KABANATA 43 “Baste! What happened to you my friend? Hanggang sa inyo ba pinagtri-trip-an ka pa rin?” Hindi ko pinansin si Austin at inayos ko na lang ang pagkakaparada ko ng bike at paglalagay ng lock nito. Wala akong pakialam kahit na pinalibutan nila ‘kong lima. Wala si Dave, kaya kulang sila ng isa. “Suplado si gago. Matapang na, kasi balik scholar,” sabi naman ni Lucio. “Makikinabang na naman siya sa mga pera natin.” “Tama ka d’yan Jaz. Dapat pala, singilin natin ‘tong si Baste. Malaki-laki na utang mo sa ‘min.” Ayos din ang reasoning nitong si Lemuel. Porke scholar ako at may kaunting allowance mula sa pagiging student assistant, tingin nila’y sa kanila ako may utang dahil sila ang mga estudyanteng nagbabayad ng tuition kaya tumatakbo pa rin ‘tong school. Wala akong utang sa kani

