CHAPTER 10

1665 Words
Sinalinan ni Alex ang basong hawak niya ng wine na nasa ibabaw ng center table habang nakaupo siya sa sofa at hinihintay ang pagdating ng kanyang asawa. Kanina pa siya nag-send ng message rito na hindi na niya ito masundo pa dahil nakauwi na siya pero hanggang ngayon ay hindi pa ito dumarating. Panay ang silip niya sa wall clock nila at panay din ang silip niya sa bawat sasakyang dumadaan sa gilid ng kanilang bahay sa pagbabasakaling si Xia na nga iyon pero nabibigo lamang siya. Panay din ang sulyap na kanyang ginagawa sa kanyang phone dahil baka tatawag ito o mag-text man lang pero hanggang sa mga sandaling halos nangalahati na niya ang laman ng wine na iniinom niya ay wala pa ring Xia na dumating. "We left her in the company," sagot ni Martha sa kanya nang tawagan niya ito para alamin kung kasama pa ba ng mga ito ang kanyang asawa. "Why? Hindi pa ba siya nakakauwi?" tanong nito sa kanya. "Yeah," maikli niyang sagot. "So, ano pa ba ang ginagawa mo?!" pabulyaw na tanong ni Martha. Naiinis kasi siya dahil mukhang wala man lang ginagawa si Alex para hanapin ang asawa nito. "Hanapin mo siya hangga't hindi pa nahuhuli ang lahat! Baka kung ano na ang nangyari du'n." Nasa boses ni Martha ang pag-aalala sa kaibigan at ramdam naman iyon ni Alex kaya agad niyang ibinaba ang kanyang phone saka siya mabilis na napatayo. Nang aalis na sana siya ay bigla namang tumunog ang kanyang phone. Si Xia! "Where are you? What time is it now? Why are you not home yet?" sunod-sunod niyang tanong. Nasa boses niya ang pagpa-panic para sa kaligtasan ng asawa. "Is this Mr. Dela Cruz?" Napakunot ang kanyang noo nang hindi ang boses ng kanyang asawa ang kanyang narinig kundi boses ng isang lalaki. "Yes. Who are you? Bakit nasa'yo ang phone ng asaw ko?" nagtataka niyang tanong dito. "I am a doctor. Your wife was admitted here in our hospital." "What?! Why?" kinakabahan niyang tanong. "Someone saw her fainted on the street and-----" Hindi na niya nagawa pang tapusin kung ano man ang gusto pang sasabihin sa kanya ng doktor na may hawak ng phone ng kanyang asawa. Agad siyang napatakbo palabas ng kanilang bahay at agad na pinuntahan ang kanilang sasakyan at walang pag-aalinlangang pinatakbo niya iyon paalis papuntang hospital. Agad siyang pumunta sa pinakamalapit na hospital at agad siyang magtanong kung may Xia Dela Cruz bang pasyente ang mga ito at hindi nga siya nagkamali. Pagkapasok niya sa loob ng kwarto na kinaroroonan ng kanyang asawa ay nadatnan niya itong natutulog nang mahimbing habang may dextrose na nakasabit dito. Nang makita niyang maayos na ang kalagayan nito ay pinuntahan niya ang doktor na nag-asikaso kay Xia upang tanungin kung ano nga ba ang naging problema ng kanyang asawa at kung bakit ito nawalan na lamang ng ulirat. "She has an ulcer tapos dinagdagan pa ng stress at fatigue. Kailangan niya ng pahinga para naman gagaling ang kanyang kalagayan," pahayag ng doktor nang tanungin niya ito. Naaawang napatingin siya sa kanyang asawa habang nakapikit ang mga ito nito. "She didn't eat her lunch earlier tapos tutok na tutok siya sa kanyang trabaho pero ang utak lumilipad sa kung saan," ani Martha nang tawagan niya ito kung ano nga ba ang ginawa ni Xia sa kompanya kanina buong maghapon. "May problema ba kayong dalawa, Alex?" tanong ni Martha sa kanya mula sa kabilang linya. "Huh?" "I always see her staring at nothingness and her mind wanders so far and sometimes, we can't talk to her properly. If we ask her if she has a problem, she keeps on denying. Ano ba talagang nangyayari sa kanya, Alex?" Napatingin si Alex sa kanyang asawa na nakahiga sa hospital bed at mahimbing na natutulog. Dahil sa pride niya, dahil sa pagnanais niyang ipadama sa asawa ang pagkadismaya na kanyang nararamdaman ay hindi na niya nakikita at nararamdaman pa ang paghihirap nito. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang phone kahit na hindi pa niya nasasagot ang tanong ni Martha ng mga sandaling iyon. Lumakad siya palapit sa hinihigaan ni Xia saka siya umupo sa upuan na nasa gilid ng hospital bed. Pinagmasdan niya ang mukha ng asawa habang nakahawak ang isa niyang kamay sa palad nito. Dahan-dahan niyang iniangat ang isa pa niyang kamay at saka niya dahan-dahan na hinawi ang buhok nito at hinaplos niya ang pisngi nito. "Sorry," mangiyak-ngiyak niyang bulong dito. "Alex?" Napatingin siya sa kanyang asawa nang marinig niya ang kanyang pangalan mula rito. "Yes?" aniya saka niya hinawakan ng dalawa niyang kamay ang palad nito. "Alex?" muli nitong tawag sa kanyang pangalan. "I'm here. What is it?" tanong niya at bahagya pa niyang inilapit ang kanyang sarili rito pero nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ng kanyang asawa. "Alex?" Pangatlong beses na tawag nito sa kanyang pangalan. Napatingin siya sa kanyang kamay nang maramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay saka niya ito muling pinagmasdan sa mukha nito at maya-maya lang ay naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak ng kamay nito sa kanyang kamay saka lang niya napagtantong nanaginip lang pala ito. Iniangat niya nang bahagya ang kanyang katawan saka niya hinalikan sa noo si Xia. "Get well soon, sweetie," aniya saka siya muling napaupo sa tabi nito at muli niyang pinagmasdan ang mukha nito na medyo umaliwalas na. Nang nagising si Xia kinabukasan ay maputing kapaligiran ang siyang sumalubong sa kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid pero wala siyang nakikitang tao at nang babangon na sana siya ay saka lang niya naramdaman ang kanyang kamay na para bang may kung anong may kabigatang nakalatong doon. Nang kanyang tingnan saka lang niya nakita ang kanyang asawang nakayukyok ang ulo sa gilid ng kanyang higaan at mahimbing na natutulog habang nakaupo. Napatingin siya sa kanyang kamay na hawak-hawak ng kanyang asawa na siyang nagbigay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Hinaplos niya ang buhok nito gamit ang isa pa niyang kamay. Naaalala niya ang nangyari sa kanya kagabi kaya siguro, nasa hospital siya ngayon at nandito ngayon sa tabi niya ang kanyang asawa na ilang araw na rin niyang hindi nakakausap nang maayos dahil sa nangyayari sa kanilang dalawa. Dahil sa kanyang ginagawang paghaplos sa buhok ni Alex ay nagising ito at nag-angat ng ulo. "Hi, good morning," bati nito sa kanya nang mapatingin ito sa kanya. "Did I wake you up?" tanong niya rito. Marahan itong napailing saka ngumiti. "May masakit pa ba sa'yo? Do I need to call the doctor?" tanong naman nito sa kanya kasabay nang pagtayo nito mula sa upuang inuupahan. "Huwag na. Okay naman ako," aniya. Hinaplos ni Alex ang kanyang noo, "Sa susunod, pagtuonan mo na ng pansin ang sarili mong kalusugan," sabi nito saka nito hinalikan ang kanyang noo. "As what I've told you before, iisa lang ang buhay natin kaya dapat nating alagaan iyon," dagdag pa nito habang humahaplos sa kanyang noo ang kaliwa nitong hinlalaki. "Sorry." Natigilan si Alex sa ginagawa niyang paghaplos ng kanyang hinlalaki sa noo ng kanyang asawa nang marinig niya ang paghingi nito ng sorry sa kanya. "Hindi ko sana ginawa 'yon. Sana, bago ko pinagpasyahang gawin ang bagay na 'yon ay dapat kinausap muna kita." Dahan-dahan na umagos ang mga luha sa magkabilang pisngi ng kanyang asawa. "Sorry," muling paghihingi ng patawad ni Xia sa kanya. Napangiti na lamang siya saka niya muling dinampian ng halik ang noo nito na nagtagal ng ilang segundo. "I'm so sorry if I was so mean to you. Nasaktan lang ako sa nalaman ko. Sorry," paghihingi rin niya ng patawad. "Let's move on. Okay?" Marahan na napatango si Xia habang may mga luha sa mga mata nito na agad naman niyang pinahiran gamit ang kanyang hinalalaki. Nang tatayo na sana nang maayos si Alex ay bigla na lamang ikinawit ni Xia ang dalawa niyang braso sa batok nito saka niya ito niyakap nang mahigpit. "Hey! Stop crying," pag-aalo sa kanya ni Alex. "Masaya lang ako," aniya habang nanatili siyang nakayapos dito. Hindi na rin napigilan ni Alex ang mapangiti habang yakap-yakap siya ng kanyang asawa. Masarap pa rin talaga sa pakiramdam na wala nang sagabal na masamang damdamin para sa isa't-isa. Sana nga ay ganito na lamang silang dalawa. Agad silang napabitaw sa isa't-isa nang biglang may tumikhim mula sa pintuan ng kwarto na kanilang kinaroroonan. Sina Martha at Nicole! "Ano 'yon?" tuksong tanong ni Martha sa kanila nang makita ng mga ito ang eksenang yakapan na kanilang ginawa. "Mukhang wrong timing yata tayo, Mars," biro naman ni Nicole na siyang nagpangiti kina Xia at Alex. "I think so. What do you think, should we go?" tanong naman ni Martha kay Nicole. "That's an awesome idea!" sang-ayon naman ni Nicole at nang aalis na sana ang mga ito palabas ng kwarto ay agad namamg nagsalita si Xia. "Bakit hindi muna kayo mag-stay just for a little while?" Napatingin ang dalawang kaibigan niya sa kanya. "A little while?" tanong ni Martha habang nakatuon kay Nicole ang mga mata. Kunwa'y nakaismid naman ang kaibigan sa tanong nito kaya wala nang nagawa pa si Xia. "Oh, siya! You can stay kahit hanggang bukas kung gusto niyo," pabirong saad niya na siyang nagpangiti sa dalawa. Agad kinuha ni Alex ang bitbit ng mga ito na pagkain saka prutas at inilagay nito sa ibabaw ng mesa habang ang dalawa naman ay masayang nakikipagkwentuhan kay Xia. "Akala ko ba ano na ang nangyari sa'yo," ani Martha habang nakaupo ito sa gilid ng hospital bed na kanyang hinihigaan habang siya naman ay nakaupo at nakasandal sa higaan matapos itong in-adjust ni Alex paitaas para naman ay makasandal siya. "Trabaho kasi ang inaatupag mo, eh. Isipin mo rin sana paminsan-minsan ang sarili mong kalusugan," singit ni Nicole. "Salamat sa inyo, huh," aniya habang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. "Basta, nandito lang kami kung kailangan mo. Okay?" Napatango siya sa naging pahayag ni Martha. Iba pa rin talaga kapag nandiyan ang mga tunay na barkada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD