Aminado si Alexander sa kanyang sarili na nasasaktan siya at hindi niya matanggap na kaya nagkakaganito silang dalawa ngayon ni Xia ay dahil sa kanya.
Dahil sa kanya lamang!
Bakit ba hindi magawa ni Xia ang intindihin siya kahit saglit?
Lalaki lang siya at kahit na anong gawin niya, kapag ang tukso na ang lalapit ay hindi na niya ito mapipigilan pa lalo na kapag may pangangailangan din siya, pangangailangang mabigyan ng anak na noong una ay inakala niyang hindi iyon maibibigay sa kanya ng kanyang asawa.
Ang nais lang naman sana niyang mangyari ay kahit paminsan-minsan, isama rin siya ni Xia sa mga pangarap nito pero taliwas ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Para sa kanya, nangarap lamang si Xia para sa sarili nito at ni minsan ay hindi nito inisip ang kahalagahan niya bilang asawa nito.
"Para sa'yo ang pangarap na 'yon, Alex pero bakit hindi mo maiintindihan 'yon. Gusto ko lang namang ipakita sa lahat ng tao na nababagay ako para maging asawa at ina ng mga anak mo."
"Hindi mo naman kailangang ma-promote para ipakita sa buong mundo na karapat-dapat ka sa akin. Kahit ganyan ka lang, sapat ka na."
"Then, why?" maluha-luhang tanong ni Xia sa kanya habang nakikipagtitigan ito sa kanya ng mga sandaling 'yon.
"Why did you cheat on me? Bakit mo kinalabit ang kaibigan ko kung sapat na ako para sa'yo?!' singhal nito kasabay ng pagbalong ng luha nito sa magkabila nitong pisngi.
"'Cause I thought you were not able to give me a-----"Child?" agad niyang dugtong sa iba pa sana nitong sasabihin.
"Hindi ba, kasama sa pakakasalan mo sa magiging asawa mo ay ang kanyang imperfections? Pero, bakit mukhang mali ang mga sabi-sabi ng mga nakakatanda?"
"Xia..."
"Alex, hindi ko maiintindihan kung bakit nagawa mo sa akin ang pagtataksil na 'yon at ang pinakamasakit pa du'n ay kung bakit sa kaibigan ko pa."
Galit na pinahid ni Xia ang kanyang mga luha at sinubukang patatagin ang sarili kahit na ang totoo ay durog na durog na siya.
"Minahal kita. Ginawa ko ang lahat kahit nagmumukha na akong katawa-tawa pero bakit ganu'n ang naging sukli mo? Bakit parang sa akin mo pa isinisisi ang lahat?"
Muli siyang napaiyak. Sana, panaginip na lamang ang lahat. Sana, binibiro lamang sila ng kapalaran. Sana nga, ganu'n lang kadali ang lahat!
"Xia?" Hinawakan ni Alexander ang kanyang kamay habang puno ng senseridad ang mga mata nito.
"Xia, makinig ka-----"Mahal mo ba siya?" tanong niya na siyang nagpatahimik sa buong kaluluwa ni Alexander.
Mahal na nga ba niya si Nicole? Nagkaroon na nga ba ito ng special na bahagi sa kanyang buong pagkatao?
O, baka anak lang talaga ang tanging habol niya rito?
Nang hindi kaagad nakasagot si Alexander ay dahan-dahan na binawi ni Xia ang kanyang kamay na hawak-hawak ng kanyang asawa.
Parang tinusok-tusok ng libo-libong karayom ang kanyang munting puso sa isiping nahuhulog na nga ang kanyang asawa sa kanyang kaibigan!
Napatingin naman si Alexander sa kamay niya nang bawiin niya ito mula rito.
"Let's stop this," tanging salitang namutawi mula sa bibig ni Xia na siyang nagbigay ng alalahanin sa kalooban ni Alexander.
"Xia..."
"Tama na, Alex. Masyado nang masakit. Ayaw ko na."
Mabilis na ipinihit niya ang kanyang mga paa patalikod mula sa kanyang asawa.
"Give up that dream and let's start all over again."
Napatigil si Xia nang marinig niya ang gustong mangyari ni Alexander.
Dahan-dahan na muli siyang pumihit paharap dito.
"At ano ang susunod mong gagawin? Iiwan mo si Nicole matapos mo siyang pagsawaan?"
"I will as long as you do the same. Leave that f*****g dream of yours for me, to save our married life."
Napangiti si Xia. 'Yong ngiti na may kasamang pang-uuyam!
"I will," aniya, "I will leave my dream 'yon ay kung mahal pa kita."
"Xia-----"I'm sorry but I can't," agad niyang singit kahit na ang totoo ay nasasaktan na siya.
"I can't leave my dream at alam mo na kung bakit," dagdag pa niya saka na niya ito tuluyang iniwan pero bago pa man siya tuluyang nakalayo ay muling nagsalita si Alexander.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Kahit kailan naman hindi ako mahalaga sa'yo kaya go! I won't force you to stay dahil sa totoo lang, masaya ako sa kung ano man ang magiging kahihitnan ng lahat."
Lalo siyang nasaktan!
Bakit ba kahit isang beses lang ay hindi magawang aminin ni Alexander sa sarili nito ang nagawang pagkakamali?
Bakit ba kahit saglit lang ay hindi niya marinig mula rito ang salitang sorry para sa mga nagawa nitong kasalanan?
Bakit ba sa kanya sinisisi ang lahat?
Lalo siyang napaiyak nang lagpasan siya ni Alexander.
Bumalong ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi habang pinagmamasdan niya ang likuran ng kanyang asawa habang naglalakad ito papalayo sa kanya.
Hindi tuloy niya alam kung saan niya ilalagay ang sobra-sobrang sakit na kanyang nararamdaman para sa relasyong ilang taon na rin nila iniingatan magmula pa noong hindi pa sila kasal at matatapos lamang dahil sa isang pagkakamali.
Lalo tuloy nanliit si Xia sa kanyang sarili. Lagi na lang siya ang naghahabol kagaya ng kanyang ginawa noon.
Hindi ba pwedeng kahit isang beses lang ay maranasan naman niyang habulin siya ng kanyang asawa. Yayakapin at sasabihing "please, stay. I can't leave without you".
Hindi ba pwedeng siya naman ang hahabulin nito at sasabihin sa kanya ang nagawa nitong mali at mangangakong magbabago para sa kanya?
Bakit ba lagi na lang siya ang may mali? Bakit lagi na lamang siyang nasisisi? Dahil ba sa isang pagkakamaling nagawa niya ay habang-buhay na siyang magdurusa at paparusahan?
Kahit na anong hinagpis ang kanyang gagawin ay wala na siyang nagawa pa dahil heto na sila. Dumating na sila sa sukdulan kung kailan hindi dapat.
"Xia, please kausapin mo naman ako," parang batang pasusumamo ni Martha sa kanyang kaibigan na hanggang sa mga sandaling 'yon ay pinipilit pa rin siyang iwasan.
"We have nothing to talk anymore, Martha kaya pwede bang tigilan mo na ako?" aniya na para ring isang sugatan na nagmamaaakawa sa taong naging dahilan ng kanyang mga sugat.
"Xia, ayaw kong ganito tayo lagi. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin."
"At alam ko ring hindi mo 'ko kayang lukuhin pero akala lang pala ang lahat."
"Xia..."
"Salamat, Martha. Salamat sa lahat-lahat," aniya habang nakatingin siya sa kanyang kaibigan na mangiyak-ngiyak na rin.
"Gusto ko nang makalimot kaya nakikiusap ako sa'yo, layuan mo 'ko dahil sa bawat panahon na nakikita kita, naaalala ko lang ang lahat. Sa bawat panahon na nararamdaman ko ang prensence mo, bumabalik ang lahat ng sakit."
Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ni Martha dahil sa mga katagang naririnig niya mula sa bibig ni Xia.
"Please lang, give me some piece of mind," aniya saka na niya tuluyang iniwan si Martha habang umiiyak.
Wala namang nagawa si Martha maliban sa pag-iyak habang pinagmamasdan niya ang likuran ng kanyang kaibigan habang si Nicole naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawa habang bahagyang nakatago.
Galit na galit si Xia kay Martha at ramdam niya iyon at alam niyang hindi madali para kay Xia ang patawarin si Martha kaya napapaisip siya na higit pa du'n ang nararamdamang galit ni Xia para sa kanya. Galit na alam niyang wala nang kapatawarang maaaring mamahay sa puso ng kanyang kaibigan.
Nagawa lang naman niya ang bagay na 'yon dahil na rin sa isang rason na alam niyang habang-buhay niyang dadalhin at habang-buhay niyang magiging madilim na bahagi ng kanyang buhay.
Walang awa o pagkabahala ang namamahay sa kanyang puso nang malaman ni Xia ang tungkol sa kanilang dalawa ni Alexander kundi galit at pagbunyi dahil sa wakas ay nagawa rin niya ang kanyang gustong gawin.
Sana, maramdaman din ni Xia ang pakiramdam na ikaw nga ang kasama ng taong mahal mo, ibang tao naman ang nasa isipan at hinahanap-hanap.
Habang naglalakad si Xia pauwi nang gabing 'yon ay bigla na lamang siyang natigilan nang may isang lalaking bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan. Si Glendon!
Tahimik silang magkaharap na nakaupo sa isang coffee shop habang umuusok sa kanilang harapan ang mainit na kapeng sinerve sa kanila.
"Sorry," nakayukong saad ni Glendon habang siya naman ay nanatiling nakatingin dito.
"Sorry sa nagawa ni Nicole sa inyong dalawa ni Alexander," dagdag pa nito.
"So, alam mo na?" tanong niya at napatango naman ito sa kanya.
"Martha helped me to figure it out," sagot nito.
Hindi niya akalain na gagawin ni Martha iyon lalo pa at sinabi nito sa kanya that she was trying to keep that betrayal as a secret from her.
"I love Nicole and I know, you love him."
Napaiwas ng tingin si Xia dahil sa tinuran ni Glendon. Hindi naman kasi niya maitatanggi sa sarili na sa kabila ng ginawa ni Alexander ay mahal pa rin niya ito pero unti-unti nang natatabunan ng kanyang nararamdamang sakit para rito.
"I want to get her back," senserong saad ni Glendon, "...for our kid, for our family," dagdag pa nito.
"Bakit, sigurado ka bang babalikan ka pa pagkatapos niyang magpakasarap kasama ang asawa ko?" may himig ng pang-uuyam niyang tanong.
"She loves me and I feel it," confident nitong sagot.
"Bakit ka pa niya kinaliwala kung mahal ka niya?"
"Aminado akong may pagkukulang ako sa kanya kaya niya nagawa sa akin ang bagay na 'yon."
Napaisip si Xia sa sinabi ni Glendon. Kung nagawa ni Nicole ang mangaliwa dahil sa pagkukulang ni Glendon, ganu'n din ba si Alexander?
Kaya ba ito nangaliwa dahil sa may pagkukulang siya bilang asawa nito? Pero, saan naman siya nagkulang?
"Do you want to take a revenge?"
Napatingin siya nang diretso sa mga mata ni Glendon dahil sa naging tanong nito sa kanya.
Oo, gusto niyang maghigante. Gusto niyang maramdaman ng dalawa ang sakit na kanyang naramdaman nang malaman niya ang pagtataksil ng mga ito.
"Gusto ko but I don't know how. "
"I will help you."
May pagtataka sa mukha ni Xia nang muli siyang napatingin sa kanyang kausap. Hindi niya aakalain na tutulungan siya nito gayong alam naman nito na maaaring masaktan niya ang babaeng mahal nito.
Isa lang din naman ang gustong mangyari ni Glendon, ang mare-realize ng kanyang asawa ang kanyang kahalagahan sa oras na nawala na siya sa piling nito. Gusto niyang darating ang pagkakataon na kusa itong babalik sa buhay niya upang ayusin ang anumang sigalot na namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.