Chapter 1

1236 Words
Celestine “Mommy! Mommy! Wake-up na po! Mommy please, wake up kung ayaw niyong pasabugin ni Knixx ang kusina!” Napabalikwas ako sa sinabi ni Knixie sa akin. Kagigising ko lang ng bumakas ang pintuan ng kuwarto ko kanina. Hinayaan ko lang ang kung sinuman na pumasok, alam ko namang ang aking unica hija lang iyon na bubulabugin na naman ang tulog ko. “There, nagising ka din po.” Pagmamaktol nito nais ko pa sanang kurutin ang pisngi niya dahil sa sobrang cute ng anak kong ito ng maamoy ko ang sunog na hotdog mula rito sa baba. “Shemay! Who told your big brother to cooked?” Asa namang sasagutin ako ng isang ito. She shrugged at me. See? Napailing nalang ako at ibinaba siya mula sa kama. Nagtatakbo kaming dalawa mula sa kuwarto ko papuntang kusina. There, we saw Knixx puno ng uling ang mukha nakangisi pa itong nakaharap sa amin ng kapatid niya. “I already told you. Ako ang magluluto, ’di ba, Knixx?” Nakapamewang kong sabi sa isa ko pang anak. Ginaya naman ako ni Knixie kaya naman napasimangot nalang ng kuya niya. “But Mom! I just want to make you all breakfast, masama ba ’yon?” He pouted at me. He's really the sweetest when it comes to his own mother –me. Oh' no, I couldn't resist that smile with mix of his infamous puppy eyes. I mentally groaned while watching at my kids. “You are allowed to cook kung hindi mo susunugin ang kusina at buong bahay natin.” Napahawak ako sa aking dibdib nang may magsalita sa likod ko. Napatampal pa ako sa noo, sana naman bigyan ako ng mahabang pasensya ni Lord ngayon. “And ofcourse, kung masarap kang magluto pwede pa.” Dagdag naman ni Knexel na nasa tabi ni Knell. Nakacross-arms si Knell habang si Knexel naman ay nakapamulsa habang nakatingin kay Knixx. Mabubuwal yata ako sa mga anak ko. They were a perfect description of those little devils. Yes, they are quadruplets. Naunang lumabas si Knixx Prince, sumunod naman sa kanya si Knexel Duke pagkatapos ng walong minuto tapos si Knell King Parker pagkatapos ng sampung minuto at ang panghuli ay si Knixie Queen. Parker ang gamit ng mga bata maging ako din mula noong pumanaw ang aking Ina. Apilyedo niya ang dala ko dahil sa galit ko sa aking Ama. Halos himatayin ako sa gulat nang sabihin ng doktor na magkakaroon ako ng quaruplets. For a sixteen years old, isang napakalaking responsibilidad iyon. But, I survive hindi ko hinayaan ang judgemental na mga tao para pabagsakin ako. So, here I am lucky to have my quadruplets. “Mommy! Pinagtulungan na naman ako ni Knell at Knexel!” Take note they are five years old pero kung magsalita parang matatanda. They argue like adults. What could I ask for? Having my quadruplets with me makes my problems go away. They are my everything. Wala na akong mahihiling pa bukod sa lumaki silang malusog at masaya. I wanted them to have the future they want. “Crybaby.” Asar pa ni Knexel kay Knixx. Mahilig dalagang mang-asar ito sa Kuya niya. Ako na din mismo ang nag-alis ng prying pan sa stove dahil baka masunod nang tuluyan itong bahay namin. Napakamature ng mga babies ko, alam kasi nila ang pinagdadaanan ko hanggang ngayon ay nakatingin pa din ako sa nakaraan. Hindi ko nilihim sa kanila ang mga nangyari, matatalino ang mga anak ko para sa utak ng isang bata. “Okay, okay tama na yan, upo na ako na ang magluluto,” nakapamewang kong utos sa kanila. Alam nilang seryoso na ako sa sinabi ko kaya agad silang tumalima sa sinabi ko. Bumuntung-hininga ako at kumuha ng bagong prying pan para magluto. They love the bacon I cooked just like hi –No, I won't think of that guy again. I know I'm being pathetic pero wala na akong pakialam kung ano na ang nangyayari sa kanya. I don't really care! “Wala nga ba?” Sabi sa isipan nang isang bahagi ng utak ko. Really, I am! I don't really care! “Ouch!” Walangya, napakatanga ko talaga. “That what you get from not focusing on your task Mom.” Pangaral sa akin ni Knell habang nagbabasa ng General Psychology book. The hell? Ako pa talaga pinangaralan ng anak ko? And where did he get that book, I know they love books but para sa bata hindi pa angkop ang ganyang mga libro. “Don't think of that man again Mom, masasaktan lang tayo.” Dagdag ni Knixx na World Geography naman ang binabasa. Alam niyang concern ang mga anak sa kanya. Napatampal ako ng noo habang hinahanda ang pagkain nila. They were all holding books in front of our food. I don't know where did they got their brains but it's too obvious that my babies are geniuses. Kung hindi ko nga lang pinipigilan ang mga guro na isali sila sa kung saan-saan baka nasa TV na ang mga mukha ng mga anak ko na ayaw kong mangyari. I know I am being selfish but kung sila ang nasa sitwasyon ko ganoon din ang gagawin nila. Nasaktan ako at ayaw ko ding masaktan ang mga anak ko sila ang buhay ko simula nang mawala si Lola. “Mom, did you remember grandmama again?” Knixie asked. She's chewing her bacon while looking at her book. Hindi ko sila pinipigilan kahit doon man lang pwede nilang gawin ang bagay na ito. Tumango ako bilang sagot kay Knixie kahit hindi niya nakikita ang ginagawa ko. “Don't be Mom, grandmama told us to make you happy when she leaves, she will be mad at us if you're crying again,” sabi naman ni Knexel. I smiled halfly, these four kids are my treasure, my greatest gift. “Mommy, mag-aalas-otso na po, ihahatid n’yo pa kami sa School remember?” Nanlaki ang mata ko ng marinig ko si Knell, napatingin ako sa oras. Holy s**t! Bubuksan ko pa ang coffee shop ng alas nuebe. Gracious! Since nakabihis na ang mga babies ko, ako nalang pala ang inaantay nila. “Maligo ka ng maayos Mommy, ayaw namin ng Nanay na malibag.” Ang sarap batukan nitong si Knexel kung hindi lang siya baby ko malamang nagawa ko na ’yon. I rolled at my babies remarks, tumawa pa sila habang paakyat ako sa kuwarto ko. Napailing nalang ako, lahat yata ng ugali nila ibang-iba sa akin. Nakakapagod mag-isip sa bagay na hindi para sa akin, sila lang ang meron ako. Ang mga babies ko lang ang meron ako, wala na akong mahihiling pa bukod roon. ‘I hate you Knoxx! I hate you so much!’ Ang lalaking una't-huli ko ng iibigin. Nangako ako sa sarili ko noon na siya lang ang mamahalin ko ngunit hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin. Kung may maipagpapasalamat man ako sa kanya iyon ay ang pagbigay niya sa akin sa mga anak ko. Five years, akong naghirap sa pag-aaral at pagiging isang Ina. Ang lola ko ang karamay ko, si Lola lang ang tumulong sa akin. Kung wala si Lola sigurado akong hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Pagkatapos ng mga nangyari, lumuwas ako papuntang Mindanao kay Lola ako humingi ng tulong. Tinanggap ako ng Lola ko ng buong-buo, tinanggap niya ang kamalian ko. She's my mother's mother at nag-iisa lang siya noon sa buhay habang pinatatakbo ang Coffee Shop at ilang boarding house. She's happy that I am here but after four years she's gone...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD