Chapter 6

1450 Words
Knoxx “Sir, iveverify ko lang po kung totoo ang nakuha kong mga impormasyon para naman sigurado po tayo at mapuntahan nyo agad.” Thank God, kahit na papano ay may lead na kung nasaan siya. I won’t take another year na wala siya sa tabi ko halos mabaliw na ako miss na miss ko na siya. I miss her smell, I miss her body, and I miss everything about her. Ang isa sa mga private investigator na hinire ko ay ipinapakita ang mga ebidensya kung nasaan siya kaya pala hindi ko siya mahanap-hanap ay dahil hindi Parker ang apilyedo niyang dala ngayon, nililito niya ako at ang mga taong naghahanap sa kanya. Her other document tells me that she’s still using her surname but on an important basis other than that she uses her mother’s maiden name. Masaya ako kahit papano ay may lugar akong mapupuntahan para alamin kung nasaan siya. “She’s in General Santos City, Mr. de Lucca but I won’t give you another false hope dahil kailangan nyo munang siguraduhin kung siya nga ito.” he handed me a picture. Larawan ito ng babaeng kalalabas lang ng isang Coffee Shop, hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakasuot siya ng sunglass pero alam ko base sa hubog ng mukha at katawan niya kahit nagmature na siya ng konti alam kung siya ito, alam kong ang nobya ko ito. Siya lang naman ang may presensyang nagpapabuhay ng buo kong pagkatao pati ng puso ko. “No need to confirm, Mister, I know this is her, she is, she’s my Celestine,” sabi ko sa kanya habang hindi ko maialis ang atensyon sa larawang nasa harapan ko hindi siya nagbago pero mas lalong gumanda ang Celestine ko. And makes me angry knowing that my Celestine is beautiful and gorgeous after all those years. Yes, she’s beautiful when we meet back then but she’s more beautiful now. Still, I have this obsession in looking at her beautiful face. Tinanguan ko na ang Private Investigator at pinapunta sa Secretary ko para kunin ang bayad niya ni hindi ko siya tinapunan ng tingin ng lumabas siya ng opisina ko. I’m focusing on the picture lying on my table. “I’m sorry baby, I’m sorry for what I did. I’m sorry I hurt you. Sorry dahil hindi kita napanindigan hindi kita naipagtanggol akala ko tama ang ginawa ko akala ko magiging maayos ang lahat sa ginawa ko.” Mali ang naging desisyon ko mali ang mga kilos ko, hinayaan ko siyang lamunin nang kahihiyan samantalang ako ay nalinis ang pangalan. Kitang-kita ko sa mga mata niya noon kung gaano siya nasasaktan ng gabing humingi siya ng tawad nang gabing tinabunan ko pa ng isa pang kasalanan at kasinungalingan ang ginawa ko. “Tell me Knoxx, tell me this is not true right?!” Sigaw niya. Nasa labas kami ng condo ko habang nagbabaga ang tingin niya sa babaeng nakatuwalya lang at binayaran ko para magpanggap na may nangyari sa amin. Basang-basa siya ng ulan habang hawak ang malaking de-gulong na maleta. Kitang-kita rin ang pamamaga at pamumula ng ilong at pisngi niya, nilalamig siya pero pinigilan ko ang sarili kong yakapin siya. Tumutulo rin ang mga luha niya sa mga mata, kagat-kagat niya ang malambot at mapupulang labi na kinaadikan ko. “I-I can’t believe it. Y-you r-really did this to me… you made me a fool, an idiot. I thought all those things are true, I thought I have found my fairytale with you but those are just once upon a time, a charade.” She said sobbing, she said it while gasping for air. Nanginginig ang boses niya pero heto ako nakatingin lang sa kanya. Napakagago ko at sinasaktan ko ngayon ang babaeng pinakamamahal ko, at umiiyak siya ng dahil sa akin. I wanted to hugged and comforted her but I can’t lalo na at nagawa ko na ang bagay na pinakaiwas-iwasan ko para sa kanya pero kung tuluyan naman siyang mawawala sa akin worth it pa ba itong ginagawa ko? I was about to grab her but then she already run. F*ck! F*ck those people! F*ck them. Kung mawawala lang din si Celestine sa akin ayoko na, kaya kung ibigay ang lahat sa kanya huwag lang siyang mawala sa akin. Hinabol ko siya pero hindi ko siya naabutan sa elevator kaya tumakbo ako at dumaan sa hagdanan. Wala na akong pakialam kong nakaboxer shorts lang ako. “F*ck! F*ck all of them!” Mura ko habang tumatakbo pababa ng hagdanan hindi nako gumamit ng elevator. naabutan ko siya kapag ganito ang ginawa ko. Hingal na hingal ako ng makaba ng hagdanan, tinakbo ko lang naman mula eighteen floor pababa ng first floor. Pinagtitinginan ako pero wala akong pakialam hinanap ng mga mata ko ang bulto ng katawan niya. I saw her walking while her luggage was strolling behind her. Halatang-halata na umiiyak siya at kasalanan ko iyon hindi ko alam kung ilang beses kong minura ang sarili ko at kung ilang beses kong sinisi ang sarili ko sa pag-iyak niya. Yes, she's younger for her age but she's the most mature woman I ever know. Mas mature pa siya sa mga babaeng ka-edad ko mas may alam pa siya kaysa sa mga babaeng ’yon. Hindi ko alam ’yon noong una ko siyang makita pero habang magkasama kami habang inaalagaam niya ako doon ko napatunayang wala sa edad ang pagkamature ng isang tao, wala sa edad ang pagmamahal dahil kahit na anong edad mo may karapatan ka sa dalawang bagay na iyon. “Tin-tin ko, please hear me out!” Sigaw na tawag ko sa kanya. Tumigil siya at nilingon ako muntik pa akong mabuwal sa kalagayan niya ngayon. She's really broken. Wala nang buhay ang mga mata niya na palagi kong tinitignan. Wala na ang kasiyahan sa buong presensya sa tuwing kami ay magkasama. Pagkatapos niya akong tignan ay muli siyang naglakad papalabas ng Condo Building, hinabol ko siya ulit. This time, naabutan ko siya nag-aantay ng masasakyan. “Celes…” I called her softly but seems she doesn't want to talk to me basta nakatingin lang siya sa daan at nag-aantay ng masasakyan. Tinawag ko siya, tumingin siya sa akin but what's the most painful is, she smiled bitterly at me, she smiled which makes my heart clenched in pain. I promised her that I will make her smile and happy every time she's with me. But, why, why did I make her smile now when I know I made her sad at the same time? “Ang tanga-tanga ko ‘di ba? Ang tanga-tanga ko dahil naniwala ako sa’yo. Ang tanga-tanga ko na naniwala ako sa pagmamahal mong peke naman pala gaya ng pagkatao mo. Lahat pala sa’yo kasinungalingan, lahat pala ng ipinakita mo pawang mga palabas lang.” She wiped those tears rolling into her eyes while laughing bitterly. Lalapitan ko na sana siya pero itinaas niya ang kamay niya upang pigilan ako. “Masaya ka ba dahil naibigay sa’yo ang lahat? Masaya ka ba na niloloko ako, masaya ka ba dahil lahat ng akin naibigay ko sa’yo?Nakakatawa lang, hindi ko pala natirhan ang sarili ko.” I tried to wipe-off her tears but she slapped my hand then my face. Nanlamig ang buo kong katawan habang nakikita ko ang babaeng pinakamahal ko na umiiyak at umaagos ang luha. I promise her that I won't make her cry, but what I'm doing right now is proof that I broke her. I kneeled in front of her, I can't let her leave me, she's my life, she's my everything, I can't live, and breathe without her. “I'm done with your lies, huwag kang umarte at magsinungaling ulit tapos na akong maniwala sa’yo.” Sabi niya at tumawa ng pagak. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang kamay niya hindi ko alam na pati pala ang mga luha ko ay umaagos na. “Please Tin, I love you so much... please hear me out, please...” Pagmamakaawa ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako nang walang emosyon ang mga mata. Kahit ilang sampal tatanggapin ko mula sa kanya huwag niya lang akong iwanan. Pinilit niyang baklasin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ngunit ayaw na niya, ayaw na niyang talaga. “Let me go! The day you made me cry, the moment you broke me, that's the time you made your own decision na alisin ako sa buhay mo!” Nabitawan ko ang kamay niya sa lakas nang pagkakahila niya sa kamay niya, siya namang paghinto ng taxi at dali-dali siyang sumakay dito. Naiwan akong nakatulala. Naiwan akong nakaluhod habang tinatanaw ang papalayong sasakyan lulan ang pinakamamahal ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD