CHAPTER 12

1708 Words
"May problema ba?" tanong niya ulit sa mga ito. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawa at kitang-kita naman niya ang pagkabigla sa mukha ng mga ito nang makita siya. "K-kanina ka p-pa ba diyan?" tanong ni Martha sa kanya. "Bago lang. Kararating ko lang," sagot naman niya habang hindi mawala-wala ang parang nang-uusig niyang tingin sa mga ito. "Anong pinag-aawayan niyo?" muli niyang tanong. Napaawang ang mga labi ni Martha at alam niyang may gusto itong sasabihin. "Mars?" tawag niya sa pangalan nito. "Ano kasi..." pasimula nito at pasimple pa itong napatingin kay Nicole habang si Nicole nang mga sandaling 'yon ay nakayuko na para bang kinakabahan. "Kasi?" tanong niya nang mukha bang wala nang balak si Martha na ipagpatuloy ang sasabihin. "Xia, ang totoo----" Nakita niyang napalunok muna ito ng laway, senyales na kinakabahan ito sa pinaplanog pagsasalita. "Ang totoo kasi-----"Gustong makipagbalikan ni Glendon sa akin pero ako 'yong ayaw," agad na singit ni Nicole. Napatingin si Martha kay Nicole at nakita ni Xia kung papaano muling napaawang ang mga labi nito sabay iwas ng tingin nang tumingin si Nicole rito. "'Yong totoo..." Napatigil si Martha sa pagsasalita nang biglang hinawakan ni Nicole ang laylayan ng damit na suot nito at bahagya pa nitong hinila paibaba na para bang sinasabi nitong huwag na nitong ituloy ang anumang binabalak nitong sasabihin. "'Yon 'yong totoo. Ayaw niyang makipagbalikan sa kanyang asawa," ani Martha. Napatingin siya nang maigi sa kanyang kaibigan at ramdam niyang may iba pa itong gustong sasabihin sa kanya. "Eh, bakit kayo nagtatalo sa bagay na 'yon?" tanong niya ulit. "She wants me to get back with Glendon kaya lang napapagod na ako sa relasyon namin," paliwanag ni Nicole. "'Yon naman kasi ang dapat mong gawin," baling ni Martha rito at nakita pa niya ang pasimpleng paghawi nito sa kamay ni Nicole na nakahawak sa laylayan ng damit nito na para bang naiinis. "May anak kayo, Nicole pero bakit ayaw mong makipagbalikan sa kanya? Gusto mo bang lumaki ang anak mong walang ama?" Ramdam ni Xia ang galit sa boses ng kaibigan habang pinapangaralan nito si Nicole. "Magkakaroon nga ng ama ang anak ko pero alam ko naman na kahit kailan, hindi namin mapapalitan sa puso ni Glendon ang babaeng minahal niyo noon na hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan." Napatingin siya kay Nicole at nakita niya ang pangingilid ng mga luha nito sa magkabila nitong mga mata. "Nicole-----"Masasabi mo ang mga bagay na 'yan dahil wala ka sa sitwasyon ko," agad na singit nito sa iba pa sanang sasabihin ni Martha kaya wala nang nagawa pa si Martha kundi ang manahimik na lamang. "Alam kong nag-aalala kayo sa akin pero sana naman, maiintindihan niyo rin ang nararamdaman ko," pahayag ni Nicole saka na ito tuluyang umalis sa kanilang harapan. Napapikit na lamang si Martha sa stress na nararamdaman saka nila pinagmasdan ang papalayong si Nicole. Ipinatong ni Xia ang kanyang kanang palad sa balikat ng kanyang kaibigan at napatingin naman ito sa kanya. Nakita niya ang sapilitan nitong pagngiti sa kanya na para bang sinasabi nitong okay lang, magiging maayos din ang lahat. "May problema ba, kanina ka pa tahimik?" tanong ni Alex kay Xia nang nasa loob na sila ng sasakyan at nagba-biyahe pauwi. "Nakita ko kasing nag-aaway sina Nicole at Martha kanina," sabi niya at nakita niyang napalingon sa kanya ang kanyang asawa. "Si Nicole at si Martha? Bakit?" "Gusto raw makipagbalikan ni Glendon kay Nicole kaya lang, ayaw naman ni Nicole," sabi pa niya. "At bakit naman ayaw niya? Ayaw pa niya nu'n, may ama ang kanyang anak?" Napatingin siya nang maigi sa kanyang asawa na para bang pinag-aaralan ang facial expression nito pero wala naman siyang nakuha. "Sa tingin mo ba, okay lang ba kung pagbibigyan uli ni Nicole nang chance ang kanyang asawa para magiging okay ulit sila?" tanong niya kay Alex. "Oo naman basta ang mahalaga du'n, sincere si Glendon para makipagbalikan kay Nicole para naman mabuo na nila ulit ang pamilya nila." "Minsan kasi, hindi rin natin masisisi si Nicole kung ayaw na niya. Mahirap din kasi 'yonvmg tipo na ikaw 'yong kasama pero ibang tao naman pala ang hinahanap ng puso niya." Sandaling natahimik si Alex sa naging pahayag niya at alam niyang naiintindihan din siya ng kanyang asawa. "Kapag na ako ang magkasala, ganu'n din na ang gagawin mo sa akin? Hindi mo rin na ako bibigyan ng chance para magbago?" Napatingin siya kay Alex na naguguluhan. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng problema na pwedeng gawing halimbawa nito ay bakit ganu'n pa? May nais ba itong iparating sa kanya? "Bakit, nagkasala ka ba?" Napangiti si Alex sabay tawa ng pagak na para bang dinadaan lamang ang lahat sa biro. "Ano ka ba, kung sakali lang naman," sabi pa nito habang nakatuon ang atensiyon sa daan. "Hindi ko alam," sagot naman niya, "Hindi mo naman ako pagtataksilan, hindi ba?" tanong niya sabay yakap sa braso nito. Hindi na nakaimik pa si Alex. Tumahimik ito sa kadahilanan na hindi niya alam pero ang tanging hiling lang niya ay sana, walang katuturan ang anumang pagdududa na nasa isipan niya. Mahal niya si Alex at alam niyang mahal din siya nito kaya kung ano man ang pagdududa na nasa isipan niya ay kailangan niya itong kalimutan at ibaon sa limot. Ayaw niyang masira ang kanilang pagsasama nang dahil lang sa maling akala. Mukha ni Alex ang una niyang nagisnan kinaumagahan. Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan niya nang maigi ang mukha nito na mahimbing pa rin ang pagkakatulog kahit na medyo mataas na ang tirik ng araw. "Good morning," pabulong niyang sabi saka niya ito kinintalan ng halik sa mga labi pagkatapos ay agad siyang bumaba ng kama. Nagluto siya ng almusal. Since, weekend at wala silang pasok ay sasamantalahin na niya ang pagkakataong makasama ang asawa. "Good morning," bati sa kanya ni Alex sabay yakap sa kanyang beywang mula sa kanyang likuran. "Ang bango naman ng niluluto ng mahal ko, ah!" bulalas nito habang nanatili itong nakayakap sa kanya. "Siyempre! Ako kaya ang nagluto," proud na proud naman niyang tugon. Masaya silang kumain ng agahan ng araw na 'yon at since weekend, namasyal silang dalawa. Matagal-tagal na rin kasing hindi nila nagagawa ang bagay na 'yon dahil sa pagiging abala sa trabaho. Nagmukha silang bagong mag-asawa sa kanilang ginawa. Sobrang saya na rin ang kapwa nila naramdaman at talagang ang sandaling 'yon ay isa sa kanilang mga ala-ala na hindi nila malilimutan. "Hi, Mr. Ramos," bati ni Xia sa kanyang ka-appointment ng araw na 'yon. Si Mr. Ramos, ang pinakauna sa listahan ng mga investors na gustong mag-invest ng kanilang kompanya sa bago nilang project. "Hello, Ms.?" "Mrs. Xia Dela Cruz from Excel Marketing," nakangiti niyang saad saka nito tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad sa harapan nito. "Nice to meet you, Mrs. Dela Cruz," saad naman ni Mr. Ramos. "Please, have a seat, Mr. Ramos," aya niya at agad naman itong napaupo sa kaharap niyang upuan. "So, what can I do for you?" tanong agad nito sa kanya matapos itong makaupo nang maayos. "Well, I'm pretty much sure that you already know about the new project of our company and I don't want to beat around the bush anymore, we want you to be our investor and it's our pleasure to work with you, Mr. Ramos," pahayag niya. Napangiti ang lalaki sa naging pahayag niya. Prangka nga siya kung magsalita. Ganito talaga siya. At isa pa, ano pa nga ba ang dahilan para magpaliguy-ligoy pa siya na kung tutuusin, doon naman talaga ang punta ng kanilang usapan dahil iyon naman ang kanyang sadya kung bakit nag-set siya ng appointed dito. "Here's our company's proposal and we make it sure that these proposal will satisfied you," confident niyang saad saka niya dahan-dahan na itinulak ang folder na dala niyang nakapatong sa mesa palapit dito na agad naman nitong kinuha saka binuklat at binasa. Habang binabasa nito ang laman ng proposal ay napatangu-tango ito na para bang nagaganahan ito sa mga nababasa. Magandang senyales iyon para kay Xia. "Well, not bad," sabi nito pagkatapos. Tumayo ito sabay lahad ng palad nito sa kanyang harapan. "I'm looking forward for the good result of our collaboration, Mrs. Dela Cruz," sabi nito. Napatingin siya sa kamay ng lalaki na nakalahad sa kanyang harapan saka dahan-dahan na gumuhit sa gilid ng kanyang mga labi ang matamis na ngiti. Agad siyang napatayo sabay abot sa kamay nito. "Thank you so much, Mr. Ramos," nakangiti niyang saad. Bago pa man umalis si Mr. Ramos ay nagpalitan muna sila ng pirma para sa nasabing collaboration nila. May ngiti sa mga labi ni Xia nang lumabas siya ng coffee shop at ang pangalawang tao na naman na nasa listahan ang target niya. "Sorry. Sorry, hindi ko talaga sinasadya," paghihingi ng paumanhin ni Nicole sa katrabaho nila nang hindi sinasadyang nabangga niya ito habang may bitbit itong kape na siyang dahilan upang tumilapon ang kape nito at nabasa pa ang katrabaho nila na may bitbit nu'n. "Sa susunod kasi matuto ka namang tumingin sa pinagdadaanan mo!" bulyaw nito na siyang nadatnan ni Xia. "Pasensiya na nga. Hindi ko talaga sinasadya," saad ni Nicole. "Anong magagawa ng sorry mo sa damit kong nabasa?" galit na tanong ng kausap nito. Habang abala si Nicole sa pakikiusap sa kanilang katrabaho ay nakatingin si Xia kay Martha na nanatiling nakaupo lamang sa harap ng mesa nito at para bang walang pakialam kung ano na ang nangyayari sa kanilang kaibigan. Talagang naninibago siya sa naging asal ni Martha. Hindi naman kasi ganito ang kaibigan niya. Kapag isa sa kanila ni Nicole ang sinasaktan noon ay talagang ipinagtatanggol silang pareho ni Martha pero iba na ang kanyang nakikita. "Your sorry is not enough to compensate of what have you done!" bulyaw nito kay Nicole at nang akma na sana nitong sasabunutan si Nicole ay agad siyang pumagitna. "Tama na, okay?" sabi niya habang pilit niyang pinipigilan ang katrabaho nila upang huwag ituloy ang binabalak nito. "Heto, you can use my coat. Just give it back to me tomorrow," aniya saka niya hinubad ang coat na suot niya na agad naman nitong tinanggap. "Pasalamat ka," baling nito kay Nicole. Napatingin siya sa kanyang kaibigan at ramdam naman niya ang galit nito nang mga sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD