KABANATA 9 Madilim na nang magising ako. Liwanag na lang ng buwan ang nakatanaw sa akin. Inalala ko kung ano’ng nangyari, kung bakit ako nandito sa rooftop. Pumasok sa isip ko si Yumi. Nasaan siya? Kumusta kaya siya? Napahawak ako sa ulo ko at napaaray ako. Naramdaman kong may parteng basa at may nakita akong mahabang tubo sa tabi ko. Ito siguro ang ginamit ng pumukpok sa akin kanina. Naalala ko na naman si Yumi. Naguguluhan ako sa inasal niya kanina. Alam kong hindi namin dapat ginawa ‘yon dito sa rooftop. Nabastos ko siguro siya o baka naman napahiya siya dahil may lalaking dumating sa rooftop kanina kaya biglang nagbago ang timpla niya? Kung nasa akin lang ang cellphone ko, matatawagan ko sana siya pero hindi pa rin ‘yon ibinabalik nina Austin sa ‘kin. Pinulot ko ang bag ko sa sahig

