KABANATA 42 Wala pang kain, mumog at hilamos pero tumatakbo na ako rito sa gubat habang nakasunod kay Kidlat. Ang ganda na paagahan niya sa akin— alikabok. Pero tulad kahapon wala sa bokabolaryo ko ang pagsuko. Kalahating araw lang ang meron ako ngayon dahil kailangan rin naming umuwi. Pareho kaming may pasok ni Mona sa school. Kahit nagte-training ako at sinasamahan niya ako, hindi naman pwedeng pabayaan namin ang pag-aaral namin. Hindi sapat ang pagiging malakas lang dapat may laman din ang utak. Habang tumatakbo ako, napansin kong parang luampit ang distansya ko kay Kidlat. Hindi ko alam kung sadya bang binagalan niya o talagang mas bumilis na ang pagtakbo ko dahil sa walang tigil na kakahabol sa kanya. Dahil sa mas lalong pagliit ng layo naming dalawa, mas lalo akong ginanahang tuma

