CHAPTER 11

1755 Words
"Kakaibang ngiti na 'yan, ah!" puna ni Nicole kay Xia kinabukasan sa loob ng kompanya. "Naku! Napansin mo rin pala 'yon?" singit ni Martha. "Huwag niyo na nga akong pansinin," sabad naman ni Xia sa mga ito. "So, okay na kayo?" tanong sa kanya ni Martha. "Bakit, may problema ba?" takang-tanong ni Nicole. "Konti lang naman," ani Martha. Napangiti na lamang si Xia sa mga ito at sa pamamagitan ng ngiting 'yon ay nasabi rin ng dalawa na okay na nga ang mga ito. "How was your day?" tanong ni Alex sa kanya nang maayos na siyang nakaupo sa loob ng sasakyan sa tabi nito sa bandang driverseat ng mga sandaling papauwi na sila galing ng trabaho. "Okay lang naman. Ikaw?" balik-tanong niya rito. "As usual. Busy pa rin," sagot naman nito kasabay ng pag-andar ng makina ng sasakyan. "Marami kasing project kaya ganu'n na lamang ka-busy," sabi naman niya. "Oo nga, eh. Kayo rin ba sa department niyo?" "Yeah," maikli niyang sagot. "Do you want to have dinner outside?" tanong ng kanyang asawa habang nasa unahan nakatuon ang tingin nito. "It's up to you. Okay lang din naman kung sa bahay na lang din," saad niya. Napahinto sila nang biglang nag-red light ang traffic light. "Saan ba kayo pumunta kanina?" tanong niya kay Alex. Nakita kasi niya itong umalis ng kompanya kasama si Director Lero. Ang director ng kompanya na naging kaibigan nito. Nagtatakang napatingin si Xia aa kanyang asawa nang wala siyang natanggap na sagot mula rito para sa kanyang tanong dito. At nang tingnan niya ito ay nakita niya itong nakatingin sa kaliwang side nito. Naka-sentro talaga ang atensiyon nito sa tinitingnan nito kaya hindi siya nito napansin. Napatingin siya sa tinitingnan nito pero hindi naman niya masyadong makita ang kung ano man ang tinitingnan nito dahil bahagyang natatabunan nito. Napatingin siya sa traffic light at nakita niyang nag-go signal na ito pero ang asawa niya ay nanatiling nakatingin sa pinagmamasdan nito. Naiintriga siya kaya bahagya niyang inabante ang kanyang katawan para makita niya ang pinagmamasdan nito at laking pagtataka niya nang makita niya ang kanyang kaibigang si Nicole.  Nagtatakang napatingin siya sa mukha ng kanyang asawa na nakatingin pa rin kay Nicole  hanggang sa bigla itong napapiksi nang bumusina ang sasakyang nakasunod sa kanila. Agad nitong pinatakbo ang sasakyan paalis habang siya naman ay hindi pa rin mawala-wala sa kanyang ang pagtataka kung bakit ganu'n na lamang kung makatingin sa kanyang kaibigan ang kanyang asawa. Muli niyang nilingon si Nicole na nakatayo sa gilid ng isang store na para bang may hinihintay. Nakakunot ang kanyang noong napatingin siya sa labas ng sasakyan. Ang daming tanong ang sumagi sa kanyang isipan ng mga sandaling 'yon at kahit na anong gawin niya ay talagang hindi niya alam kung ano nga ba ang mga kasagutan ng mga iyon. "Are you okay?" tanong ni Alex sa kanya nang mapansin nito ang biglaan niyang pananahimik. Sapilitan siyang napangiti rito. "Okay lang. Pagod lang siguro sa trabaho," pagsisinungaling niya. "Let's eat outside," aya ng kanyang asawa. Napangiti siya nang sapilitan kasabay ng pagtango. Hindi na siya nagsalita pa dahil baka kung ano na naman ang lalabas sa kanyang bibig na maaari nilang pag-aawayan. Tahimik nang nakahiga si Alex sa ibabaw ng kanilang kama habang nagbabasa ito ng libro habang si Xia naman ay kalalabas lamang ng banyo para sa isang half-bath pagkatapos ay inayos niya ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. Habang sinusuklay niya ang sariling buhok ay napatigil siya bigla nang maaalala niya kung papaano