KABANATA 48

1624 Words

KABANATA 48 “Baste, kung may makita ka mang multo, multo lang ‘yon. Hindi ka mahahawakan. Lalagpas lang ‘yon sa katawan mo. May kasama ka ngang aghoy at bungisngis kanina pero hindi ka natakot. Ang teacher mo tikbalang at nakipaglaban ka na sa berberoka at tigabulak. Nang baby ka pa hinabol kayo ng nanay mo ng aswang. Ngayon ka pa ba matatakot? Multo lang ‘yan. Multo lang ‘yan.” Para akong sira ulo na kinakausap ang sarili ko habang naglalakad ako sa malawak na garden ng ospital. May mga malalaking puno pang nakatayo pero wala nang namumulaklak na mga halaman. Puro patay na halaman na lang ang nasa malalaking paso at mataas na ang mga talahib na matagal nang napabayaan. May maliit na pond din, na kulay berde na ang konting natitirang tubig dahil sa dami ng lumot. May mga lumulutang ring

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD