Prologue

706 Words
“Let's be honest here, Ms. Parker. Ikaw ba at si Mr. de Lucca ang nasa video na ito?” Ani ng matandang Principal sa akin habang nakaharap sa mga Staff ng eskwelahan kung saan ako nag-aaral at sa mga estudyanteng naging saksi daw sa immoral na gawain namin ni Mr. de Lucca. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o aaminin ko ba ang totoo. I stared at his eyes pero iniwasan niya ang mga mata ko. Nagtatanong ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya at sinasabi ng aking mata na tulungan ako rito ngunit nagkamali ako dahil yumuko lang siya. What's happening to him? Akala ko ba sabay naming haharapin ang problemang ito? Bakit yata ako lang ang umaasang magsasabi siya ng totoo? “Tell us the truth Ms. Parker!” Muntik na akong mapatalon sa pagsigaw ng Principal. Napapikit ako at inantay ko siyang sunmagot sa bagay na itinatanong din nila sa akin. “Y-yes, it's true.” Mahina at pautal kong sagot sa kanya. They gasped with my answer. Andyan na ang nanunuya at mga judgemental nilang mga komento. “Is she telling the truth Mr. de Lucca?!”The Principal asked him. Binuksan ko ang aking mga mata at muli ko siyang tinignan. Nasa likod niya ay ang babaeng kahit na kailan ay hindi ko mapapatawad. I saw her smirked at me. I don't like the ways she's smiling right now. “No Sir, that is not true. Hindi po ako ang lalaki sa video.”Ako naman ang napasinghap ngayon. Napilpilan ako sa sagot niya. Napaawang ang aking bibig at hindi makapaniwala sa tinuran niya. Bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit? Umaasa ako, umaasa akong sasagutin niya ang totoo. Umaasa akong gagawin niya ang tama pero hanggang pag-asa lang pala ako. Umaasa akong ipaglalaban niya ako. Umaasa ako na sana gawin niya ang tama. I felt embarrassed and ashamed of myself for choosing this person. I felt my tears into my cheeks slowly falling into my eyes. “She's delusional Sir! Dinadamay pa niya si Mr. de Lucca!” Some teachers said. Nasasabi nila ’yan dahil may gusto sila sa taong ito. Lahat sila nagbulung-bulungan kahit na sa labas ay rinig na rinig ko ang mga estudyanteng nakikiusisa. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang sarili kong humikbi. They were all judging me and what I have done. Ganoon naman ang mga tao ambilis manghusga at ambilis ding mang-insulto. Tahimik lamang akong umiiyak habang sinusuri ng mga mata nilang lahat. Binigay ko ang lahat sa kanya, ang puso ko, ang p********e ko at ang buo kong pagkatao sa pag-aakalang mahal niya akong totoo. Sa pag-aakalang ipaglalaban niya din ako gaya nang ginagawa ko. Isa siyang duwag! Bawat halik at yakap bawat pagsabi niya ng mahal niya ako. It was all his lies. Walang kami, walang ako at siya dahil siya at ako ay hindi totoo. I can't do this anymore, I can't take the pain of loving someone who saw me as embarrassing. Who pretended to love me even this is just one-sided love. Tumayo ako ng tuwid at muli silang hinarap, tinignan ko sila isa-isa. “Don't stare nor judge me as if you haven't done wrong in your life. Huwag kayong istupido para ipagmalaki ang mga sarili niyo na para kayong mga perpekto! For I know, mas malala pa ang nagawa niyo kaysa sa akin.” Sinabi ko ito na may panunuya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. And with that, I face the man who made me believe that love was the greatest comfort. But, it was a mistake, all of these are mistakes. I came to him, face to face and I give him the best slap I could ever give. “I HATE YOU! I DON’T WANT TO SEE YOUR FACE EVER!” I saw the hesitation on his eyes, too late dumbass, too late... Pagkatapos ng ginawa ko ay dali-dali akong umalis sa lugar na kahit kailan ay hindi ko na gugustuhin pang balikan. Hilam ng mga luha ang aking mata habang tumatakbo nang hindi alam ang aking patutunguhan. Really, I was innocent and naive to fall for someone sees me as his mistake. I am his greatest mistake...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD