Coffee shop
"SUMMER" sigaw ni nanay sabay bukas sa pinto
"NAY 5 MINUTES" tapos takip tenga
"IKAWNG BABAE KA .5 MINUTES KA NG 5 MINUTES ALAM MO BANG 20 MINUTES KA NG LATE" sigaw nya ulit
"ANO!? 20 minutes? lagot ako nito kay boss" nagmadali na ko may pagkasuplado pa naman yon .
Hindi nako naligo pero nagtoothbrush at naghilamos ako tapos hindi naman ako nag mamake up eh so ok na bumaba nako.
"oh di ka ba mag aalmusal?"
"Di na nay late nako eh ,don nalang ako mag aalmusal pag break time.sge nay BABUSH"
SUMMER's POV
Lagot talaga ako nito. Ayun si boss nakatalikod.Wag kang lilingon boss please lang wag.
"SUMMER"
"ANAK NG...patay" ang laki talaga ng bunganga nitong bestfriend ko kung di ko lang talaga to bff baka pinakiging tape ko na tong bunganga nito.
"Bff asan ka galing ?,nag alala ako sayo 27 minutes kanang late . well di naman nakapagtataka na nalate ka pero kasi ngayon nabreak mo yung record mo na 25 min. " tinawanan ako.
"Lagot ako nito sam" bulong ko sa kanya ..papunta na kasi si boss sakin patay .
" Tag init" tawag sakin ng boss kong apoy.Nakakrus kilay nya lagi nalang yan ganyan sakin.
"BOSS Apoy morning " pinilit kong magsmile kahit alam kong lagot na naman ako nito.
"Boss" hirit ni sam.
"Bakit?" irritadong tono
"boss wag mo ng pagalitan si summer ngayon kasi birthday nya bukas eh ."
Sus mabuti nalang pinagbigyan pero over time daw ako ngayon ng 20 minute atleast di ako pinahugas, kung ano ano pa na di ko naman trabaho, ok lang sa 20 minutes na yan sitting pretty lang ako kasi wala na masyadong costumer.
Back to my birthday, mabuti pa yung bestfriend ko tandang tanda pa nya eh habang ako sarili kong birthday muntik ko ng malimutan.
21 na pala ako bukas pero di ko parin buo yung pera na para sa ice cream shop na pinapangarap ko.