KABANATA 8
Tulad ng inaasahan ko, pagdating ng Lunes halos magaling na ang mga sugat sa mukha ko. Wala na rin ang pamamaga ng mata ko. Lunes na at may pasok na naman, pero wala pa rin akong nahanap na trabaho. Pinoproblema ko pa rin kung paano ko pagkakasyahin ang natitirang pera ko. Nabawasan ko na ‘yung natitirang isang libo ko dahil ipinambili ko ng pagkain. Para makatipid sa pamasahe magba-bike na lang ako papasok. Medyo may kalayuan ang school namin pero kaya naman.
Habang nagba-bike ako napansin kong ang daming nakapaskil na mga poster ng mga nawawalang bata, kasama na ang poster ni Lotlot. “Mukhang marami nang nabiktima,” bulong ko sa sarili. “Sino kayang may gawa nito. Hindi na naawa. Puro bata ang kinukuha.”
Malapit na ako sa school nang bumuhos ang malalaking patak ng ulan. Inalala ko ‘yung mga notebook at libro ko sa bag na baka mabasa kaya mabilis akong pumadyak. “Sh*t! Mas lalo pang lumakas!” May sikat naman ng araw pero ang lakas ng ulan. May kinakasal na naman bang Tikbalang?
Padating ko sa school tinanguan ko lang ‘yung guard, at hinayaan na akong makapasok kahit hindi chine-check ang I.D. ko. Kilala na naman niya ako. Sino ba naman ang hindi makakatanda sa ‘kin? Ako lang naman ang nag-iisang estudyante rito na puti ang buhok at kilay. Kaya nga ata tuwing recitation madalas akong matawag dahil kapansin-pansin ang buhok ko at palagi akong nangingibabaw sa lahat ng mga kaklase ko.
Ipinarada ko ang bike sa lugar na para sa mga bike at motorsiklo at pagkatapos ay tumakbo na ako papasok ng school building. Nang nasa lugar na ako na may bubong, pinagpagan ko ang sarili ko. Basa na ang uniform ko at pati na rin ang bag ko. Pagtingin ko sa labas tumila na ang buhos ng ulan. “Hindi man lang ako hinintay na makarating muna dito sa school bago bumagsak.” Ilang minuto lang kasing umulan. Kung mas napaaga siguro ako ng alis ay hindi sana ako inabutan.
Binilisan ko na ang lakad papunta sa classroom namin nang matanggal ko ang mga gamit sa bag ko. Sa dami ng estudyante nakasalubong at nakasabay ko, ako lang ang nagbubukod-tanging basang-basa ng tubig ulan. Mas lalo tuloy akong nagmukhang kawawa. Kung naging kulay dilaw ‘tong buhok ko, bagay na bagay talaga sa ‘kin ‘yung salitang basang-sisiw.
“Baste, ‘di uso payong sa inyo?” pang-aasar na bungad ni Austin nang makapasok ako ng classroom. Hindi pa nga lumalapat ang pwet ko sa upuan ko’y nakatikim na agad ako ng pangbwibwisit galing sa kanya.
Hindi ko siya pinansin at dumeretso lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa upuan ko. Ipinatong ko ang bag ko sa desk at isa-isa kong tinanggal ang mga gamit ko. ‘Yung inaalala ko kanina, nagkatotoo na. Nabasa ang mga notebook at libro ko. Mabuti na lang at mga gilid na parte lang at hindi ang buong pahina ng mga ‘to. Inilabas ko rin ‘yung cellphone ko na luma na pero touchscreen naman. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang hindi ito nabasa. Ipinatong ko muna ito sa isang gilid habang inilalabas ko pa ang ilan ko pang mga gamit.
“Wow! Ano’ng model nito Baste? Jurassic?” Dahil abala ako, hindi ko napansin na nasa likuran ko na si Austin at ang mga kaibigan niya. “Mas matanda pa ata ‘to sa lolo ko.” Hawak na niya ang cellphone ko habang nakatingin siya rito. ‘Yung mga kaibigan niya nagtatawanan sa tabi niya.
“Akin na ‘yan,” matigas kong sabi. Hahablutin ko sana ‘to mula sa kanya pero mabilis niyang iniwas at ibinigay kay Koko.
“Check n’yo nga. Baka may p0rn.”
“Hindi mo ‘ko tulad Lemuel.”
“Naks! Ang linis! Hindi lang pala buhok mo ang maputi, pati budhi. Kami na marumi,” sagot ni Lucio.
“Ibalik n’yo na sa ‘kin ‘yan.” Tumayo na ‘ko para kunin kay Koko ang cellphone ko pero inilagay niya ‘to sa bulsa ng pantalon niya.
“Bakit? May ka-text ka ba? May silbi ba ‘yang phone mo?” nakangising tanong ni Austin.
“Ang tanong mo dapat, kung may load ba siya,” tumatawang pangungutya ni Jaz.
“Guys, nand’yan na si Ma’am,” sabi ni Dave na papasok ng classroom at kadarating pa lang. Mabilis silang nagsibalik sa mga upuan nila, nang hindi ibinabalik sa ‘kin ang cellphone ko.
Nang matapos ang tatlong klase namin at breaktime na, nilapitan ko si Austin. “Akin na ‘yung phone ko.”
“Maghintay ka. Ibabalik ko rin naman sa ‘yo, sa oras na gusto ko. Okay?” tinapik niya ‘ko sa pisngi bago sila lumabas ng classroom.
Ilang araw akong hindi pinag-trip-an nina Austin dahil ang bago nilang pinagdiskitahan ay ang classmate naming si Phillip. Maliit ito at payat, nakasalamin na may makapal na lens dahil sobrang labo ng mga mata. Kapag pinagtri-trip-an nga ito nina Austin at tinatanggalan ng salamin, halos bulag na. Kumakapa na siya sa hangin at nabubungo sa mga upuan na sadyang hinaharang nina Austin sa nilalakaran nito. Minsan ko na siyang pinagtanggol pero binantaan ako nina Austin na babalingan na naman ako kaya natahimik ako. Nakakahiya mang aminin pero naduwag ako. Wala rin pala akong ipinagkaiba sa mga teacher na walang ginawa para tulungan ako.
Isa pang rason kung bakit hindi na ako nakialam ay dahil sa ilang araw na natahimik ang mundo ko, nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Yumi lalo na nang maka-partner ko siya sa isang school project. Pagkatapos ng klase, sa rooftop kami nag-aaral na dalawa. Hihiram lang kami ng mga libro sa library at dadalhin namin sa rooftop para doon na kami sabay na magre-research para sa project namin. Mas gusto ni Yumi sa rooftop dahil mas tahimik at pwede pa kaming magkwentuhan at kumain.
“Pahinga muna tayo,” sabi niya habang ini-stretch niya ang leeg niya pakaliwa’t kanan. Nakapusod siya ngayon kaya hindi natatakpan ng buhok niya ang maputi at makinis niyang leeg.
“Yumi…”
Nilingon niya ‘ko. “Hm?” tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay.
“Gusto kita.”
Ngumiti siya. “I like you too, Baste.” Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob pero nagawa ko siyang halikan. Hindi niya ako itinulak, hindi siya nagalit, sa halip ay gumanti rin siya ng halik. Kung alam ko lang na may gusto rin pala siya sa ‘kin, sana mas maaga kong sinabi.
Kahit tapos na ang project namin madalas pa rin kaming pumanik sa rooftop. Nagdala na nga ako nang maliit na blanket para may sapin kami. Ilang araw ko pa lang siyang girlfriend pero pakiramdam ko matagal na kaming magkarelasyon. “Yumi, sa ngayon wala pa ‘kong kayang ibigay sa ‘yo kundi pagmamahal ko, pero pangako magsusumikap ako para mabago ang buhay ko, para may maibigay akong magandang kinabukasan para sa ‘yo.”
“Baste, ikaw at ang mabuti mong puso ang minahal ko. Palagi mo ‘yon tatandaan.” Hinaplos niya ang pisngi ko at siya ang unang humalik sa ‘kin. Dahan-dahan siyang humiga at napasunod ako sa kanya. Mas naging maalab ang halik namin sa isa’t isa. Hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt ko at itinaas ito kaya ako na ang kusang nagtanggal. Binuksan naman niya ang butones ng suot niyang blouse kaya tumambad sa ‘kin ang dibdib niyang natatakpan ng kapiraso niyang panloob.
Kinuha niya ang kamay ko at ipinasok sa ilalim ng palda niya para ipahawak sa ‘kin ang gilid ng suot niyang pang-ilalim. Nanginginig ang kamay ko nang dahan-dahan ko itong ibaba. Hinigit naman niya ako sa batok upang maghalikan uli kami. Nahila ko na hanggang sa paanan niya ang suot niyang pang-ibaba nang sumigaw siya at bahagyan akong itulak. “Huwag Baste! Parang awa mo na! Tama na! Huwag mong gawin sa ‘kin ‘to.”
“Yumi? Ba—.”
“Gago ka!” Isang malakas na hampas ang naramdaman ko sa ulo ko at nagdilim ang paningin ko.