaming ginawa sa iyo! Prinotektahan ka ng mga magulang ko. May pa-save the earth pa kaming nalalaman noon, pero ikaw pa mismo ang kumuha sa kanila. They helped saving you, but you failed protecting them!” Nababaliw na nga siguro ako para kausapin ang mga alon na para bang isang tao na nakagawa ng krimen. Kasabay ng pag-anod sa mga magulang ko, ay ang pag-guho na rin ng mundo ko. Kahit anong gawin ko, the past is still haunting me! Hindi ako makaahon. I can’t move on from what happened. I even had a phobia because of that. Kahit na tinutulungan na ako ng umampon sa akin at ni Murzhel ay hindi pa rin ako nakakamove on. I want to. But how? “Napakasama mo!” Todo hampas lang ako sa bawat alon na dumadaan. Napapaatras lang minsan kapag may paparating na malalaki. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa bahaging ito, kung hindi baka pagtawanan na ako sa ginagawa ko. Napalingon ako sa gilid. May itim na sako bag akong nakita. Nakatali iyon. Nakatambak sa gilid ng isang cottage. Pumunta ako doon at kinuha ang sako bag. Hinila ko iyon papunta sa pwesto ko kanina. Medyo mabigat iyon. May mga boteng laman. Sa tingin ko ay nag-iinuman kanina ang mga tao na nasa cottage na pinagkuhaan ko nitong sako na may mga basurang laman. Hinagis ko ang sako, without untying it. Nagpalutang-lutang iyon sa tubig. Agad kong hinabol iyon at kinuha ulit. Binaklas ko ang tali. “Itong sa ‘yo! Hindi ka dapat iniingatan! Dapat sa ‘yo tinatapunan ng basura!” sigaw ko. Abot na hanggang sa bewang ko ang tubig. Wala na akong pakialam. I can’t think rational right at this moment. Mas nanaig ang galit sa akin. Isa-isa kong hinagis ang mga basurang laman ng sako bag. May dalawang bote ng San Mig Light, Paper plates, plastic ng chichirya at kung anu-ano pa. “Miss! Huwag kang magkalat!” sigaw ng isang boses mula sa aking likuran. Hindi ko na lamang iyon pinansin at patuloy na hinagis ang mga basura sa dagat. Sabi ni Mama; huwag daw akong magtapon ng basura, masama raw kapag ang kalikasan na ang nagalit. Nangunguha raw ito ng buhay. Kaya ito ako ngayon; nagsasaboy ng mga basura sa karagatan. Para kunin niya na lang din ako. “Huwag mo akong pakialaman!” sigaw ko pabalik. Hindi ko na namamalayang nakalapit na pala siya sa akin. Naramdaman ko ang dibdib nitong nakalapat na sa likod ko. Sapilitan nitang inaagaw ang sakong dala-dala ko. “Anong huwag mangialam? Are you out of your mind? We are maintaining the cleanliness of the water. Tapos tatapunan mo lang ng basura? How immature.” Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. Muntik pa akong ma-distract sa abs niyang kumikinang kapag nasisinagan ng ilaw na nanggagaling sa liwanag ng buwan. Nang mapadako ang mga mata ko sa bandang iyon. Lagpas tuhod niya lang ang tubig, habang lumagpas na sa bewang ko ang tubig. He is tall. “Excuse me? Ako immature?!” Saglit akong napatigil nang matitigan ko nang mabuti ang mukha nito. His shoulder-lenght wavy hair are now disheveled. Nililipad ng hangin ang buhok nito. His forehead creased. Halos magsalubong na rin ang mga kilay niya, pero hindi ko nakikitaan ng kapintasan ang bawat expression nito. His tanned skin was now shining because of the sea water dripping from his body. I haven’t seen such a perfect man as this man in front of me. I was out of my revery when he snapped his fingers into my face. Then I continued my speech. “Palibhasa hindi mo alam ang pinagdadaanan ko, kaya kung makapagsalita ka diyan. Akala mo ang bait-bait mo sa yamang-tubig! Tumatae at umiihi ka rin naman diyan kung tutuusin lang!” I can’t believe I was distracted to this man. Ngumiwi ang lalaki. “Gross. Kung ano man iyang pinagdadaanan mo. Huwag mong idadamay ang yamang-tubig.” Napatigil ako kay agad niyang nakuha sa akin ang sakong may laman na mga basura. Pinulot niya rin ang mga plastic na nakalutang sa harapan namin. Hanggang sa wala nang natira. “B-bakit mo pinulot?! Bagay lang iyan sa dagat! Inanod nila ang mga magulang ko! I’m just returning the favor!” Humagulgol na ako. Napahilamos ko na sa aking mukha ang palad kong may konting basa pa ng tubig. Gusto kong magpakalunod na rin, pero kapag may paparating na mga malalaking alon ay umaatras ako. “Revenge? Nababaliw ka na talaga, Miss. Turuan na lang kitang mag-surf. It can reduce stress. Gusto mong subukan?” anyaya pa nito. “Do you think, surfing can help? No, it isn’t! Pissed off!” singhal ko sa kanya. “Feisty woman. You can politely declined my offer. No need to shout on my face.” “Oh, do you expect me to act Ms. Goody? Pagkatapos ng pangingialam mo?!” “It’s your fault, Miss. Kung hindi ka lang sana nagtapon ng basura, hindi rin naman kita sasawayin.” “Ang pangit mo!” I can’t think of a comeback, kaya iyon na lang ang nasabi ko. I hate, that he is right! Akmang tatalikod na ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. I shivered with his touch. “Oh, dalhin mo ang kalat mo, Miss. We observed CLAYGO.” Kinuha ko ang sako bag na nakatali na ulit. At walang anu-anong hinampas ko iyon sa kanya. Natamaan ang abs nito. Nakaramdam ako ng konsensiya. OMG, baka masakit iyon! What if ma-damage ang abs niya? I can’t believe it! Mas nakonsensiya pa akong baka na-deform ang abs ng hinayupak kaysa sa pagtapon ng basura sa dagat! “Gosh! Napuruhan ka ba?” May laman na mga bote iyon. Baka umabot ang impact sa liver or kidney niya?! Kidney? Where was it located anyway? Basta!  “It hurts. Mukhang natamaan mo ang—” Saglit pa itong napayuko. Hindi ko na napigilang mag-panic. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahawakan. He can’t die. I am not a murderer! Paano kung may pumutok sa veins niya o baka may na-block sa daluyan ng dugo niya, because of what I did?! “Natamaan ang ano?! OMG, don’t die on me!” Dinaluhan ko siya patungo sa dalampasigan. Agad ko itong pinahiga sa buhangin. Nakapikit na ito ngayon. I don’t know what to do! What now?! Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang hindi na maayos ang paghinga ng lalaki. He is out of breath for Pete’s sake! Sa sobrang pag-panic ko ay yumuko na ako para iligtas siya. I gave him a mouth to mouth rescucitation! I parted his lips and gave him air. Tumigil ako sandali. This time ay pinump ko na ang dibdib nito. “I— I prefer your lips.” Napalayo ako sa kanya. Nang bigla siyang nagsalita at mabilis na bumangon paupo. “Y—you!” Hindi makapaniwalang sambit ko. “Me?” turo niya pa sa sarili niya. “You— you tricked me! SON OF A BEACH!” I can’t totally say bad words. “Why me? I didn’t force you to kiss me,” nangingiting pagtatanggol pa nito sa sarili. “I didn’t kiss you! I’m just saving your dying ass!” Mouth to mouth rescucitation ‘yon! “First of all, my ass is not dying.” “Kagatin ka sana ng pating,” mahina kong bulong. “I'm not afraid of shark bites. Your eyes looks more dangerous, though.” “The next time you’ll interfere, ikaw na ang lulunurin ko!” Kinindatan niya lang ako. “You can't make a surfer drowned, Beautiful.” “Ah, talaga lang, huh? Wanna bet?” “Looking forward to that. But I need to start my training for the upcoming surfing tournament. I need a lucky charm. A kiss would be fine.” “Manyak!” sigaw ko, sabay pulot ng buhangin at saboy sa mukha nito. His face moved sideward. His face looked dangerous glaring at me now. He walked towards me. Hindi ako nakagalaw nang hawakan niya nang  ang panga ko at dahan-dahang itinaas. “I'm not. I only ride waves, not girls. But it depends on the situation.” He smirked. “L—lumayo ka sa a—akin!” mahina kong sabi. “Make me...” nanghahamon niyang sabi. Napapikit ako nang hawakan niya ang bewang ko at ipinulupot niya ang mga kamay niya rito. “A-anong g-ginagawa mo?” nanlalaking mata kong tanong. Kahit obvious naman na ang sagot. “Hugging you—” “Hoy, Champ! Ang sabi mo mag-t-training ka lang, ah. Ibang training yata ginagawa mo, e.” Napalayo ako sa lalaking nakahawak sa akin. Nang bigla akong may narinig na sigaw na nanggagaling sa kabilang dako. “Swear, I'm gonna wring that idiot’s neck!” narinig ko pang bulong ng lalaki na tinawag na Champ. “Ito na ang pinakamamahal mong surfboard! Dala ko na. Kiss muna bago mo makuha!” sigaw pa ng lalaki na siyang nakapagpatawa sa akin. Ibang klase din ang mga `to. “Kiss ko mamaya kamao ko sa lips mo, babe!” “Let’s go. Imbes na magkalat ka rito at magbalak na magpakalunod. Ipapakilala kita sa gago kong kaibigan.” Nagdalawang-isip pa ako nung una. Pero nagpatianod na lang din ako sa kanya. Na kung paano ako magpatianod sa alon na dala ng buhay. Nang makalapit kami sa lalaking nasa dalampasigan ay bigla naman akong natulala rito. Pareho silang may magandang katawan. Iba talaga kapag alaga ang katawan sa gym. They have tons of muscles all in right places. “Mukhang type ako ng chick mo, babe,” biglang pagsasalita ng lalaki. Napairap naman ako. Type agad? At saka hindi ko siya type, ano. “Hey, babe. Kathang-isip mo naman. Ako type nito. `Di ba?” binalingan ako ng nagngangalang Champ na siyang yumakap sa akin kanina lang. “Wala akong type mi isa sa inyo, kaya puwedi ba. Tumigil na kayo,” sabi ko. “Ay, wawa naman babe ko. Harap-harapang binasted. Tayo na lang kasi, babe,” pang-aasar ng lalaki kay Champ. “Tayo mo mukha mo! Masaya na ako kay Surferina ko!” biglang agaw ni Champ sa surfboard niya mula sa lalaki. “Okay, tama na. Uuwi na `ko,” sabi ko. “Teka lang, magpapakilala muna kami,” pagpigil sa akin ng kaibigan ni Champ. “Ako nga pala si Greco. Babe niya,” turo niya pa kay Champ na ngayon ay busangot na ang mukha. “And I'm Champion Pryce Raeken. Also known as Champ. If you need me, just dial 143. And I’ll reply 1432. It means I love you too. Your CPR to the rescue.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

JOSH MONTEMAYOR The Quadro Plaits ( Tagalog )

read
505.5K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
72.8K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

OSCAR

read
248.8K
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook