Chapter 2

1446 Words
WALANG ideya si Adam kung bakit bigla silang pinatawag magpinsan ng lolo Mando nila. Kaya nang magsimulang ilahad ng lolo nila ang ang dahilan ng pagpapatawag nito sa kanila. Tulad ng pinsan niya ay nabigla din siya. Ngunit hinayaan niya ang pinsan sa pagsasalita total ito naman talaga ang gustong ipakasal ng lolo nila sa apo ng matalik nitong kaibigan. Nakaantabay lang siya at nakikinig sa dalawa. "Tsk. Are you kidding me, Gran? Huwag mong sabihin na seryoso ka talaga diyan sa sinasabi mo?" napapailing na turan ni Nathan at napatayo sa kinauupuan na couch sa library ng mansion ng lolo nila. "Yes, I'm serious! I made an arranged marriage for you, Nathan. To the granddaughter of my old friend whom I owe my life to when we were young. Before he died I made a promise to him that I will take care of his only granddaughter. He asked me a favor and I couldn't say no. That is to marry his granddaughter to any of my grandchildren. Since your older than Adam, ikaw ang pinili kong tumupad sa pangako ko, apo," nasa mukha ni Don Armando ang kaseryusohan sa sinasabi nito. Gustong humagalpak ng tawa ni Adam sa itsura ng pinsan niya. Ngunit pinili niya ang manahimik. Laking pasasalamat niya at ilang buwan ang tanda sa kanya ng pinsan niya. Kundi ay baka siya ngayon ang nasa katayuan nito. Laglag ang panga ni Nathan. "Seriously? This is insane, Gran! Why would I marry someone just to fulfill your promise to your dead friend? Magpapakasal ako sa babaeng mahal ko hindi sa kung sino lang dahil sa pangako niyo!" mababakas ang inis sa boses ni Nathan. "Then prepare yourself for losing the St. Mary Hospital in your name, apo!" mahinahon ngunit makahulugang turan ni Don Armando. "What? Tatanggalan niyo ako ng mana dahil lang sa ayaw kung magpakasal sa kung sino mang gusto niyong pakasalan ko?" galit na turan ni Nathan at nagpalakad lakad. "Do you realize what you're trying to do to me now? Gran, your trying to manipulate my life!" Nagkibit balikat lang ang matanda. "I'm sorry, apo! But you have your choices! Lose the St. Mary Hospital or own it the day you get married!" "But I have someone I want to marry, Gran!" rason ni Nathan sa matanda.  "The last time I checked ay wala kang girlfriend, so don't try to fool me apo para lang makaiwas." "Totoo ang sinasabi ko, Gran! I have someone I love and want to marry!" halos magmaktol na si Nathan sa inis.  "Hindi na mababago ang desisyon ko. I'm sorry!" pagmamatigas naman ni Don Armando.  "Is there any other way?" hindi nawawalan ng pag-asa na tanong ni Nathan. Hindi pwedeng mawala sa pangalan niya ang ospital. Iyon lang ang tanging gusto niya sa lahat ng ari-arian ng lolo nila. Kaya nga siya nagdoctor dahil isa sa dahilan na siya ang magmamana sa ospital ng lolo niya at iyon ang pinangako ng lolo niya noon sa kanya tapos ngayon ay biglang bibigyan siya nito ng condition? Lalong hindi siya pwedeng magpakasal. Paano si Tamara? Si Tamara ay ang nakababatang kapatid ng matalik nilang kaibigan na si Bryan Wong.  Tumingin ang matandang Don kay Adam. "Kung sasaluhin ka ng pinsan mo at siya ang magpapakasal kay Kristel. Iyon lang ang tanging paraan..." Napatayo si Adam mula sa inuupuan nito. So this is the reason why he is there too. Dahil siya ang second choice ng lolo niya. "What? No, no, no… hindi ako papayag!" sunod-sunod na iling ni Adam. I'm so sorry, cuz! You know that you can ask me anything but never this one." Expected na ni Nathan ang reaction ng pinsan niya. Si Adam pa na takot sa seryosong relasyon ang sasalo sa kanya? No way! He is the worst among them six members of the San Martin Romeo when it comes to girls. Para narin siyang sinabihan ng lolo niya na gawing puti ang uwak.  Nanlulumong napaupo si Nathan sa couch. "You cannot do this to me, Gran. You know how much I want that hospital. Iyon lang ang hinihingi ko sa inyo. Wala akong pakialam sa iba nyo pang negosyo." Gustong maawa ni Adam sa pinsan ngunit hindi niya pwedeng isakripisyo ang sarili para dito. No way! Marriage is not for him. Ang sarap kaya ng buhay ng single. Malaya siyang gawin ang gusto niya. Higit sa lahat pwede siyang makipagdate sa kahit sinong babaeng magustohan niya.  "Then do my condition, Apo. Marry Kristel even just for few years. Kapag hindi nagwork out ang marriage niyo then you’re free. Natupad ko ang pangako ko sa kaibigan ko at sayo ang ospital na gusto mo. Tapos pwede mo nang pakasalan ang babaeng gusto mo," mahinahon parin na sagot ni Don Armando na para bang ganun lang kasimple iyon.  "I have someone I love and want to marry, Gran. Hindi ako pwedeng magpakasal sa iba. Ano yun? Sasabihin kong hintayin niya ako ng ilang taon dahil may iba pa akong babaeng kailangan muna pakasalan bago siya?" sa kanya nakatingin si Nathan. He must be hoping na magbabago ang isip niya at sasaluhin ito sa pagpapakasal. Ngunit iling ang itinugon niya dito. "Don't look at me like that, cuz. Hindi kita matutulungan sa pagkakataong ito!" "This is unfair! Gran, you're being unfair to me only because I'm two months older than Adam. Kailangan ako ang tumupad sa pangako niyo dahil lang sa mas matanda ako ng ilang buwan?" umiling si Nathan. "Hindi naman siguro tama 'yun!" "That's why except for the hospital. I will also give you the car company---" "No, Gran. That's mine! Sa akin ang car company natin! Pangako mo yan sa akin noon," agad na turan ni Adam sa lolo niya. "Kung ikaw ang magpapakasal kay Kristel--- then you'll have the car company business  and Nathan will have the hospital. Isn't it fair?" "Gran, your imposible!" inis na nag-walk out si Nathan. Napikon yata ito sa lolo nila. Somehow naiintindihan niya ang pinsan. Baga man at may pareho silang Romeo o player pagdating sa mga babae. Nakita naman niya ang pagbabago nito mula sa pagiging player hanggang sa pagiging faithful. At mula iyon ng tanggapin ng pinsan niya na hindi lang bilang kapatid ang nararamdaman nito para sa nakababatang kapatid ng kaibigan nilang si Bryan. Nathan loves Tamara so much na nakakasigurado siya na kaya nitong ipagpalit ang mamanahin nito sa lolo nila para kay Tamara. "Gran, how could you do this to us? Apo mo kami and we know that you love the both of us! But what's this?" panunumbat ni Adam sa lolo nila. "Wala naman talaga sa plano ko ang gawin ito sa inyo magpinsan, apo... Kasi naipit ako sa isang pangako at malaking utang na loob. If not because of my friend matagal na akong wala. You're Grandma's father shoot me directly to my heart. Pero hindi iyon tumama sa akin... Dahil sinalo ng matalik kong kaibigan ang bala na dapat tatama sa dibdib ko diretso sa puso ko. Inagawan ko na nga siya ng babaeng pakakasalan iniligtas niya parin ako sa kamatayan. So you see... If not because of him matagal na akong wala. Because of him I got a second chance na mabuhay at magkaroon ng pamilya at maging apo ko kayo ni Nathan," pagpapaliwanag ni Don Armando kung bakit niya ito nagagawa sa mga apo niya. "So isa sa amin ng pinsan ko ang magiging kabayaran niyon?" tanong ni Adam na nasa boses parin ang hindi pagtanggap sa kagustuhan ng lolo nila. Tumango si Don Armando. "I promised Kristopher na bibigyan ko ng pamilya ang apo niya." "Then it's not me, Gran! Hindi ko kayang bigyan ng pamilya ang kahit na sinong babae. I don't want a wife! Marriage is not for me. I'm sure alam mo 'yan..." "Maybe it's about time na pag-isipan mo, ninyo ito ng pinsan mo, Adam. Nasa tamang edad na kayo para mag settle down. Can't you give it a try?" Natawa lang ng hilaw si Adam. "Like what Nathan said... he has someone he wants to marry, Gran. And me? I'm leaving the next day back to London..." lumapit si Adam sa lolo niya at ipinatong sa balikat nito ang isa niyang kamay. "I'm sorry Gran! Paalam na rin..." at naglakad na palabas ng silid na iyon si Adam. "Hindi mo manlang ba kikilalanin si Kristel, apo?" habol na sigaw ni Don Armando. "No, thanks Gran... Bye," aniya at tuluyan nang lumabas ng silid at hindi na muling nilingon ang lolo nila. Naaawa siya sa lolo niya ngunit hindi niya talaga kayang ibigay ang hinihingi nito dahil alam niya sa sarili niya na hindi para sa kanya ang salitang kasal. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD