Chapter 5

2237 Words
Celestine “Tin! Tin-Tin! Ano ba kanina pa ako nagsasalita rito!” Nailayo ko sa tenga ko ang phone ng sigawan  ako ni Tifanny mula sa kabilang linya. Kanina niya pala ako tinatawag pero natulala na naman ako at binalikan ang nakaraan. Ang nakaraang siyang naging dahilan kaya ako nandito ngayon. Nakakaasar lang dahil kung ano pa ang dapat kong kalimutan iyon pa ang palagi kong natatandaan. I really hate when I remembered the past, those memories that I don’t want to remember, and those memories that hurt me so much. “Tin! Isa nalang kapag hindi mo pa ako sinagot dyan tatadyakan na kita!” Ang sadista talaga nitong matalik kong kaibigan kahit kailan talaga hindi ko siya kayang tapatan pagdating katigasan ng ulo at lakas ng loob ngunit habang nasa akin ang quadruplets ko wala akong kayang hindi gawin at wala akong problemang hindi kayang suungin. Bumuntung-hininga muna ako bago muna siya sagutin baka kasi magwala na siya sa kabilang linya. “Yes Tif, I am still here don’t worry,” sagot ko sa kanya. Malamang, alam kong nakataas ang isang kilay niya ngayon hindi ’yan makikinig sa kahit anong paliwanag ko o kaya kahit anong deny ko sa mga iniisip ko sa kanya kilala niya ako kahit anong kembot o utot ko alam na alam niya. She knows me in and out. “I know you are still there pero akala ko ba nakalimutan mo na siya bakit yata kung wala kang ginagawa natutulala at naiisip mo pa din siya?” Kailan ba hihina ang boses ng isang ito, bakit taon-taon yata palagi niya akong pinapagalitan mas lalong lumakas ang boses niya palagi ba siyang nakakalunok ng megaphone?! “Ang ingay mo bes, pati ata costumers ko sa labas ng opisina ko rinig ang boses mo,” biro kong sagot sa kanya kahit pa nilalayo ko lang ang totoong topic sa dahilan ko. I heard her let out a frustrated groaned, kung nasa harapan ko lang siya sigurado akong sasabunutan niya ako sa sobra inis niya. “Don’t change the goddamn topic, Celestine! I know what you’re thinking kaya kung ayaw mong tuluyan akong magalit sa’yo. Bibisita kayo ng quadruplets dito sa Manila next week!” Hindi paki-usap ’yon kundi utos pero dahil naman sa sinabi niya natigilan ako at hindi ako makapagsalita, pinakaiwas-iwasan kong puntahan ay ang Maynila dahil naroon ang masasalimuot at malulungkot na pangyayari sa buhay ko. I can’t breathe with the thing na hinihingi niya sa akin, ayokong tumapak o ni makalanghap ng hangin sa lugar na iyon. It brings back old memories, memories I wanted to forget. “I-I wanted to bes, but my heart and mind can’t.” Nanghihina kong sagot sa kanya. Napasandal pa ako sa swivel chair tila nanghihina ako sa sinasabi ’yong space ng hangin unti-unting nawawala dito sa opisina ko. Na-i-imagine kong napasabunot siya ngayon sa buhok niya alam ko naming gusto niya akong makita pati na rin ang mga bata. “I won’t take no as answer Tin, you know that but I’ll give you one week to think.” Siya nalang ang natitirang kapamilya ko kung ito ang hinihiling niya sa akin natatakot naman akong pagbigyan siya. “Malaki ang Maynila Tin, hindi naman siguro kayo magkikita diba at isa pa you told me na mas matapang at matatag  ka na ngayon patunayan mo iyan sa akin patunayan mo yan sa lahat.” Aniya sa akin. She’s right, iba ako noon kaysa ngayon dapat hindi na ako nagtatago dapat hindi na ako natatakot. Nakaya ko nga ang palakihin ang mga anak ko ng ako lang ang harapin pa kaya ang mga taong sumira sa akin tsaka naging successful ang career ko kahit na may mga anak ako. “I’ll think of it, bes,” sabi ko sa kanya. Hindi ko man siya nakikita alam kong tumatango siya. This time, I will never allow my feelings to interfere kung anu’t-anuman ang mangyayari dapat ay handa ako hindi ko na dapat pinoproblema ito lalo pa at matagal ko binigyan ng pagkakataon ang mga taong naninira sa akin pero ni minsan ni hindi sila humungi nang tawad ni minsan ni hindi nila inisip ang saakit na nararamdaman ko. “Ipapahanda ko ang condo ko dito bes, besides bakit hindi mo dalhin dito ang café at iba mo pang negosyo mas mataas ang demand  niyan dito.” Hindi pa nga ako nakaka-oo ayan may plano na siya kaagad ang talino talga nitong babaeng ito. Naku, kung hindi ko lang siya kaibigan malamang sininghalan ko na siya. “I already told you Tifanny Kristel, I will think about it.” Ang tigas din ng ulo ng nito, paulit-ulit nalang ba kaming dalawa rito o baka gusto niyang makausad kami sa pinag-uusapan namin. “Fine! Basta ba oo pa rin ang sagot mo sa huli okay na sa akin yon. Nga pala, si Matteo dumaan na ba dyan?” I rolled my eyes with her first statement but then I answered her. “Matteo, is in Japan right now. Dumaan siya noong isang araw dito nang bisitahin niya ang Hotel nila dito,” sagot ko sa kanya. I heard my bestfriend groaned. Hindi lingid sa akin na hindi niya gusto ang pagdaan-daan dito ni Matteo. Iba ang pakiramdam daw niya sa lalaki. Wala siyang magawa lalo pa at hindi siya judgemental na tao. Even my children don’t like Matteo but I didn’t have the guts to order him not to go back here especially if he had a business here. Matteo Branccasio is one of my classmate back in Manila. Maliit ang mundo na sa mismong Café ko pa siya napadpad noong nakaraang taon. Nangako ito na hindi sasabihin sa iba na narito ako basta sa kondisyong hahayaan ko siyang makipagkaibigan sa kanya at dumaan-daan dito. Okay na din iyon, kahit pa magpabalik-balik siya dito basta nakatago pa din ang sekreto ko. I heard my bestfriend sighed. “Okay bes, basta ba oo pa din ang sagot mo sa akin next week.” Anito na iniba ang usapan. Nasabunutan ko ang buhok ko, ilang beses ba ito iniri ng Nanay niya? Bahala na si Batman may isang linggo pa naman ako para makapagdesisyon. “Okay, okay, pag-iisipan ko te-text nalang kita, ibaba ko na ito susunduin ko pa ang mga bata sa School.” Pamamaalam ko sa kanya sa cellphone. I heard her said; okay and goodbye before I ended the call. Grabeng stress ang binigay sa akin ni Tifanny ngayong araw hindi yata ako titigilan ng kaibigan kong iyon hangga’t hindi nasusunod ang gusto niya. She’s an accountant for Christ sake pero mas bagay ata sakanya ang maging abogada dahil sa convincing powers niya pati na rin sa matatas niya pagdating sa isang argumento. Bumuga muna ako ng hangin bago inayos ang sarili ko papalabas ng opisina ko. Nabungaran ko kaagad ang abala kong mga tauhan. Lunch break na din kasi kaya marami-rami rin ang kumakain. We didn’t just serve coffees and pastries; we also have food breakfast and lunch, pinagdagdagan ko ang menu since marami rin ang naghahanap ng pagkain tuwing agahan at tanghalian. Dagdag income rin iyon para sa akin lalo na at lumalaki na ang quadruplets, dumodoble na din ang pangangailangan nilang apat.  Nginitian at kinawayan ko ang mga regular naming customers ganoon rin ang mga empleyado ko halos lahat sila close ko kaya naman masayang nagtatrabaho ang mga tauhan ko. May tatlo akong part-time workers dito. I wanted to help them kahit ditto man lang sa bagay na ito para naman sa pag-aaral nila ang ginagawa nila tsaka nakikita ko dinang sarili ko sa kanila noon. “Susunduin mo na ang quadruplets, Ate?” Tanong ni Kayla, isa sa mga full-time service crew ko. Isa din siya sa pinaka-close ko dito sa Café. Tinanguan ko siya at sinenyasan din si Dana na susunduin ko na ang apart, siya ang namamahala ng Café tuwing wala ako. And I trust my workers, alam nilang lahat ang nangyari sa akin wala akong kailangang itago roon. They never judge me, sila pa nga ang tumutulong sa akin minsan sa pagtingin-tingin sa apat kapag nandito sila. Nag-e-enjoy sila sa kabibohan ng mga anak ko, nabubuhay at sumisigla daw ang Café tuwing andito sila, ang mga anak ko ata ang suwerte ko. “Okay Ate, ipagpapahanda ko sila ng meryenda para naman ready na pagdating nila.” Aniya. Dumiretso ako papapuntang kotse ko at sumakay dito. Malapit-lapit lang din ang eskwelahan ng apat sinigurado ko iyon para madali ko lang mapuntahan kung kinakailangan. Napaisip lang ako, kakayanin ko pa kaya ang Maynila gayong maayos na kami rito sa Gensan? Sa Maynila, maingay, magulo at matrapik kakayanin kaya namin ng mga anak ko ang ganoong klase ng pamumuhay gayong hindi sila sanay dito? Napailing ako, kakayanin ko ito kahit pa sabihing natatakot ako hindi ako nabuhay para sa mga anak ko para lang matakot.  Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa School ng mga anak ko bumuntung-hininga muna ako bago itinabi ang sasakyan kailangan kong kumalma alam ng mga anak ko kung may iniisip o pinoproblema ako kaya naman wala dapat ang pag-aalala sa mukha ko. Nginitian ko si Manong Guard ng pumasok na ako sa School ng babies ko kilala na ako ng mga teachers rito dahil sa makukulit at matatalino kong mga anak. When I was about to go right where my baby's classroom, napahinto ako ng marining ang boses ni Knixie. “Stop! Stop! Bullying my brothers!” I heard her voice. Nangitla ako dahil kahit na hindi ko alam kung si Knixie talaga ’yon, malakas ang t***k ng puso ko. Ayokong naririnig na umiiyak ang mga anak ko, pinalaki ko silang may puno nang pang-uunawa, pinalaki ko silang protektahan ang isa’t-isa. “Don’t you dare lay your hands on my sister witch!” This time it’s Knixx voice. Sumisigaw na ang mga anak ko kaya naman binilisan ko ang paglalakad papunta sa direksyon kung saan ko naririnig ang mga boses nila. “Hey, don’t pull my sister’s hair!” It’s Knell's voice. Darn, napatakbo na ako ng tuluyan pero hindi ko inaasahan ang nadatnan ko. Si Knexel nasa lupa at pinagtutulungan ng dalawang bata ganoon din ang nangyayari kay Knixx at Knell na pinipigilan ang dalawang batang babae na sinasabunutan ang baby Knixie ko tila may nakabikig sa lalamunan ko habang may dalawang babae na nakatayo at nanonood lang sa mga bata. I can’t take this anymore. Napasigaw na ako at mabilis na lumapit sa mga anak  ko. “Knixie, Knixx, Knell, and Knexel!” Tawag ko sa mga anak ko at isa-isa silang pinaglayo sa mga kaaway nila nang maawat ko ay agad ko silang pinagtitignan isa-isa halos may mga galos ang mga anak ko. I glared at the two women. Sila ata ang ina ng dalawang batang kasali sa away. “Ma’am, bakit n’yo po hindi pinigilan ang mga bata imbis na awatin ninyo sila andyan lang kayo at nakatayo, hindi po kayo magandang ihemplo sa nga bata,” sabi ko sa kanila habang inaalalo ang nag-iisa kong anak na babae nangunot  lang ang mga noo nila. “Ihemplo ba kamo, ikaw ang hindi magandang ihemplo sa mga anak mo. Nagpabuntis ka nang maaga iyan ba ang magandang ihemplo? Kaya pala walang mga modo ang mga anak walang tatay na dumidisiplina sa mga bata.” Nagpantig ang tenga ko at tumayo sa mismong mga harapan nila. Naturingang mga Ina pero ang papanget pala ng mga iniisip imbis na maging huwaran ang tsistsismosa din pala. “Ma’am, oo nga po at nabuntis ako ng maaga pero hindi ko pinagsisihan iyon, hinarap ko po ang responsibilidad ko pinalaki ko po ang apat kong mga anak nang nag-iisa hindi ko tinakasan ang problema ko kaya imbis na pagtsismisan n’yo ang buhay ng iba sana po ay tinuruan niyo nalang ng magandang asal ang mga anak ninyo. Tinuruan niyo nalang sana silang huwag mam-bully. Oo nga at walang tatay ang mga anak ko pero ni minsan hindi nila naramdaman ’yon.” Hindi alam ko namang kaya hindi ko mapigilang hindi magsalita ng ganoon alam ko naman na dahil sa sitwasyon naming ng mga anak ko kaya sila nabubully ng ganito. Yes, wala silang Ama pero palagi kong sinasabi sa kanila na hangga’t kasama nila ako pupunuin ko sila ng pagmamahal ko. “Kaya po Ma’am, kung wala kayong magandang sasabihin sana po kung may ginawang masama ang mga anak ko sabihan niyo po ako. Ako magdidisiplina sa kanila hindi ’yong kayo pa po ang nagpapababa ng moral ng mga anak ko.” Sabi ko pa at tinalikuran na sila. Umalis na kami agad ng mga anak ko nakita ko din kasi ang mga guro sa likuran nila at rinig na rinig ang mga pag-uusap naming iyon. Tahimik kaming lahat ng pabalik na kami ng coffee shop. Naiinis ako sa mga taong ganoon. I can’t stop society from judging me or my babies but I just want to make clear that we didn’t do anything wrong…    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD