NAPATAYO si Maria Kristel sa kinauupuang couch. Tinatantiya kung tama ba ang narinig niya o baka guni-guni niya lang 'yun. Ngunit sa anyo ng kausap niya ay mukhang seryoso ito.
"Seryoso po kayo? Baka naman po nagkakamali lang kayo... Hindi 'to gagawin sa akin ng lolo ko."
"Relax, iha! Alam kong nabigla ka pero iyon ang totoo. Noong una ay hindi rin ako makapaniwala na ito ang hihingiin sa aking kapalit ng lolo Kris mo sa pagliligtas niya sa buhay ko noon. But your lolo was serious when he asked talked to me. At hindi ko siya matanggihan," paliwanag ni Don Armando.
Isang Linggo matapos mailibing ang matalik na kaibigan ay muli itong bumalik para makausap si Kristel at ipaalam ang napagkasunduan nila ng namayapa nitong lolo.
"But this is too much! My lolo won't manipulate my life. Especially, kung tungkol ito sa pag-aasawa," hindi makapaniwala na turan ni Kristel habang palakad-lakad sa loob ng library ng bahay nila kung saan sila naroon at nag-uusap ngayon ni Don Armando.
"Your lolo Kris loves you very much, Maria Kristel! Masyado siyang nag-aalala sayo. Kaya noong malaman niya na konti nalang ang panahon na nalalabi sa kanya dito sa mundo ay pinuntahan niya ako para hingiin ito sa akin."
"No. Pasensya na po kayo! Hindi ko po kayang magpakasal sa apo niyo. Naiintindihan ko po na hindi niyo matatanggihan ang kahilingan sa inyo ng lolo ko bilang pagtanaw ng utang na loob. Pero ako na po ang nagsasabi sa inyo--- Hindi niyo po kailangan tuparin ang pangako niyo sa lolo ko." sunod-sunod din siyang umiling. "Hindi po ako pumapayag na magpakasal sa isang lalaki na hindi ko kasintahan at ni hindi ko manlang kilala."
"That's why I'm asking you to get to know my grandson Nathan. He is a Doctor, Cardiologist to be exact. Mabait at matalino siya. Maganda rin siyang lalaki kung physical na anyo ang pag-uusapan," may pagmamalaki sa apo nito na turan ng Don.
Sa anyo ni Don Armando. Kahit may edad na ito ay hindi maipagkakaila na maganda itong lalaki. Mas lalo siguro noong kabataan pa nito. Kung nagmana dito ang apo ay siguradong maganda nga itong lalaki.
"Actually ay dalawa ang apo ko, Maria Kristel. Nathan Ocampo ang pangalan ng panganay kong apo at Adam Ocampo Ramirez naman ang isa. Magkaedad sila at buwan lang ang tanda ni Nathan kay Adam kaya lumaki silang close at parang magkapatid dahil na rin siguro sa pareho din silang nag-iisang anak. Nag-aaral na maging isang magaling na doctor si Nathan, cardiologist to be exact. Si Adam naman ay business management ang kurso nito ngunit kasalukuyan din siyang nawiwili sa mundo ng sports. He’s a motocross racer now in London. At syempre ay pareho silang magandang lalaki dahil pareho silang nagmana sa akin noong kabataan ko,” may pagbibiro na turan ni Don Armando. “Pero mas gusto kong ipagkatiwala ka sa panganay kong apo na si Nathan kaysa sa apo kong si Adam," dagdag pa ng matanda.
Nahinto siya sa pagpapalakad-lakad dahil sa tinuran ng matanda. Hindi niya maiwasang macurious kung bakit sa panganay na apo siya nito gustong ipakasal kaysa doon sa tinawag nitong Adam.
"M-May I know the reason why?" may pag-aalangan niyang tanong.
Nakita niya ang pag-aalangan din ng matanda na sagutin ang tanong niya. Ngunit determenado siyang malaman kung bakit si Nathan at hindi doon kay Adam siya nito gustong ipakasal. Parang may nagbubulong sa kanya na kailangan niya iyon malaman.
"Ahmm... Ano kasi, iha. Medyo may pagka pilyo at arogante ang isa kong apo. Alam ko rin na malabong sumunod siya sa gusto ko lalo at wala iyon balak na magpatali sa iisang babae lang. May allergy iyon sa salitang kasal," sagot ng matanda sa kanya.
"I see. Aroganting babaero..." komento niya.
"Pero mabait din naman ang apo kong iyon, iha. Matigas lang ang ulo kung minsan," pagtatanggol ni Don Armando sa apo nitong si Adam.
"And do you think your grandson Nathan will follow your will?" maya-maya ay tanong niya.
"I talked to him the other day and of course nabigla siya. Silang dalawa actually..."
"And I guess he also said no..." panghuhula niya sa maaaring naging sagot ng apo nitong si Nathan.
"It's just because he doesn't know you yet! Kapag nagkakilala kayo ay siguradong magkakagustuhan din kayo. I'm very positive about that!" siguradong turan ni Don Armando.
Umiling si Kristel. "I'm sorry po at thank you na din sa concern niyo po sa akin na bigyan ako ng pamilya! Pero hindi po magbabago ang isip ko. Hindi po ako sang-ayon sa pagpapakasal sa isang arranged marriage," sigurado niyang sagot.
"Ang sabi sa akin ng lolo mo noong puntahan niya ako ay wala ka naman daw kasintahan, iha. Kaya nga nag-aalala siya dahil maiiwan ka niyang mag-isa eh."
"Wala nga po. Pero hindi naman po ibig sabihin na dahil wala akong boyfriend ay papayag nalang ako sa kasunduan niyo ni lolo na magpakasal sa apo mo. No. Ayaw ko po talaga! Naiintindihan ko naman kung bakit ito nahiling ni lolo sa inyo at kung bakit po kayo pumayag sa kasunduang ito. Pero hindi niyo ba naisip na you're both manipulating my life and your grandson's life? Kasal po ang pinag-uusapan natin dito. Isang seryosong bagay na dapat para lamang sa dalawang taong totoong nagmamahalan dahil habang buhay pong kaligayahan namin ang nakasalalay dito. To be honest, gusto ko po kapag nagpakasal ako ay gusto kong siya na talaga ang makakasama ko hanggang sa pagtanda namin."
Malalim na napabuntong hininga si Don Armando. "Minsan man sa buhay ko ay hindi ko inakalang gagawin ko to, Maria Kristel. I am the kind of person that is never into fixed marriage. Pero ako rin ang klase ng tao na hindi tumatalikod sa isang pangako. Sinusunod ko lang ang pangako ko sa lolo mo, iha. Pinangako ko sa kanya na bibigyan kita ng pamilyang magiging kasama mo sa buhay at ang pamilyang iyon ay ang pamilya ko. Ang pamilyang dapat ay sa kanya kung hindi ko lang kinuha sa kanya si Erlinda noon."
Hindi naintindihan ni Kristel ang ibig sabihin ng matandang Don na kaharap niya ngayon.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Paano pong dapat na pamilya ng lolo ko ang pamilya niyo?"
Nalipat ang tingin ni Don Armando sa portrait ng lolo Kristopher at lola Veronica niya na nakasabit sa dingding ng library.
"Kung hindi ko inagaw sa kanya si Erlinda noon ay sila dapat si Kristopher ang nagkatuluyan." panimula nitong salaysay.
Tuluyan naman na na curious si Kristel sa istorya ng buhay ng lolo niya at ng matandang Don sa harap niya.
"Don Armando’s Flashback"
"I'm getting married, mando!" may ngiti sa mga labi na anonsiyo ng matalik niyang kaibigan na si Kris o Kristopher.
Iyon pala ang rason kung bakit siya nito inimbitahan sa probinsya ng mga ito. Para masaksihan ang pakikipag-isang dibdib nito.
"You mean you're marrying Veronica? Wow, that’s good news! I’m happy for you, pare."
Magkasama silang dalawa sa isang dorm sa Maynila noong pareho pa silang nag-aaral sa kolehiyo. Doon sila nagkakilala at naging matalik na magkaibigan kahit magkaiba sila ng probinsya na kinalakihan. Si Veronica naman ay kasintahan ni Kristopher na sa Manila din nag-aaral, kapareho nila.
Nawala ang ngiti sa mga labi ng binatang Kris. Umiling ito ng sunod-sunod. "Hindi si Veronica ang mapapangasawa at pakakasalan ko, Mando. Ang totoo niyan ay bata palang ako ay nakatakda na ang pakikipag isang dibdib ko kay Erlinda. Anak siya ng isa ring asyendero na taga dito rin sa lugar namin. Sabi ng mga magulang namin ay kami ang nararapat sa isa’t isa. Kapag kami ang nagpakasal ay makabubuti sa pareho naming mga pamilya. Magiging isa ang dalawang pinakamalaking asyenda dito sa lugar namin. Mas lalaki ang koneksiyon ng bawat pamilya," pagsasalaysay ni Kris.
"Bullshit! Anong kalokohan 'yang pinagsasabi mo? Akala ko ba ay mahal mo si Veronica, bakit sa isang Erlinda ka magpapakasal?" hindi makapaniwalang turan ni Mando.
"Tama ka. Mahal ko nga si Veronica..." sandaling katahimikan. "Pero nang muli kaming magkita ni Erlinda ay nagulo na ang nararamdaman ko. Hindi na ako sigurado ngayon sa damdamin ko para kay Veronica. Mahal ko na yata si Erlinda!"
"Kaya pumayag kang sa kanya magpakasal?"
Tumango si Kris.
“Pero paano naman si Veronica? Masasaktan mo siya, pare.”
“Alam ko. Kaya nga naguguluhan ako eh.”
“Kris, sino ba sa kanilang dalawa ang mas matimbang sa puso mo?”
Malungkot na umiling si Kris, bakas sa mukha nito ang pagkalito sa sariling nararamdaman. “I love them both, Mando.”
“Gago! Hindi pwedeng dalawang babae ang mahal mo. Unfair sa kanilang dalawa yun.”
“Alam ko. Kaya nga nalilito ako eh.”
"When is the wedding?"
"Two weeks from now," sagot ni Kris.
"s**t. Alam na ba Veronica ang tungkol dito?"
"No, hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya..."
"Mahirap nga 'yan," komento ni Mando. "So how is this Erlinda? Is she as beautiful as Veronica?" may panunudyo na niyang tanong sa matalik na kaibigan.
Bigla naman nagningning ang mga mata ni Kris. "Yes, she is as beautiful as Veronica just in different way..." may ngiti sa labi na sagot ni Kris.
"What do you mean in different way?" hindi maintindihan niyang tanong.
"She's simple... A picture of dalagang pilipina. Different from Veronica na kilos Maniliña."
"Kailan ka pa nahilig sa isang dalagang pilipina, Kris?" natatawang turan niya.
"True, she was not my dream girl. Pero iba si Erlinda. There's something about her na hindi ko maipaliwanag."
Napailing nalang si Mando. Mukha ngang nahuhulog na ang loob ng matalik na kaibigan sa mapapangasawa nito base narin sa ningning ng mga mata nito kapag nababanggit ang pangalang Erlinda.
"Señorito, andiyan na po si Señorita Erlinda," anunsyo ng isang kasambahay ng mga Cordoval.
"Sige andyan na ako," sagot ni Kris sa kasambahay. Tapos ay nilingon si Mando. "See for yourself, Mando. Sunduin ko lang siya at hintayin mo kami dito sa gazebo," ani Kris at umalis na para puntahan si Erlinda.