KABANATA 37 “Ready na ‘ko!” excited na sabi ni Mona. Pagkagaling niya ng school, naligo lang siya at dumeretso na agad dito sa boarding house. Nakasuot siya ng maong na pantalon pero labas pa rin ang pusod niya dahil nakasuot siya ng maigsi na pang-itaas na may mahabang manggas at kulay dilaw. Nakasuot siya ng rubbershoes na kulay itim, nakapunggos ang buhok niya sa ibabaw ng ulo niya at may nakasakbit na backpack sa likuran niya na puno ng pagkain, tubig at first aid kit. First day raw ng training ko ngayon kaya buong-buo ang suporta niya sa ‘kin. Kagabi pa lang daw ay ni-ready na niya lahat ng babaunin namin. “Mona, hindi ko pa nga nakakausap ‘yung sinasabi ni Dalikmata. Hindi ko alam kung papayag ‘yon na i-train ako, ‘tsaka sigurado ka ba talaga na sasama ka? Hindi tao ‘yung dadayuhin