pinagmasdan ng kanyang asawa si Nicole kanina. Tiningnan niya si Alex sa salamin na kanyang kaharap habang nakatalikod siya rito at nakikita niya itong nagbabasa pa rin ng libro. Gusto niyang itanong ang tanong na nasa isipan niya ngayon. Ang tanong na kung bakit ganu'n na lamang kung titigan ng kanyang asawa ang kanyang kaibigan. Napailing na lamang siya saka niya palihim na sinuway ang kanyang sarili. "Nag-o-overthink ka na naman, Xia," sabi ng kanyang utak saka niya ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Pagkatapos ay umakyat na siya sa ibabaw ng kanilang kama. "Anong binabasa mo?" tanong niya kay Alex. "It's all about businesses," sagot naman nito. Bahagya niyang iniangat ang kanyang ulo saka isinuksok ni Alex ang kanan nitong braso na may hawak ng libro sa ilalim nu'n at ginawa niya itong unan. "Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya rito habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa librong binabasa nito. "Hindi pa. Bakit gusto mo na ba akong patulugin?" Napatingin sa kanya si Alex at napatingala naman siya rito upang tingnan. "Bakit gusto mo ba?" "Hmmm," sagot nito sabay tango. "Paano? Dating gawi?" "Dating gawi," maagap nitong sagot. Iniangat ang kanyang katawan saka bahagya siyang dumagan sa ibabaw ng dibdib nito at sinimulan na niya ang pagkanta. Habang kumakanta siya ay nanatiling nakatitig lamang sa kanya ang kanyang asawa habang siya naman ay bumabalik sa kanyang isipan ang masasaya nilang ala-ala na magkasama. Makalipas ang ilang sandali ay napatigil na rin sa pagkanta si Xia nang naririnig na niya ang mahihinang paghilik ni Alex, senyales na tulog na ito ng mga oras na 'yon. Kinintalan niya ito ng munting halik sa noo nito saka saglit na tinitigan ang mukha. "Masaya ako nang natagpuan kita. Sana, habang-buhay na tayong ganito," pabulong niyang saad saka niya idinikit ang kanyang pisngi sa dibdib nito at payapang ipinikit niya ang kanyang mga mata. "Manager Santillan, pinatatawag daw po niyo ako?" tanong ni Xia sa kanilang manager nang nakapasok na siya sa loob ng opisina nito. Tumayo ang kanilang manager saka siya inalok ng upuan na agad naman niyang tinanggap. "May bagong project ang kompanya and they want you handle this," anito saka ito bumalik sa swevil chair na inuupuan nito kanina nang pumasok siya. Kinuha nito sa drawer ng mesa nito ang isang folder at inabot ito sa kanya. "Do your best and don't make us dismayed," anito habang hinahalungkat niya ang laman ng folder. "Ano po bang dapat kong gawin sa mga taong 'to?" tanong niya sa kay Manager Santillan. "They are the target of the company to be the investors of the new project. Kailangan mong makumbinse ang mga iyan upang mag-invest sa atin," pahayag nito. Hindi niya kilala ang mga taong nasa listahan na ibinigay sa kanya kaya alam niyang mahihirapan siya rito. "If you can persuade them to invest, that would be great for you dahil malaki ang chance mong mapasa'yo ang promotion," pang-eengganyo pa nito sa kanya na siyang nagpagaan sa kanyang kalooban. Ito na 'yong chance niya para maabot niya ang kanyang pinapangarap na promotion. Kailangang hindi na ito makakawala pa sa kanyang mga kamay. Gagawin niya ang lahat, mapasakanya lamang ang promotion. "I will do my best, Manager Santillan," nakangiti niyang saad saka siya napatayo. "Good luck," bilin pa nito sa kanya bago siya tuluyang lumabas mula sa opisina nito. May matamis na ngiting lumabas si Xia sa opisina ng kanilang manager at nang bumalik na siya sa kanyang mesa ay nakatingin sa kanya ang dalawa niyang kaibigan na nagtataka. "Para saan