Tahimik lamang na magkatabing nakatayo sa loob ng elevator sina Xia at Glendon habang hinihintay nilang makababa na sila sa ground floor.
Nang bumukas na ang pintuan ng elevator ay agad na naunang lumabas si Xi at kasunod naman si Glendon.
Napatigil naman si Alexander sa kanyang paglalakad nang hindi niya inaasahang makikita sina Xia at Glendon na magkasamang lumabas ng kompanya.
Napakunot ang kanyang noo sa pagtataka kung bakit magkasama ang dalawa. May iba ibig sabihin ba ang mga ikinikilos ng mga ito?
Ano ba talaga ang dahilan ni Glendon kaya ito pumasok sa kompanya?
"Okay ka lang?" tanong ni Glendon kay Xia nang nasa loob na sila ng kainan nang mapansin nito ang pagkatigagal niya.
"Iniisip ko lang si Martha."
"Bakit, anong nangyari sa kanya?"
"Nag-resign siya," matipid niyang sagot.
"Bakit?"
"Dahil sa akin. Pakiusapan ko siya na kung maaari, hindi na siya magpapakita pa sa akin," pagtatapat niya habang nakatuon sa labas ang kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga na lamang si Glendon nang marinig niya ang kanyang sagot.
Hindi niya masisisi si Martha kung nagawa nito ang magsinungaling kay Xia tungkol sa pagtataksil nina Alexander at Nicole at hindi rin niya masisisi si Xia kung nakapagbitaw ito ng masasakit na salita sa harapan ni Martha.
Nasaktan lamang ng lubos si Xia kaya ganu'n na lamang katalas ang kanyang dila sa mga panahon na 'to.
"It's okay. Let's just ignore it. Ginusto niya ang kanyang ginawa kaya don't blame yourself, okay?"
Napatingin si Alexander sa kamay ni Glendon nang hawakan nito sa balikat ang kanyang asawa.
Yes! He followed them dahil naiintriga na siya kung bakit magkasama ang dalawa at heto, nakita niya ang mga ito na magkasama sa loob ng isang kainan para sabay mananghalian.
Buong buhay na inilaan niya sa kompanya, Xia never ask him to eat together during lunch time tapos ito, may gana pang sumama sa ibang lalaki para lang mananghalian.
Nananadya ba ito para lang pagselosin siya o kaya magkasama ang dalawa dahil gumaganti ang mga ito?
Lihim na lamang siyang napatawa. Ang akala siguro ni Xia ay maaapektuhan siya sa mga ginagawa nito pero hindi! Sinisiguro niyang hindi siya maaapektuhan sa anumang gagawin nito pero bakit iba naman ang isinisigaw ng kanyang puso?
Habang nagmumukha na siyang spy sa kanyang ginagawa ay tulala namang nakatitig si Nicole sa mukha ng kanyang asawa sa kanyang phone. Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang eksenang kanyang nakita kanina na siyang dahilan kaya halos lalamunin na siya ng galit ngayon.
Hindi siya papayag na magagawa ni Xia ang gusto nito. Alam niyang gumaganti lamang ang mga ito kaya gagawin din niya ang lahat ng kanyang magagawa para hindi magtatagumpay ang mga ito.
Nagpatuloy ang buhay nilang lahat. Tuluyan nang umalis sa kompanya si Martha para lamang pagbigyan ang hiling ng kanyang kaibigan na kanyang nasaktan at sinuportahan naman siya ng kanyang asawa.
Habang sina Xia at Nicole naman ay tuluyan nang napalayo ang loob para sa isa't-isa. Ni isa man lang sa kanila ay walang balak na maunang kumausap para naman magkabati na sila.
This time, ayaw ni Xia na siya ang unang lulunok ng kanyang pride for the sake of their friendship dahil sa totoo lang, siya ang nasaktan, siya ang biktima kaya dapat lang na hindi siya ang unang susuko at wala na siyang pakialam kung ano man ang sasabihin ng ibang tao sa kanilang lahat.
Habang si Nicole naman ay nanatiling matigas kahit pa alam niya sa kanyang sarili na mali siya. Nais lamang niyang maramdaman na kahit papaano ay mahihigitan niya si Xia.
Sa kanilang tatlo kasi, mas nangingibabaw si Xia. Nakatuon lago rito ang atensiyon ng ibang tao. Lagi na lamang ito ang nakikita ng mga taong nasa paligid nito.
Kaya ngayon, matapos niyang agawin ang asawa nitong si Alexander, aagawin din niya ang promotion na hinahangad nito upang sa ganu'n tuluyan na itong mawalan ng kwenta sa mga mata ng ibang tao lalo na kay Alexander.
Alam naman kasi niyang mahal pa rin ito ni Alexander, hindi man nito sinasabi sa kanya ay nararamdaman naman niya kung ano ba talaga ang gusto nito.
Si Glendon naman ay ipinagpatuloy ang mga pinaplano kahit pa nasa puso niya ang pangamba na hindi magiging epektibo ang kanyang mga plano.
"Why are here?" tanong ni Alexander kay Glendon nang makita niya ito sa loob ng kompanya ng gabing na 'yon kahit na wala naman itong appointment.
"May yayain lang akong mag-dinner bago umuwi," sagot naman nito.
"Stop making a mess, Glendon," sabi niya sa boses na para bang binabalaan niya ito na kung sakali mang may gagawin ito ay talagang hindi niya ito mapapatawad, hindi niya ito mapapalagpas lamang.
Napatawa naman ng pagak si Glendon na para bang mas pinapainis pa siya sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya na hindi ito natatakot sa kanya.
"You did it first. Sa tingin mo ba, wala akong karapatang gawin din 'yon?"
Bahagyang inihakbang ni Glendon palapit ang kanyang mga paa kay Alexander para mas lalo pa niya itong mapipikon.
"Maaari mo namang angkinin ng buong-buo ang asawa kong si Nicole pero siyempre, may kapalit..." Tiningnan ni Glendon sa mga mata si Alexander na para bang binabasa niya ang magiging reaksiyon nito.
"...I want Xia as a compensation."
Palihim na umigting ang panga ni Alexander nang marinig niya ang huling naging saad ni Glendon.
Ano bang tingin ni Glendon sa kanyang asawa? Isang bagay na pwedeng i-swap kapag gugustuhin? Isang bagay na maaaring i-barter kapag ayaw na sa nakasanayan?
"Sa tingin mo, papatol sa'yo si Xia? Hinding-hindi mangyayari 'yon," aniya habang nasa kalooban niya ang confident na kahit na anong gawin ni Glendon ay hindi ito makukuha si Xia dahil noon pa man, alam na niyang walang interes dito ang kanyang asawa.
"Talaga?" tanong din ni Glendon sabay tingin sa may bandang likuran niya at dahil naintriga siya ay napalingon na rin siya sa kanyang likuran at nakita niya ang kanyang asawang naglalakad palapit sa kanila na may ngiti sa mga labi.
"Glendon?"
"Hi, let's go?" aya nito sa kanyang asawa.
"Okay," agad namang sagot ni Xia saka mabilis siya nitong nilagpasan na para bang hindi siya nito nakikita.
Mabilis na pinigilan niya sa braso si Xia at nagulat naman itong napatingin sa kanya.
"What are you doing?" galit na tanong niya rito.
"Ikaw, anong ginagawa mo?" balik-tanong ni Xia saka ito napatingin sa kanyang kamay na nakahawak pa sa braso nito.
Dahan-dahang tinanggal ni Xia ang kanyang kamay saka siya nito hinarap.
Napangiting muli niyang ipinihit ang kanyang katawan patalikod sa kanyang asawa na nagtataka sa kanyang mga inasal.
Nang aalis na sana ang dalawa ay siya namang pagdating ni Nicole.
"It's good that these two are here so, can we have our dinner together? The four of us. What do you think?" tanong ni Nicole at saktong napalingon si Xia sa mga ito ay siya namang pagpulupot ng kamay ni Xia sa braso ng kanyang asawa.
Hindi na nahiya ang bruha kahit pa alam ng lahat ng mga taga-kompanya na asawa niya si Alexander.
Nakangiti pa itong napatingin sa kanya at lalo pa nitong isiniksik ang sarili sa kanyang asawa nang makita nitong napatingin siya sa kamay nito.
Habang si Glendon naman ay konti na lamang at kakainin na ito ng selos.
"Okay, let's go," aya naman ni Glendon at walang ano-ano'y pinagdaop nito ang kamay nito kay Xia na siyang ikinabigla ni Xia.
Walang nagawa si Xia kundi ang mapasunod na lamang nang bahagya siyang hilain ni Glendon palabas ng kompanya at kahit gaano man niya kagustong lingunin si Alexander para alamin kung ano na ang nagiging reaksiyon nito ay hindi niya magawa dahil baka mahahalata lamang silang dalawa ni Glendon na pinlano lamang nila ang lahat.
Napatingin naman si Alexander sa kamay ng dalawa at hindi niya napigilan ang sariling makaramdam ng kung anong damdamin na hindi niya naman nararamdaman noong maayos pa ang pagsasama nilang dalawa ni Xia.
Habang si Nicole naman ay lihim na nanggagalaiti sa galit at selos. Pero, kailangan niyang maging cool, kailangan niyang umasta na parang hindi apektado kahit na ang totoo ay gusto na niyang kumalbo ng tao ng mga sandaling 'yon.
"Thank you," nakangiting saad ni Xia matapos ilapag ng waiter ang kani-kanilang mga in-order.
Magkatabi silang dalawa ni Glendon habang kaharap naman nila ang magkatabing sina Alexander at Nicole.
Sa mga mata ng mga taong walang alam sa mga nangyayari sa pagitan nilang apat ay para lamang silang normal na magnobyong magkasamang kumakain.
"Eat more dahil alam kong marami kang trabaho sa loob," saad ni Glendon habang sinasalinan niya ng pagkain si Xia habang si Alexander naman ay lihim na nakangiting may bahid ng selos.
Halos hindi rin makatingin nang diretso sa kanila si Nicole dahil baka hindi na ito makapagtimpi pa sa nararamdaman.
Napatingin naman si Alexander sa kanyang pinggan nang biglang sinalinan siya ng pagkain ni Nicole.
"Allergic siya niyan, hindi mo ba alam?" tanong ni Xia na siyang nagpatigil kay Nicole sa ginagawa nito.
"Sorry, hindi ko alam na allergic ka pala nito," saad ni Nicole habang nakatuon kay Alexander ang mga mata.
"Okay lang," maagap namang sagot ng kanyang asawa.
"Mukhang sa pagkalabit ka lang ng may asawa magaling, ah," pangangantiyaw ni Xia na siyang nagpainit sa ulo ni Nicole.
Matatalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya at talagang halatang-halata rito ang pagpipigil para hindi ito makagawa ng gulo.
"Hindi siya kumakain ng maanghang," mabilis na awat ni Alexander kay Glendon nang nakita niyang sinalinan nito ng pagkaing maanghang ang kanyang asawa.
Napatingin si Glendon kay Xia na para bang nanghihingi ng paliwanag kung tama ba ang sinabi ni Alexander.
"Hindi talaga ako mahilig sa mga maaanghang pero lahat naman ng tao nagbabago..." aniya saka niya binalingan ng tingin ang kanyang asawa na kasalukuyang nakatingin sa kanya, "...hindi ba?"
Napaiwas ng tingin si Alexander sa kanyang huling sinabi at ramdam nilang guilty ito.
Muling napatingin si Alexander sa kanyang asawa nang kumain ito ng maanghang na pagkaing inilagay ni Glendon sa pinggan nito.
Gusto man niya itong suwayin dahil sasama ang tiyan nito kapag kakain ito nang maaanghang na pagkain pero wala na siyang nagawa pa.