Halo-halo ang damdamin na bigla na lamang bumalot sa buong pagkatao ni Xia sa kanyang nakita.
"Xi, what's wrong?" tanong ni Martha sa kanya nang mapansin nito ang kanyang pagkatigagal habang nakatingin siya sa lipstick na pagmamay-ari ni Nicole.
Nang tingnan niya ito ay nakita niyang napatingin ito sa lipstick na hawak niya.
"W-wala," aniya saka niya mabilis na ipinasok sa bag ni Nicole ang lipstick nito at nanghihinang napaupo siya sa kanyang upuan.
Mabilis namang inayos ni Martha ang gamit ni Nicole sa mesang kaharap ni Xia habang si Xia naman ay wala pa rin sa tamang pag-iisip dahil sa posibilidad na nasa isipan niya na totoo ang text message na kanyang natanggap at baka ang taong tinutukoy sa text message na 'yon ay walang iba kundi ang kanyang kaibigang si Nicole.
"May problema ba?" tanong ulit sa kanya ni Martha nang nakaupo na ito sa upuang katabi lamang niya.
Nang sasagot na sana siya ay bigla naman itong nagsalita.
"Siyanga pala, dala ko na pala ang lipstick na gusto mong makita."
Mabilis na kinuha nito sa loob ng bag nito ang tinutukoy nitong lipstick at nang iabot na nito sa kanya ay mabilis niya itong kinuha at nang napagtanto niyang pareho ang lipstick nito sa lipstick na pagmamay-ari ni Nicole at ang lipstick na kanyang nakita sa bulsa ng tuxedo ng kanyang asawa ay labis namang napakunot ang kanyang noo.
"Magkapareho pala kayo ng lipstick ni Nicole," aniya at nakita niyang medyo napaawang ang mga labi ni Martha.
"Ano kasi 'yan, ah..."
Napatingin siya nang maigi sa kanyang kaibigan.
"D-dalawa kasi ang binili ni Marco niyan tapos... tapos ibinigay ko kay Nicole ang isa kasi... kasi naawa ako sa kanya. Alam mo naman ang sitwasyon niya, walang asawang magbibigay sa kanya ng mga ganitong bagay."
Natahimik siya saglit nang marinig niya ang paliwanag ni Martha. May punto naman ang kanyang kaibigan.
Nakakaawa nga si Nicole pero nagawa pa niya itong pagdududahan. Masisisi ba siya kung ganu'n ang kanyang nararamdaman? Tao lang siya at kahit na anong pilit ang kanyang gagawin, mararamdaman at mararamdaman pa rin talaga niya ang ganu'ng bagay.
Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit may ganu'ng lipstick din ang kanyang asawa at bakit hindi nito ibinigay sa kanya?
"May iba pa bang problema?" muling tanong ni Martha sa kanya.
Itinulak niya ang inuupuan niyang swevil chair paharap sa kanyang kaibigan dahil may iilang katanungan lamang siyang nais na mabigyang linaw.
"Ano kasi... si Alex, may ganu'ng lipstick din kaso hanggang ngayon, hindi pa rin niya ibinigay sa akin kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip na baka, para sa ibang babae ang lipstick na nakita at hindi para sa akin," aniya sa mahinang boses.
"Actually..."
May alam ba si Martha tungkol sa lipstick na kanyang nakita sa kanyang asawa?
"...magkasama silang dalawa ni Marco nang bumili sila nu'n at bumili siya ng isa para sa'yo," sabi nito habang nanatili siyang nakatingin dito.
"Kaso... gusto niyang ibigay sa'yo 'yon sa birthday mo na."
Napaawang ang kanyang mga labi sa ipinagtapat ni Martha.
Nakahinga siya nang malalim sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na ganu'n pala iyon habang siya naman ay puro pagdududa ang alam.
"Huwag mong sasabihin sa kanya na sinabi na namin sa'yo, huh? Baka kasi madi-disappoint siya sa amin. Surprise pa naman sana niya iyon sa'yo."
Ibinalik ni Xia ang kanyang swevil chair sa dati nitong ayos matapos niyang marinig ang lahat.
"Ano bang pinaggagawa mo, Xia?" nagi-guilty niyang tanong sa kanyang sarili.
Pinagdududahan niya ang mga taong hindi naman niya dapat pagdududahan.
Bakit ba ganu'n na lamang ang takbo ng kanyang utak? Malaking pagkakamali na ang kanyang mga nagawa sa kanyang mga kaibigan pati na rin sa kanyang asawa na walang ibang ginawa kundi ang sorpresahin siya sa mahalagang araw ng kanyang buhay.
Katatapos pa lamang niyang maligo nang gabing 'yon. Nauna siyang umuwi dahil marami pang ginagawa ang kanyang asawa sa kompanya.
Nang binuksan niya ang pinakaibabang drawer niya ay tumambad sa kanya ang kanyang ginagamit na contraceptives pills.
Yes! Gumagamit siya ng birth control dahil ayaw pa niyang magkaanak pero ang bagay na 'yon ay hindi alam ng kanyang asawa. Siya lamang ang may alam tungkol du'n.
Gusto niyang ma-promote muna siya bago siya magkaanak. 'Yon talaga ang kanyang plano sa buhay na hindi alam ni Alex.
Alam din niya na kapag nalaman ni Alex ang tungkol sa kanyang ginawa, paniguradong sasabog ito sa galit.
Malapit na rin ang promotion kaya ito na siguro ang tamang panahon para tigilan na niya ang paggamit ng birth control para naman magkaanak na sila.
Titigilan na niya ito para maibigay na niya ang pangarap ni Alex na makabuo ng sariling pamilya. Pangarap din naman niya ito. Nais din naman niyang makabuo ng sariling masayang pamilya sa piling ni Alex.
Muli niyang ibinalik ang contraceptives pills sa kanyang kinalalagyan saka niya inayos ang kanyang sarili.
Matapos patayin ni Alex ang makina ng sasakyan sa kanilang garahe ay agad siyang pumasok sa bahay nila pero ang ipinagtataka niya ay nakapatay lahat ng ilaw sa loob ng bahay.
Hindi pa ba umuuwi ang kanyang asawa? Bakit madilim pa rin ang loob ng kanilang bahay?
Sinubukan muna niya itong tawagan pero hindi naman ito sumasagot na siyang nagbigay sa kanya ng pag-aalala.
At nang buksan na niya ang main door nila ay tumambad sa kanyang harapan ang mga kandila na nasa sahig nakatindig at nakaporma pa itong daan. s
Sinubaybay naman niya ito hanggang sa nakarating siya sa kanilang dining area at du'n nakita niya ang kanyang asawang nakatayo at nakatingin sa kanya.
"Welcome. Dinner is ready," nakangiting saad ni Xia.
"Para saan 'to?" nagtatakang-tanong ni Alex sa kanya.
Lumakad siya palapit dito saka niya hinubad ang suot nitong tuxedo saka niya pasampay niyang isinabit sa likod ng upuan saka niya ito bahagyang hinila pagkatapos ay sinenyasan niya ang kanyang asawa na umupo.
Nagtataka namang napasunod si Alex.
"Anong meron?" tanong nito sa kanya habang nakasunod ang mga mata nito nang lumapit siya sa upuan na kaharap nito.
"Wala lang. Gusto ko lang magpaka-romantis ngayong gabi sa asawa kong napakasipag at masinop sa buhay."
Nagsalin siya ng wine sa dalawang cabernet red wine glasses habang nanatiling nakamasid sa kanya ang kanyang asawa na hindi pa rin makapaniwala sa nagaganap.
Though, malambing siyang tao pero hindi naman niya nagagawa ang mga ito simula nang naging mag-asawa na silang dalawa kaya hindi na nakapagtataka kung naguguluhan pa rin si Alex sa kanyang mga ginagawa.
"Let's eat," aniya saka niya sinalinan ng pagkain si Alex at ganu'n din ang ginawa nito sa kanya.
Masaya silang kumain nang gabing 'yon at alam nila sa isa't-isa na hindi nila malilimutan ang ganu'ng sandali.
Nagising kinabukasan si Xia dahil sa lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo at nang imulat niya ang mga mata ay ang sinag ng araw ang siyang sumalubong sa kanyang paningin.
Bumangon siya saka siya napalingon sa paligid. Malamang si Alex ang nasa loob ng banyo, naliligo.
Kinusot niya ang kanyang mga mata saka siya napainat habang nakapikit pa siya at nang inimulat na niya ang kanyang mga mata ay siya namang paglapat ng mga labi ni Alex sa kanyang mga labi.
"Good morning," bati nito sa kanya at talagang hindi nakaligtas sa kanyang pang-amoy ang mabangong sabong ginamit nito.
"Wake up, we're gonna be late," dagdag pa nito.
Nakatingin siya sa alarm clock na nasa ibabaw ng side table at nang makita niya ang oras ay labis ang kanyang pagmamadali.
"Why didn't you wake me up?" tanong niya habang nagmamadali siyang bumaba ng kama habang balot na balot ang kanyang katawan sa kumot dahil hubo't-hubad.
Bigla siya nitong niyakap mula sa kanyang likuran at saka bumulong.
"I know, you are tired about what happened last night."
"Eh, paano kasi, nakailang round ka kagabi," kunwa'y nakasimangot niyang saad pero ang totoo, wala naman siyang pinagsisihan.
"Paano naman kasi, you're so perfect last night," saad naman nito habang nanatili pang nakayakap sa kanya. "I want to do it again right now."
Agad niyang inilayo ang kanyang sarili sa manyak niyang asawa dahil baka hindi na sila makakapasok pa sa trabaho.
"Male-late na tayo," aniya saka siya agad na pumasok ng banyo at napangiti naman si Alex sa naging reaksyon niya.
"Sabay tayo uuwi mamaya, huh," bilin ni Alex sa kanya matapos siya nitong halikan sa noo.
Napatango naman siya saka mabilis na lumabas siya ng sasakyan pero bago pa man siya tuluyang nakalabas ay muli siyang niyakap ng asawa.
"Happy birthday," pabulong nitong sabi sa kanya.
Bahagya niyang inilayo ang kanyang katawan dito saka niya ito tiningnan.
"Thank you," nakangiti niyang saad sabay halik sa mga labi nito at bago pa man siya nakalayo ay biglang hinawakan ni Alex ang bandang likuran ng kanyang ulo at tinugunan ang kanyang halik na napunta sa malalim na halikan. Mabuti na lang at tinted ang sasakyan nila kaya safe sila at hindi sila nakikita mula sa labas.
Mabilis na pinutol niya kaagad ang halikang 'yon bago pa man mauwo iyon sa kung saan-saan saka agad na siyang lumabas ng kotse.
Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan niya ang papalayong asawa.
Ipa-park pa ni Alex ang sasakyan sa basement ng kompanya kaya sa harapan ng kompanya siya nito laging ibinababa.
"Happy birthday!" sigaw ng kanuang mga kasama sa trabaho pati na ng dalawa niyang kaibigan kasabay ng pagpapaputok ng mga ito ng confetti.
"Thank you so much," nakangiti niyang saad.
"Hey! Anong birthday gift ni Mister?" tanong ni Martha na may kasama pang kindat.
"Tumigil ka nga," nakangiti niyang saway at napatawa na lang din silang lahat.
Buong maghapon silang abala at subsob sa trabaho. May mga new projects na ilu-launch ang kompanya kaya pati ang department nila ay naging abala rin pero pagsapit ng uwian ay sabay silang dalawa ni Alex pumunta sa bahay nina Martha kung saan nila napagkasunduang ise-celebrate ang birthday nilang dalawa ni Marco.
"Happy birthday!!" sabay-sabay na sigaw ng lahat.
"Thank you."
"Thank you."
Halos sabay pa nilang sabi ni Marco habang parehong hindi mawala-wala ang matatamis na ngiti sa kanilang mga labi.
Makalipas ang ilang sandali, habang nagsasaya silang lahat ay hindi mahagip ng kanyang mga mata si Alex kaya nagpasya siyang hanapin ito hanggang sa napadpad siya kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan.
Agad siyang napaiwas ng tingin nang may dalawa siyang nakitang tao na nagyayakapan pero ilang saglit lang ay napakunot ang kanyang noo nang rumihestro sa kanyang utak kung sino ang babaeng kanyang nakit. Walang iba kundi si Nicole!
Muli niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa dalawa saka niya minabuting tiningnan ang mga ito nang maigi at hindi nga siya nagkamali. Si Nicole nga!
Kumabog ng kaylakas ang kanyang dibdib nang mapansin niya ang lalaking kayakap nito.
Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya at medyo madilim din ang kinalalagyan ng mga ito pero hindi siya maaaring magkamali, ang lalaking kayakap ng kanyang kaibigan ay walang iba kundi ang kanyang asawa si Alexander!