ang ngiting 'yan?" tanong sa kanya ni Martha. "Wala lang. Masaya lang ako," aniya sabay lapag niya sa kanyang mesa ng hawak niyang folder. "Ano 'yan?" muling tanong ni Martha. Kinuha nito sa kanya ang folder saka binasa ang laman. "Sino ang mga 'to?" kunot-noong tanong nito. "Hindi ko nga kilala, eh," sagot naman niya. "Para saan ba 'to sila?" usisa pa nito sa kanya. "Mga kukuning investors ng bagong project ng kompanya," sagot naman niya. "Bakit ibinigay sa'yo 'to?" "Kukumbinsehin ko raw ang mga 'yan na mag-invest." Napatango-tango na lamang ang kanyang kaibigan na siya namang pagbalik ni Nicole sa kung saan ito galing. "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong nito sa kanila saka ito napaupo sa upuang nakaharap sa kanya. Hindi siya agad nakasagot dahil muling nanariwa sa kanyang balintataw ang ginawang pagtingin ni Alex dito kagabi. Halos ayaw ihiwalay ng kanyang asawa ang mga mata nito kagabi sa kaibigan na siyang labis niyang ikinataka. Nanatili siyang nakatitig kay Nicole. Marami siyang gustong itanong dito pero wala naman siyang lakas ng loob dahil na rin sa takot na baka magiging dahilan iyon upang magkasira silang dalawa. Kaibigan niya ito at ramdam niya, alam niyang hindi iyon magagawa sa kanya ni Nicole dahil kilala niya ito, alam niyang may paninindigan ito sa buhay, alam din niyang tunay na kaibigan niya ito. Alam niyang kahit kailan ay hindi siya nito sasaksakin nang patalikod. Alam niyang mangingbabaw pa rin sa puso nito ang pagkakaibigan nila kung sakali mang may pagnanais ito sa kanyang asawa. Mahal siya ni Alex at alam naman niyang hindi magagawa ng kanyang asawa ang lukuhin siya kagaya ng text message na kanyang natanggap na kahit matagal na panahon na ang lumipas ay nanatili pa rin sa isipan niya ang tungkol sa bagay na 'yon. "Xia?" tawag sa kanya ni Martha sabay siko sa kanya na siyang naging dahilan upang magising siya sa malalim niyang pag-iisip. Masyado na talaga siyang nag-iisip ng mga bagay-bagay na wala namang katuturan. "Huh? Bakit?" wala sa sariling tanong niya sa kanyang katabing kaibigan. "Kanina ka pa nakatitig sa akin. May problema ba?" tanong ni Nicole sa kanya. Napatingin siya rito sabay iling na may pilit na ngiti sa gilid ng kanyang mga labi. "Wala! Wala naman!" aniya kahit na ang totoo ay kung saan-saan na pumupunta ang kanyang isipan tungkol dito. Nakatinginan ang dalawa pero wala naman silang nagawa dahil tikom na ang bibig ni Xia para pag-usapan ang anumang bagay na nasa isipan nito. Kinagabihan, habang abala si Xia sa kanyang ginagawa ay napatigil na lamang siya nang nakaramdam na siya ng pagod para sa kanyang katawan kaya mas minabuti na lamang niya ang huminto muna para umuwi na at habang naglalakad siya papunta sa labas ng kompanya upang du'n na lamang niya hihintayin ang kanyang asawa na hanggang ngayon ay nasa opisina pa rin ito at abala sa trabaho. Napahinto siya sa kanyang paglalakad nang namataan niya ang dalawa niyang kaibigan na para bang nagtatalo. Napakunot ang kanyang noo dahil ang buong akala niya ay nakauwi na ang mga ito dahil kanina pa nagpaalam ang mga ito para umuwi. "Hindi mo kasi ako naiintindihan!" bulyaw ni Nicole kay Martha. "Anong hindi ko naiintindihan, Nicole?" tanong naman ni Martha, "Malinaw na malinaw ang lahat sa akin kaya tama na!" dagdag pa nito na siyang lalong nagpagulo sa takbo ng isipan ni Xia. "Anong tamang na?" Gulat na gulat ang dalawa nang napatingin ito sa kanya. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang pagkabigla sa kanyang pagsulpot. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD