bc

The Arrogant Seducer (SPG)

book_age18+
11.4K
FOLLOW
80.9K
READ
billionaire
possessive
arranged marriage
arrogant
badboy
sweet
bxg
enimies to lovers
love at the first sight
actress
model
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

While running away from the big showbiz controversy that Maria Kristel got involved in and made her career upside down. She woke up one morning in the arms of a handsome stranger. A stranger that turned out to be the man her late grandfather set her up to marry. The only way to clean her name from the big mess she got involved in showbiz is to marry that stranger she slept with - Adam Ramirez.

But how will she convince him to marry her if Adam hates her? He is accusing her of setting him up to be forced to marry her.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NGAYONG gabi ang pangatlo at huling gabi ng lamay ng lolo ni Kristel. Ang tanging pamilya na meron siya. Ang taong karamay niya sa lahat ng bagay at pangunahing taong nagtatanggol sa kanya sa kahit na kanino. Ngunit ngayong wala na ang lolo niya. Sino pa ang kakampi niya sa mundo? Wala na. Nag-iisa na talaga siya! "Ang daya-daya mo naman lolo... Bakit mo ako iniwan? Akala ko ba sabi mo wala tayong iwanan? Sino pa ang kakampi ko ngayong wala kana?" mahinang kausap niya sa labi ng lolo niya habang sunod-sunod din na umaagos ang mga luha niya. Sobrang sakit ng pagkawala ng lolo niya. Pakiramdam niya ay wala na talaga siyang kakampi dito sa mundo. "Lolo kunin niyo nalang din kaya ako total nandiyan narin naman kayo lahat nila Mommy, Daddy at Lola... Iniwan niyo akong mag-isa dito. Paano na ako ngayon?" Namatay sa isang car accident ang mga magulang niya noong five years old pa lamang siya. Mula noon ay ang lolo Kristopher at lola Veronica niya ang nag-alaga sa kanya. Noong eleven years old naman siya ay kinuha naman sa kanila ang lola niya ng isang malalang karamdaman. "Bakit ang unfrair ng mundo lolo? Bakit puro mahal ko sa buhay ang kinukuha? Sino pa ang kasama ko ngayon? Mag-isa na talaga ako… Wala na akong pamilya." Nasa ganoon siyang pakikipag-usap sa labi ng lolo Kristopher niya ng maramdaman niya ang mahinang pagtapik sa balikat niya ng kung sino. "You're not alone, iha... I'm still here!" anang matandang lalaki na tumatapik sa balikat niya. "Nakikiramay ako sa pagkawala ng lolo mo, Maria Kristel. Pasensya na at ngayon lang ako nakarating!" anang matanda ng lingunin niya ito. Sa tingin niya ay late 70's na rin ang edad nito katulad din ng lolo niya. May hawak itong bakal na tungkod na may gintong hawakan na umaalalay dito sa pagtayo at paglalakad. May kasama itong dalawang bodyguard at isang nurse na nasa may likuran lang nito. Makikita sa itsura nito na isa itong mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Katulad din ng lolo niya noong hindi pa bumabagsak ang kabuhayan nila. Hindi niya ito kilala pero pamilyar ang mukha nito sa kanya. Bahagyang pagkalito ang ibinigay niyang tingin dito. Dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Bakit nasabi nito na hindi siya nag-iisa dahil narito pa daw ito para sa kanya? Bahagyang ngumiti ang matandang lalaki sa kanya. "I'm Don Armando Ocampo. You're lolo Kristopher's best friend. Maaaring hindi mo na ako natatandaan dahil monte ka pang bata noong huli tayong magkita. Pero sa akin ka pinagbilin ng lolo mo, Maria Kristel. Noong nakaraang buwan lang ay nagkita kami. Alam niyang hindi na siya magtatagal dito sa mundo kaya tinawagan niya ako at nakipagkita siya sa akin. Mahigpit niyang ipinagbilin sa akin na alagaan daw kita kapag wala na siya. So you see... you're not alone. You still have me na pwede mong iturin na pangalawa mong lolo," paliwanag ng matandang nagpakilalang matalik daw na kaibigan ng lolo niya. "S-Salamat po! Mabuti po at nakarating kayo at nasilip si lolo sa huling pagkakataon," may lungkot ang tinig na turan niya habang nakatingin sa labi ng lolo niya. Bahagya niya rin pinapahid ng panyo ang mga luha niya. "Kahit masakit na itong mga tuhod ko at hirap na akong mag-lakad. Hindi ko pwedeng palamasin na makita ang lolo mo sa huling pagkakataon, iha. Utang ko sa lolo mo ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya ay matagal na akong wala dito sa mundo," turan ni Don Armando habang nakaharap sa labi ng matalik na kaibigan. "Huwag kang mag-alala sa apo mo Kris… Tulad ng pangako ko sayo, ako ang bahala sa kanya. Tutuparin ko ang pangako ko sayong bibigyan ko siya ng pamilya. Pamilyang magiging karamay niya at mag-aalaga sa kanya kahit mawala na rin ako!" nasa boses nito ang kaseryusuhan habang nangangako sa labi ng matalik na kaibigan. Hindi naiintindihan ni Maria Kristel ang sinasabi ng matalik na kaibigan ng lolo niya sa walang buhay niyang lolo. Pero nararamdaman niyang magkakaroon ng malaking bahagi sa buhay niya ang matanda. At ngayon palang ay parang gusto na niyang magpasalamat dito. Mukhang totoo nga ang minsang sinabi sa kanya noon ng lolo Kristopher niya na hindi siya mag-iisa kahit mawala na ito. Hinayaan muna ni Kristel na magkaroon ng oras si Don Armando na makasama ang matalik nitong kaibigan sa huling pagkakataon. Nagpaalam siya dito na aasikasuhin muna ang mga taong dumating sa huling lamay ng lolo niya. Kaya naiwan si Don Armando sa harap ng labi ng matalik na kaibigan nito. Habang naglilibot siya sa chapel at pinapasalamatan ang mga taong dumating at nakikiramay. Nilapitan siya ni Xander na kanina niya pa iniiwasan at hindi pinapansin. "Baby, sino yon?" tanong sa kanya ni Xander na may palagay siyang gumagawa lang ng dahilan para kausapin niya. Si Xander ay ang Phil-German niyang matalik na kaibigan. Malutong na Baby talaga ang tawag nito sa kanya na kung maririnig lang ng mga taong hindi nakaka kilala sa kanilang dalawa ay iisipin na boyfriend niya ito at hindi best friend. "Sino?" tanong na sagot niya dito. "And will you please take your hands off my shoulder and stop calling me Baby. Maraming nagkalat na paparazzi sa labas. Bakas imbes na ang ang paglibing kay lolo ang news na lalabas bukas ay baka walang katotohanan na kasal natin ang maging topic sa mga balita. Pagtataray niya dito. "So? I don't really care sa magulong mundo na pinili mo," baliwalang tukoy nito sa showbiz world kinabibilangan niya. "I do! Iyon nalang ang mayroon ako, Xander... Ang trabaho ko," malungkot niyang sagot dito at bahagyang sinulyapan ang labi ng lolo niya. "Nakakalimutan mo yatang narito pa ako... Bilang matalik mong kaibigan. I'll be by your side, Baby!" seryusong turan ni Alexander o Xander sa kanya. Lumabi si Kristel at naglikot ang namumugtong mga mata. "Hanggang kailan? Lagi ka namang wala eh. You're always busy wondering around with your monkey businesses!" malaki ang hinampo sa boses ni Kristel. Ang matalik na kaibigan na ngalang niya ang inaasahan niyang kakapitan niya noong mga huling araw na pinanghihinaan siya ng loob dahil sa pahina ng pahina na ang lolo niya at takot na takot siyang anumang oras ay tuluyan na itong babawian ng buhay. Hindi niya pa ito ma-contact at ngayon gabi lang din ito sumulpot galing sa kung saan at anuman na pinagkakaabalahan nito ngayon. Kanina ay hindi niya nga ito kinakausap at iniiwasan niya rin ito sa sobrang tampo niya dito. Alam naman niyang wala siyang karapatan magdemand ng attention dito dahil matalik lang naman niya itong kaibigan pero nasasaktan parin siya na ngayon lang ito dumating. Guilty na napa buntong hininga si Xander. "I'm sorry! I was not here noong mga panahon na kailangan mo ako but I'm here now!" ani Xander at marahang pinahid ang luhang kumawala sa mata ni Maria Kristel. Umiling si Kristel. "No. I'm sorry! Nagiging madrama lang talaga ako. Sayo ko nabubuntong ang mga hinanakit ko sa buhay kahit alam ko na wala naman akong karapatan magdemand ng oras mula sayo." Marahan naman siyang kinabig ni Xander at dinala sa malapad nitong dibdib. "Shhh, Baby... I'm your friend and you have the right to ask me to be here whenever you need me. And I'm really sorry for not being here on those painful day's." Mahigpit naman na yumakap dito si Kristel. Umaamot ng lakas mula sa matalik na kaibigan. Pakiramdam niya kasi ay hinang-hina na talaga siya. Sa nakalipas na mga araw ay pigang-piga na ang puso niya sa sakit ng pagkakaratay ng lolo niya at pagkamatay nito. Iyong pakiramdam na sa bawat minutong lumilipas ay animo patalim na nakatutok sa puso niya dahil sa takot na baka malagutan na ito ng hinga at tuluyan na siyang iwan. Noong tuluyan nga itong tumigil sa paghinga habang hawak niya ng mahigpit ang isang kamay nito ay pakiramdam niya huminto din ang paghinga niya. Ilang minuto siyang hindi makausap at nakatulala lang.  Habang inaalala ni Kristel ang huling sandali na kasama niya ang lolo niya ay parang pinipiga ang puso niya sa sakit kay naman lalo pang humigpit ang yakap niya sa matalik na kaibigan. Wala na siyang pakialam sa mga paparazzi na maaaring magbigay kahulugan sa pagkakayakap niya sa matalik niyang kaibigan. For once, gusto niyang kumilos ayon sa nararamdaman niya hindi ayon sa sasabihin ng mga tao sa paligid niya. Hinayaan naman siya ni Xander na umiyak ng umiyak sa dibdib nito kahit nababasa na niya ang suot na white polo shirt nito. "I-I'm sorry! Nabasa ko pa tuloy ang damit mo," aniya ng humupa na ang nararamdaman niya at tumigil na sa pag-iyak. Humiwalay na rin siya sa pagkakayakap kay Xander.  Bahagya siyang nginitian ni Xander at pinahiran ng panyo nito ang basa niyang mukha. "Feel better? O baka gusto mo pa akong gawing punching bag para lang gumaan ang nararamdaman mo..." nagbibiro pero may katotohanan na turan ni Xander. Madalas kasi noong mga bata pa sila. Kapag galit siya o naiinis siya dito. Hinahamon niya ito ng one on one ng boxing na madalas naman na pinapabayaan lang siya nitong suntukin ito para lang mawala ang tampo at inis niya dito.  "Sa tampo ko sayo ngayon, malamang mabasag ko ang gwapo mong mukha. Kaya tsaka nalang kita sisingilin at baka ako pa ang pagbayarin mo sa plastic surgery mo kapag nabasag ko ‘yang mukha mo," natatawa na niyang turan. Naalala niya kasi kung paano niya ito pinanggigilan suntukin noon kapag naiinis siya dito. As in suntok talaga ang ginagawa niya. Walang kaluluwang suntok pero may boxing gloves naman siyang suot. Sa laking tao ni Xander kumpara sa kanya hindi naman nito iniinda ang suntok niya dito.  "Baka naman wala ka lang lakas ngayon para sumuntok...Ang payat-payat mo e. Kumakain ka pa ba niyan? Ano diet kana naman dahil diyan sa trabaho mo?" bakas sa boses nito ang pag-aalala at hindi pagkagusto sa trabaho niya. "It's not because of my work and diet... Masyado lang akong naging busy kay lolo kaya siguro nabawasan din ako ng timbang," bumalik ang lungkot sa boses niya ng maalala na narito nga pala sila sa huling burol ng lolo niya. May lungkot sa mata na sinulyapan ni Xander ang labi ng lolo ni Kristel. Kung may kakayahan lang siyang ibalik ang buhay ng lolo Kris ni Kristel walang pag-aalinlangan niya iyong gagawin. Huwag niya lang makitang umiiyak at nalulungkot ang matalik na kaibigan. "Anyway... Sino pala iyong matandang nasa harap ng labi ni lolo Kris?" tukoy nito kay Don Armando na ngayon lang ulit naalala ni Kristel. Naroon parin pala ito sa harap ng labi ng lolo niya hanggang ngayon. Seryusong nakikipag-usap sa lolo niya sa mahinang boses na ito lang ang nakakarinig. "Don Armando Ocampo, bestfriend, ni lolo Kris" sagot niya sa tanong ng matalik na kaibigan. "He's face and name is familiar to me... Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita," turan ni Xander na kay Don Armando ang tingin. "Baka nakita mo rin siya noong mga bata pa tayo," sagot ni Kristel. Nagkibit balikat naman si Xander. "Maybe... Halika kumain ka muna. Sabi ng secretary mo ay kaninang umaga pa daw ang huli mong kain ah..." anito na hinila na siya palabas ng chapel kung saan nakaburol ang lolo niya. Hindi manlang siya nito binigyan ng pagkakataon na makaangal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook