KABANATA 46 “Umiikot na ba ang tumbong mo, Baste?” tanong niya sabay tawa nang malakas. ‘Yung tawa na alam mong nanggagago. “’Di ka ba sinipot ng girlfriend mo?” “Ano’ng ginawa mo kay Mona?!” Napatingin sa ‘kin ang mga estudyanteng nasa paligid ko na naglalabas-masok sa school nang dahil sa pagsigaw ko. Ito na nga bang kinatatakutan ko sa pananahimik nila. Pero hindi ako ang pinutirya nila kundi si Mona. Mga duwag sila. Pati babae dinadamay nila sa kalokohan nila. Porke alam nilang hindi ito makakalaban dahil marami sila. “The truth is, hindi lang ‘yung girlfriend mo ang nasa ‘kin ngayon, pati ex mo.” “Duwag ka Austin! Bakit hindi ka lumaban nang patas?! Bakit pati sila dinamay mo sa away natin?!” “Calm down, Baste. They’re in good hands. Magaling ako mag-alaga.” “Gago kang hayop ka!

