KABANATA 36 Ibinalik ko ang hawak kong libro sa bookshelf at naglakad ako palayo sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako sa paglalakad. “Baste, sandali lang. Pwede ba tayong mag-usap.” “Wala tayong dapat pag-usapan Yumi.” Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tinanggal ko ‘yon at saka ako naglakad uli. “Please, Baste. Kahit sandali lang, mag-usap tayo. Bigyan mo lang ako ng ilang minuto.” Huminga ako nang malalim at saka ko ito ibinuga. Humarap ako sa kanya at tiningnan ko siya diretso sa mga mata. Walang emosyon sa mukha ko pero sa puso ko may kirot akong nararamdaman habang kaharap ko siya. “Kung puro kasinungalingan lang naman ang sasabihin mo, huwag na lang. Wala akong panahon na makinig sa ‘yo. Unti-unti ko nang nakakalimutan ‘yung ginawa mo sa ‘k

