Tulalang napatingin si Xia sa kanyang sarili sa harapan ng salamin.
Today is the day of being a new Xia!
Hindi niya alam kung ano nga ba ang kanyang mararamdaman kapag nagkita-kita silang lahat pati na ang kanyang asawa.
Hindi pa niya alam kung ano nga ba ang magiging reaksiyon niya. Hindi niya alam kung makakayanan ba niyang pigilan ang kanyang emosyon kapag nagkataong kukulo ang kanyang dugo sa mga ito.
Kung ano man ang magiging bunga ay wala na siyang pakialam.
Pagkalabas niya ng apartment na kanyang tintirhan ay agad din siyang naghintay ng masasakyan.
Nang may taxi nang huminto sa kanyang harapan ay bigla siyang natigilan nang maaalala niya ang kanyang asawa na nakasilip sa bintana ng kanilang sasakyan habang nakatingin sa kanya.
"Sweetie!" Nakikita niya ang matamis nitong ngiti habang nakatingin sa kanya. Ang ngiti na isa sa mga bumihag sa kanyang puso.
Pumitik ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang matamis na ngiti ng kanyang asawa.
"Sasakay po ba kayo?"
Bigla siyang bumalik sa katinuan nang marinig niya ang boses ng taxi driver habang bahagya pa itong nakasilip sa kanya nang ibaba nito ang bintana ng taxi.
"S-sorry po," aniya saka siya bahagyang pumikit.
"Forget him. Move on," bulong ng kanyang isipan saka siya nagmamadaling pumasok sa taxi at agad namang pinatakbo ng driver ang taxi papunta sa kompanya kung saan siya nagtatrabaho.
Ikinuyom niya ang kanyang kamao nang nasa harapan na siya ng kompanya na para bang nag-iipon siya nang lakas ng loob.
Kailangan niyang lakasan ang kanyang loob para maipakitang matapang siya sa kabila nang nangyari.
Nang papasok na siya sa kanilang department ay bahagya siyang natigilan nang mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw na tanaw niya ang dalawa niyang kaibigan na magkaharap habang nakaupo sa kanya-kanyang upuan ng mga ito.
Muling nandidilim ang kanyang paningin habang pinagmamasdan niya ang mga ito. Hindi niya inakala na sa kabila nang masasaya nilang pinagdaanan ay nagawa pa rin siya ng mga ito na lukuhin.
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Martha nang makita niya si Xia na nakatayo sa may bandang labasan ng kanilang department.
"Xia," tawag niya rito saka niya ito sinalubong pero napatigil na lamang siya nang nilagpasan lamang siya nito.
Napaangat naman ng mukha si Nicole nang marinig nito ang pagtawag ni Martha sa kaibigan.
Nasasaktang napalingon si Martha sa kanyang kaibigan na nagpatuloy sa paglalakad palapit sa mesa nito.
At nang nakalapit na si Xia sa kanyang mesa ay walang imik na inayos niya ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng kanyang mesa habang si Nicole naman ay lihim lamang siyang pinakikiramdaman.
Ni hindi rin nito magawang imikan siya dahil nandu'n pa rin ang tensiyong namamagitan sa kanilang dalawa.
At nang matapos ayusin ni Xia ang kanyang mga gamit ay agad siyang pumunta sa office ng kanilang manager.
Wala namang nagawa si Martha nang muli niya itong nilagpasan na para bang hindi niya ito nakikita.
"Mrs. Dela Cruz," ani Manager Santillan nang makita siya nito.
"Manager, good morning po," bati niya rito.
"How was your sleep? Are you confortable with your new room?"
"Okay lang po. Salamat nga pala para du'n."
"It's okay. It was my pleasure to help you."
"May kailangan ka ba? Umupo ka muna," aya nito sa kanya saka nito itiburo sa kanya ang upuan na nakaharap dito.
"May ipapakiusap lang po sana ako sa inyo."
"Sure! Go ahead!" nakangiti nitong saad.
"Can I change my seat?"
Napakunot ang noo ni Manager Santillan sa kanyang tanong. Alam kasi nito magmula pa noon kung gaano silang tatlo ka-close sa isa't-isa kaya nakapagtataka talaga para sa kanyang manager ang tungkol sa kanyang pinakikiusap.
"Why? Any problem?" tanong nito sa kanya habang nasa mukha pa rin nito ang pagtataka.
"Gusto ko lang po'ng baguhin ang pwesto ko."
"Then, what about your friends?"
Natahimik si Xia sa naging tanong ng kanyang manager.
Papaano ba niya ipagtatapat ang buong katotohanan?
"Okay. No, problem," sang-ayon ni Manager Santillan kahit pa nagtataka ito dahil sa kagustuhan niyang mag-iba ng pwesto.
Laging pasasalamat na lang din niya dahil maunawain ang kanyang manager.
"Xia, where are you going?" nagtatakang tanong ni Martha nang isa-isa na niyang inilipat sa kabilang mesa ang kanyang mga gamit.
Hindi niya inimikan ang kaibigan. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa kahit pa alam niyang naghihintay sa kanyang sagot ang kanyang kaibigan.
"Xia," muling tawag niya rito at nang hawakan na niya ito sa braso ay galit naman nitong iniwaksi ang kanyang kamay.
Nagkatinginan na lamang ang iba pa nilang kasamahan sa trabaho nang masaksihan ang eksenang 'yon pero ano naman ang kanilang magagawa sa away nilang magkakaibigan?
Walang nagawa pa si Martha at tanging ang pagmasdan na lamang ang kanyang kaibigan sa ginagawa nito ang kaya niya ng mga sandaling 'yon.
Habang si Nicole naman ay nanatiling nakikiramdam at wala ring nagawa dahil aminado naman siya sa kanyang sarili na may nagawa siyang mali.
Napatingin silang lahat sa labasan ng kanilang department nang biglang dumating si Alexander.
Nagtatakang napatayo si Nicole dahil sa pag-aakalang siya ang pinuntahan nito pero malaki ang kanyang pagkadismaya nang nakita niyang napatingin ito sa loob ng department na para bang may hinahanap.
Napasunod ang kanilang mga mata nang walang ano-ano'y nilapitan nito bigla ang asawa nitong si Xia na tiningnan lamang siya nang saglit nang bigla siyang dumating saka nito agad na ibinalik ang atensiyon sa ginagawa na para bang walang pakialam kung bakit siya nandito.
"Let's talk outside," pabulong nitong sabi kay Xia.
Aayaw pa sana ang kanyang asawa pero nang makita nitong nakatingin sa kanila ang kanilang mga kasamahan sa trabaho ay wala na itong nagawa pa kundi ang sumama na lamang.
Nang nakaalis na sina Alexander at Xia ay napatingin naman si Martha kay Nicole na nanatili pa ring nakatayo habang natutulala.
Bahagyang nag-bend si Martha habang nakatukod ang dalawa niyang palad sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Sa tingin mo, magtatagumpay ka sa mga binabalak mo?" tanong niya kay Nicole at napatingin naman ito sa kanya saka ito napaupo na parang walang nangyari.
"Naninibago lang si Alexander kaya hindi pa niya matanggap na iniwan na siya ng kanyang asawa," sagot naman nito habang nakatuon ang mga mata nito sa ginagawa.
"Tumigil ka na, Nicole. Tama na," may pagdidiin na sabi niya habang matatalim na tingin ang ipinukol niya rito pero nag-angat ito ng mukha at buong tapang na sinalubong ang kanyang titig.
"Panahon lamang ang maaaring makapagsabing kailangan ko nang tumigil at hindi ang isang katulad mo," anito na siyang lalong nagpainit sa kanyang dugo.
"If I had a time machine, I want to go back to the past and choose to avoid you in the first place. I want to reset everything."
Matapos sabihin ni Martha ang mga katagang 'yon ay tahimik itong nakaupo sa swevil chair nito at inasikaso ang nakaatang na trabaho para sa araw na 'yon kahit pa ang daming distractions.
Habang lihim namang tumatak sa isipan ni Nicole ang mga katagang narinig niya mula sa isang kaibigan na halos buong buhay na niya ang naging parte ito.
Masakit para sa kanya ang marinig ang mga iyon pero may magagawa pa ba siya?
Nandito na sila at kahit na anong gawin nila ay hindi na nila mababago pa ang kung ano mang nangyayari sa kanila ngayon.
Samantala, dinala ni Alexander si Xia sa rooftop ng kompanya at du'n ay kinausap niya ito tungkol sa pag-alis nito sa kanilang bahay.
"Para saan pa? Alam ko namang nagsasaya ngayon ang kalooban mo dahil wala nang sagabal sa lahat ng gagawin mo," pahayag ni Xia na may galit sa kanyang boses.
"Xia, pwede ba? Pwede bang makinig ka muna?"
Marahang imiling-iling si Xia.
"Hindi mo ba naaalala kung ano ang sinabi mo sa akin bago ako umalis?"
"Lasing ako nu'n at kung ano man ang mga 'yon, hindi ko sinasadya 'yon."
Napatawa ng pagak si Xia dahil pakiramdam niya pinaglalaruan lamang siya ng kanyang asawa. Inuuto-uto na parang bata.
Alam kasi nito kung gaano niya ito kamahal kaya ganu'n na lamang ang confident nito nang sabihing hindi nito sinasadya dahil nga siguro sa pagbabasakaling mauuto siya nito pero tama na ang lahat ng sakit na kanyang naranasan sa piling nito.
"Alex, hindi ko alam na ganyan ka pala kung mag-isip. Ano bang tingin mo sa akin? Isang bata na abutan mo lang ng isang candy ay tatahimik na kaagad mula sa kaiiyak?"
"Xia-----"Alam mo ba kung gaano kasakit ang lahat ng ginawa mo para sa akin?" agad niyang putol sa iba pa sana nitong sasabihin sa kanya.
"Nagawa ko lang naman 'yon dahil na rin sa'yo."
"Ganyan din ang sinabi mo sa akin. Sinisisi mo sa akin ang pagtataksil mo."
"Bakit, sa tingin mo ba wala kang kasalanan du'n? Kung binigyan mo sana ako ng anak noon pa, eh di sana------"Hindi mo kakalabitin ang kaibigan kong ahas? Ganu'n ba ang gusto mong sabihin?" aniya.
"Xia, sana naman subukan mo naman akong intindihin."
"Ako ba, nagawa mo rin bang intindihin?"
"Mas inuna mo ang pangarap mo kaysa sa akin. Nagawa mo akong ipagpalit sa ambition mo."
"Oo! Nangarap ako pero inisip mo ba na ang pangarap na 'yon ay para na rin sa'yo?!"
Nagsusumbatan na sila at wala nang kailangan pang itago si Xia tungkol sa kanyang nararamdaman dahil masyado na siyang nasasaktan.
Kailangan na niyang ilabas lahat upang kahit papaano ay lalakad siyang magaan ang kanyang kalooban.
"Para sa akin? Tinanong mo ba ako kung gusto ko rin ba ang pangarap mong 'yon?"
"Nangarap ako na ma-promote dahil gusto kong sabihin sa lahat na karapat-dapat ako sa'yo," aniya habang nagsisimula nang nagingilid ang kanyang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Masakit talaga para sa kanya ang lahat dahil sa kanya ibinibunton ni Alexander ang lahat nang mga nangyayari sa kanila ngayon. Oo, aminado siyang may mali siyang nagawa pero dapat bang isisi sa kanya ang lahat?
May rason naman siya kaya niya nagawa iyon pero wala na nga ba siyang karapatang pakinggan muna at subukang intindihin bago sila hahantong sa ganitong sitwasyon?