KABANATA 41 “Saan may ilog? Wala bang halimaw do’n? Ayoko nang lamunin uli ng tubig at ayoko nang makaharap uli ‘yung Berberoka.” Pagod na pagod na ‘ko kakahabol kay Kidlat, at kung may makaharap pa kaming halimaw uli baka hindi na ako makagalaw. “Walang halimaw do’n sabi ni Munti. Ligtas na raw ‘yon.” Nang makarating kami sa ilog, isa-isa ko nang hinubad ang damit ko. Hawak ko na ang gilid ng boxer ko, at bago ko ito binaba, tumingin-tingin muna ako sa paligid. Wala namang tao maliban sa aming dalawa ni Mona. Tuluyan ko nang ibinaba ang boxer ko at isang paa na lang ang aalisin ko nang marinig kong magsalita si Mona. “Munti, bakit ka nandito?” Nagmamadali kong hinubad ang boxer ko at halos madapa pa ako dahil sumabit ito sa paa. Naibato ko na lang ito kung saan at mabilis kong tinakp

