Chapter 3

1358 Words
Celestine “Kailan ko makikita mga inaanak ko?!” Bungad agad ng bestfriend kong si Tifanny Galapon sa cellphone nang sagutin ko ito. She is really a nagger and noisy. I rolled my eyes, she knows that I don't want to go there in Manila. Kontento na ako at ang mga anak ko dito sa General Santos City. And I have successful businesses here, although maliit lang pero naiitataguyod ko nang maayos ang mga anak ko. Ang mga anak ni minsan hindi nagreklamo sa akin. Matalino sila, alam nila kung ano ang dapat at hindi dapat. “Alam mong ayokong pumunta dyan ni tumapak o amuyin ang hangin ng Maynila,” mahina kong tugon sa kanya na may kasama pang pagbuntong-hininga. Matapos kong ihatid ang mga anak ko sa School nila ay dumiretso na ako rito sa Cafe ko halos lahat ng mga customers ko ay kilala ko na dahil na rin sa pagtangkilik nila sa Cafe ni Lola na matangal na rito. Mga estudyante, guro at mga empleyado ang madalas naming customers rito. Isa rin sa dahilan kung bakit dinadayo ang Cafe ko ay ang quadruplets. Kapag wala na silang pasok ay tumutulong sila sa akin na kinagigiliwan ng mga customer. Syempre ’yong mga hindi mabibigat ang ibinibigay ko sa kanila. My babies enjoyed helping me, they care for me which I really admire. “But Celes, I miss you so much na, kagagraduate ko lang at kakapasa sa board. I wanted to celebrate it with my bestfriend.” Aniya sa akin sa telepono. Ulilang lubos na si Tifanny kaya naman kami ang nagdadamayan noon kahit pa ngayon. Working student siya dahil na rin sa tyaga at sakripisyo niya ayan isa na siya Certified Public Accountant. Proud na proud ako sa bestfriend kong ’yan, hindi siya sumuko gaya ko. Hindi kami nawalan ng komunikasyon sa isa't-isa, sinekreto namin itong dalawa. Ayokong may makahanap sa akin na kahit sino sa kanila. Tama na ang sakit at iyak na dinanas ko sa kanila pati na rin ang panghuhusga at kasinungalingan nila. “Is this because of that man again?” She asked. Alam niya naman ang sagot ko dyan bakit niya pa tinatanong? Natahimik ako sa sinabi niya kahit kailan yan ang pinakaiwas-iwasan kong topic. “See, hindi ka makasagot. Haist Celes, pabayaan mo na ang gagong ’yon. Ikaw na din ang nagsabi na wala siyang pakialam diba?” Sige bes, pagsigawan mo pa nandito ka lang sa harapan ko binatukan na kita. Makakamove-on pa ba ako gayong may souvenir pa ang gago hindi lang isa, apat pa talaga. Although, masaya ako at dumating ang quadruplets sa buhay ko dahil sila ang nagbibigay ng saya sa walang kulay kong mundo. I remember the day my dreams became a nightmare... “Good morning students, I would like you to meet Mr. Knoxx Julian De Lucca, siya ang magiging adviser nyo ngayong graduating student na kayo.” I didn't pay attention to what the Principal is saying. Sa lahat ng estudyanteng narito kasama pa ang step-sister ko pati na ang mga alipores niya. Lahat sila ay kinikilig at parang siniselyuhan ang mga puwetan. I don't care really, I really don't care. “Hello guys, I'm Knoxx Julian de Lucca, let's have a wonderful year.” I was snapped with my reverie when I heard that very soothing baritone voice. Napalingon ako dito since I am the only one who's not paying attention. I slowly glanced at the new teacher besides the Principal. I silently gasped when I saw his face, broad shoulders, pointed nose, and beautiful eyes –a perfect description of a Greek God. I silently admired him. Hindi siya ngumingiti pero sigurado ako kapag ngumiti siya titigil ang oras. He looks strict and serious, I was about to look down when our eyes met. I saw recognition in his eyes. Sandaling nagkatagpo ang aming mga mata pero tila ayoko ng matapos ito. Ako na ang unang umiwas since I know that what I am feeling right now is taboo. “I saw it bes, don't get involve with that teacher. You know that it is not right.” My bestfriend Tifanny said. Napansin niya din pala ang pagtitig sa akin ng bagong guro. Pakiramdam ko tuloy hanggang ngayon ang mga mata niya ay nakatitig pa din sa akin. “Since Mr. De Lucca is settled, I'll be at my office.” Pamamaalam ng Principal. Inayos ko ang pagkakaupo ko at tumingin sa harapan, tama nga ako nakatingin pa din siya sa akin hanggang ngayon. Hindi ito napansin ng mga kaklase ko dahil bumalik sila sa pagtsistsmisan. Tumingin ako kay Mr. De Lucca pero hindi sa mga mata niya. Darn, kakakilala ko lang sa taong ito pero ang presensya niya ang lakas ng epekto sa akin. I heard him cleared his throat to catch the students' attention. “So I guess, mag-uumpisa na ang klase natin. I'll be your teacher in History and your adviser. Matanda na si Mr. Gustave kaya ako na ang papalit sa kanya sana naman magkasundo tayo.” Si Mr. Gustave ang dati naming guro dahil sa hindi inaasahang aksidente dito sa loob ng eskwelahan. Ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pagtaas ng Greta na step-sister ko. “Slut.” Tifanny muttered. She really is. Ano pa ba ang aasahan ko gayong pareho lang siya ng kanyang Ina? Her mother is the main reason why my mom died, same with my manwhore of a father. Nakabukas ang dalawang butones ng kanyang blouse at namumula pa ang labi nito. For I know, hindi na siya virgin kahit nga driver namin pinapatos ng babaeng ’yan. “Sir, pwede pong magtanong?” She asked seductively. I rolled my eyes at her I want to p**e with her action. Napaghahalataang desperada at uhaw sa atensyon ng mga lalaki. I saw Mr. de Lucca frowned and nodded, I smirked atleast this teacher doesn't get affected by her slutiness. Greta bites her lips, I feel disgusted with what she's doing. “ How old are you, Sir? Do you have a girlfriend, Sir?” Lord, bakit ba ganito ang itinatanong niya sa mga gwapong guro hindi pa ba sita kontento sa mga naikakama niya? Nakakunot ang noong sinagot ni Mr. de Lucca ang tanong niya marahil dahil imbis na tungkol sa pag-aaral ito pa ang gusto niyang malaman. “I am twenty-eight years old. i don't have a girlfriend but someone owns my heart.” He answered and looked at me while saying those words. Nagtataka naman ako sa ginawa niya. Anong ginagawa niya? “Now, I answered your question, Miss. Umupo kana at magkaklase na tayo or else magtatake ka ng exam nang walang lesson na makukuha sa akin,” he sternly said while glaring at my step-sister. I saw Tifanny smiled victoriously. Inis na inis talaga siya sa step-sister ko maging ako din naman. Ayokong maging Cinderella sa sarili kong estorya kaya naman imbis na maging ganoon. Pinili kong maging isang bagay na hindi nakikita ng iba para walang makapansin sa akin. He started his lesson without any interruption given by my so-called step-sister. Pansin ko lang ang panay niya na pagsulyap sa gawi ko. I know my face is blushing with the way he looked at me. Napayuko nalang ako at hindi tumingin sa harapan. Nag-aassume lang siguro ako pero ’yon talaga nakikita ko at napapansin ko. “Hoy, tinatawag ka ni Sir,” sabi ni Tifanny sa akin sabay kurot pa sa bewang ko na siyang ikinatili ko at napatayo ng hindi inaasahan kaya naman napatingin sa akin ang lahat. I even saw my teacher smirking while the others are murmuring because I am pasikat at papansin daw. Bullsh*t! Sila kaya ang kurutin hindi kaya sila mapasigaw lalo pa at paggulat yon na ginawa ng bestfriend mo?! I know my face is red as a tomato and the most intriguing is my teacher's reaction. He looked at me amusingly while grinning from ear to ear. Anon na naman kayang mukhang ’yan mas lalo akong kinakabahan na pati pawis ko ay nanlalamig. But, the last words he said make me furious and angry. Pinahiya niya lang naman ako! “You're too occupied Miss Parker, are you daydreaming in my class? Kung oo, we can give you time.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD