CHAPTER 38

1763 Words
"Thank you for your time today," saad ng president ng kompanyang pinagtatrabahuan kung saan nagtipon-tipon sina Alexander at ang iba pa niyang mga kasamamg directors para sa isang meeting. "Today, I want to meet you our all new investors for our new project na ilu-launch next month if possible. Please, welcome them," ani ng kanilang president at iniisa-isa nitong tinawag ang mga ito na galak naman sa pusong binati nina Alexander ang mga iyon. "Mr. Carlos is still in the US that is why, he can't be with us. So, he sent his godson on his behalf. Please, welcome Mr. Glendon Carballes." Parang napako si Alexander sa kanyang kinatatayuan nang marinig niya ang pangalan ng asawa ni Nicole at lalo siyang hindi makapaniwala nang nakita na niya si Glendon na nakangiti habang nakatayo sa kanilang harapan. "I am so glad to be part of this company," nakangiting saad ni Glendon habang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang lahat habang siya naman ay halos hindi makagalaw sa pagtataka. Napako ang tingin ni Glendon nang napatingin ito sa kanya. "Mr. Dela Cruz, you are here," sabi nito na para bang hindi nito alam na dito sa kompanyang 'to siya nagtatrabaho bilang isang director. "He is one of the directors of our company. Do you him?" tanong ni Mr. President kay Glendon. "We just met once in an event we both attended," pagsisinungaling nito na siya namang labis na ikinataka ni Alexander dahil in the first place, alam ni Glendon na dito siya nagtatrabaho at magkaibigan pa silang dalawa. "Oh! I'm glad to know that," bulalas ng president at sapilitan namang napangiti si Alexander bilang pagpapakita ng galak nang muli niyang nakita si Glendon kahit na ang totoo, puno na ng pagdududa ang kanyang isipan dahil sa biglaan nitong pagsulpot. "Nice to meet you again, Mr. Carballes," nakangiti niyang saad sabay lahad ng kanyang kanang palad sa harapan ni Glendon. Nakita naman niya kaagad ang paglitaw ng kakaibang ngiti sa gilid ng mga labi nito na siyang lalong nagpadagdag ng kakaibang palaisipan sa kanya. "Nice to meet you again, Mr. Dela Cruz," sabi nito sabay tanggap sa kanyang kamay. Bahagyang pinisil ni Glendon ang kanyang palad na para bang sinasabi nitong talasan na niya ang kanyang pakiramdam sa mga susunod pang mangyayari. Agad niyang binitiwan ang kamay nito at napangiti naman si Glendon du'n saka ito nilapitan isa-isa ang iba pang mga directors na nandu'n. Hindi na mapalagay pa si Alexander sa kanyang mga iniisip. Alam niya, ramdam niyang may mas malalim na dahilan si Glendon kung bakit nandito 'to ngayon. Habang para nang mababaliw sa kaiisip si Alexander sa mga maaaring dahilan kung bakit naparito sa kompanyang tinatrabahuan niya ang kanyang kaibigan ay lihim namang napipigil si Glendon sa kanyang sarili dahil ang totoo, kanina pa niya gustong manapak ng tao nang napadako ang kanyang mga mata sa kalaguyo ng kanyang asawa. Babawiin niya si Nicole at kung sakali mang hindi niya iyon magagawa, sisiguraduhin niyang pagsisihan ng dalawa ang panluluko na ginagawa ng mga ito sa kanilang dalawa ni Xia na wala namang ginawa kundi ang magmahal lamang. "Magre-resign daw si Martha?" Natigilan si Xia sa kanyang narinig mula sa kanyang katrabaho nang araw ding 'yon habang nakatutok siya sa kaharap niyang computer. Nag-uusap ang mga ito habang si Nicole naman ay natigilan din sa narinig. "Bakit daw?" tanong naman ng isa. "Ewan. Basta nakita ko siya kanina na may inabot kay Manager Santillan." "Paano mo naman nasabi na resignation letter 'yon?" "Narinig ko kasi silang nag-usap ni Manager Santillan." "Bakit kaya?" nagtatakang-tanong ng mga ito. "Nicole, bakit aalis si Martha?" baling ng mga ito kay Nicole na siya namang bahagya nitong ikinagulat. "Huh? Ah..." Napatingin si Nicole kay Xia na ngayon ay nakayuko na at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. Nagkukunwaring walang pakialam kahit na ang totoo ay nakikinig siya sa usapan ng mga ito. "P-personal lang. Ayaw din niyang pag-usapan," ani Nicole habang si Xia naman ay palihim na natigilan mula sa kanyang ginagawa. "Xia, please kausapin mo naman ako." Naaalala niyang pakiusap sa kanya ni Martha kahapon matapos silang magsumbatan ni Alexander sa rooftop ng kompanya. "We have nothing to talk anymore, Martha kaya pwede bang tigilan mo na ako?" Nasasaktan siya sa mga pinagsasabi ni Alexander sa kanya nang mga sandaling 'yon kaya ganu'n na lamang ang naging reaksiyon niya sa pakiusap ng kanyang kaibigan. "Gusto ko nang makalimot kaya nakikiusap ako sa'yo, layuan mo 'ko dahil sa bawat panahon na nakikita kita, naaalala ko lang ang lahat. Sa bawat panahon na nararamdaman ko ang prensence mo, bumabalik ang lahat ng sakit." "Please lang, give me some peace of mind." Kaya ba aalis ito sa trabaho ay dahil sa kanyang pakiusap? Hindi ba dapat matutuwa siya? Pero, bakit parang nabibigatan pa ang kanyang dibdib para rito? Kahit gaano kasama ang kanyang loob para kay Martha ay nakokonsensiya pa rin siya kahit papaano sa kanyang ginawa. "Xia, may alam ka ba?" baling naman ng mga ito sa kanya. Napaangat ng mukha si Nicole at napatingin ito sa kanya na para bang naghihintay din ng kanyang magiging sagot dahil kahit si Nicole ay wala ring alam kung bakit bigla-bigla na lamang ang decision na ginawa ni Martha para aalis sa trabaho nito kahit pa alam nila kung gaano ito ka-dedicated sa mga ginagawa nito sa loob ng kompanya. "Wala akong alam," malamig niyang sagot saka niya muling itinuon ang atensiyon sa kanyang mga ginagawa. Kinuha ni Xia ang folder na nasa ibabaw ng kanyang mesa na hinihingi mula sa kanya ng kanilang manager. Agad siyang lumabas para puntahan si Manager Santillan sa opisina nito pero bago pa man siya nakarating ay bahagya siyang natigilan nang makita niya si Martha mula sa unahan at papunta ito sa kanyang direksiyon. Napahinto ito nang makita siya at alam niyang marami itong gustong sasabihin sa kanya pero wala itong sapat na lakas ng loob para gawin iyon dahil baka sa takot na kapag sinubukan pa nitong ungkatin ang lahat ay magagalit lamang siya. Pinilit niya ang kanyang sariling ipakitang hindi siya apektado. Mabilis na muli niyang inihakbang ang kanyang mga paa palapit dito habang nanatiling nakatayo lamang si Martha at nakatuon sa kanya ang mga mata. At nang nalagpasan na niya ito ay bigla namang nagsalita ang kanyang kaibigan. "Aalis na ako," sabi nito na siyang nagpatigil sa kanya mula sa kanyang paglalakad. "Gagawin ko 'to para sa hinihingi mong katahimikan," dagdag pa nito. Mabigat din para kay Martha ang lahat pero handa niyang gagawin iyon para lamang maibigay niya kay Xia ang katahimikan na hinihingi nito. Aminado rin kasi siya sa kanyang sarili na kahit bali-baliktarin man ang mundo, may pagkakamali rin naman siyang nagawa rito kaya hiling niya na sana kahit sa ganitong paraan ay makabawi naman sita at ma-realize ni Xia ang kanyang pagsisisi. "Sana, this time maibigay ko na sa'yo ang hinihingi mong katahimikan," pagkakatuloy pa rin nito habang halatang-halata na sa boses nito na gusto nang tumulo ang mga luha nito. "But, if you need someone to be there for you. If you need a shoulder to lean on, just give me a beep and I'll be there for you mo matter what," madamdaming saad nito at kahit dalang-dala naman si Xia sa mga sinasabi nito ay nanatili ay kanyang katigasan. Ayaw kasi niyang ipakita sa lahat na isa siyang taong madaling mauto sa isang matamis na salita. "Don't worry, I can handle myself. Good luck. Hoping for your happiness and succesa in life despite of what had happened," aniya saka mabilis niyang inihakbang ang kanyang mga paa palayo rito. Tuluyan namang tumulo ang mga luha ni Martha kasabay ng ginawa niyang paglingon sa kanyang kaibigan na ang likuran na lamang nito ang kanyang nakikita hanggang sa tuluyan na nga itong nawala sa kanyang paningin. Hindi siya galit kay Xia, sa sarili niya siya nagagalit! Pero, kahit na anong gagawin niya ay wala nang magbabago pa dahil nangyari na ang mga bagay na hindi naman dapat mangyari. Nang sumapit ang tanghali ay nagsilabasan na rin ang iba pa nilang mga kasama para naman mananghalian at matapos ayusin ni Xia ang mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang mesa ay agad din siyang naglakad palabas para  sa kanyang pananghalian pero bago pa man siya nakalabas ay agad siyang hinarang ni Nicole. Agad siyang napaiwas ng tingin sabay irap dito para ipakita rito na naiinis siya rito. "Sabihin mo nga ang totoo, dahil ba sa'yo kaya magre-resign si Martha?" Lalo siyang na-badtrip nang humalikipkip sa boses ni Nicole ang pagiging bossy nito dahil sa tanong nito sa kanya na para bang wala itong ginawa sa kanya na ikakasuka niya na kung tutuusin ay ito dapat ang aalis sa trabaho at hindi si Martha. "Bakit? Nakokonsensiya ka ba kung bakit si Martha ang umalis instead na ikaw?" painsulto niyang tanong at nakita niya kung papaano sumama ang facial expressions ni Nicole. "Bakit ako makokonsensiya? Wala naman akong ginawa na dapat kong ikokonsensiya, di ba?" Napatawa siya ng pagak dahil hindi niya inaakalang kakayanin pa pala nitong bibigkasin ang mga katagang 'yon sa kabila ng nagawa nito sa kanya. "Tama nga ang sinasabi nila na kapag kabet, makakapal ang mukha." Parang bombang sumabog sa tenga ni Nicole ang katagang ayaw na ayaw niyang marinig kaya mabilis na itinaas niya ang kanyang palad para sampalin si Xia nang maramdaman nito ang galit na kanyang nararamdaman nang tawagin siya nitong kabet. "Xia!" Napatigil si Nicole habang nanatiling nakataas ang kanyang kanang palad at hindi niya iyon nagawang ilapat sa pisngi ni Xia nang walang ano-ano'y narinig niya ang boses ng kanyang asawa mula sa labas ng kanilang department. "Glendon, you're here!" nakangiting saad ni Xia at mabilis na nilapitan niya ito habang nakatayo ito sa may pintuan. "Why  are you here?" tanong ni Xia kahit na ang totoo ay alam na nito ang dahilan. "I have an important matters to be done today here kaya nandito ako ngayon," sagot naman nito. "Do you want to have a lunch with me?" tanong ni Glendon. "Sure," maagap na sagot ni Xia saka niya binalingan si Nicole. "Your husband inviting me for a lunc, do you want to come with us?" Dahan-dahan na ibinaba ni Nicole ang kanyang kamay saka niya matapang na hinarap ang dalawa. "No need dahil may ka-lunch naman ako," sagot niya saka siya bumalik sa kanyang mesa. Nagkatinginan sina Xia at Glendon saka walang pag-aalinlangang iniwan si Nicole. Nagpupuyos naman sa galit na napatingin si Nicole sa pintuan kung saan nakatayo kanina ang dalawa. Bakit nandito si Glendon? Tanong na hindi niya mahanapan ng tanong. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD