NAABUTAN nga ni Kristel na nagkakagulo sa mismong harap ng pinto ng condo niya. Nagwawala si Adam habang sinusubukan itong pigilan ng tatlong security guards. May mga ilan sa mga kapitbahay niya ang nasa labas ng mga pinto ng mga units nila at nakikiusyuso sa nangyayari. Animo nagwawalang lion si Adam. Hirap na hirap ang tatlong security guards na pumipigil dito. "Sir, tama na po!" turan ng isang security guard na may hawak sa kanang braso ni Adam. Dumudugo ang labi nito na hindi mahirap hulaan na tinamaan sa pagwawala ni Adam. "Sir, kung anumang problema nyo pwede naman po natin pag-usapan ng mahinahon," anang isang guard na hawak naman ang kaliwang braso ni Adam. Namumula ang isang pisngi nito na may bakat ng kamao. "Sir, kung hindi kayo susunod ay mapipilitan kaming tumawag ng pulis,

