PANIC. Kung may higit pa sa salitang panic ay iyon ang nararamdaman ni Xander ngayon. Paano siyang kakalma pagkatapos niyang makausap si Kristel at ang pinaka bobong desisyon na gagawin nito? Ano daw? Magpapakasal ito, and that's in two days? Anong klaseng kabaliwan ang pumasok sa utak nito? Pagkatapos nitong hindi sagutin ang ilang daang beses na tawag niya dito. Hindi nga siya magdududa kung nabawasan na ang mga daliri niya kakadial ng phone number nito. Tapos ngayon naman na sinagot na nito finally ang tawag niya, isang hindi naman katanggap-tanggap na balita para sa kanya ang maririnig mula dito? Muntikan na nga siyang atakihin sa puso kanina eh. Mabuti nalang at matibay-tibay ang puso niya at hindi bumigay ng sabihin ni Kristel na magpapakasal na daw ito. No. This can't be true! S

