CHAPTER 4

1684 Words
Nakaupo na si Martha sa kanyang tabi pero ang isipan ni Xia ay hindi pa rin napapalagay sa katahimikan. Hindi pa rin talaga mawala-wala sa kanyang isipan ang palaisipan kung bakit magkaparehong-pareho ang lipstick na kanyang nakita sa lipstick na gamit ngayon ni Martha. "Magsi-cr lang muna ako," pagpaalam ni Nicole sa kanila na agad naman nilang sinang-ayon at halos sabay pa silang tumango rito. Ito na 'yong tamang chance para tatanungin niya ang kanyang kaibigan para sa kanyang ipinagtataka para naman mabigyan na ng katahimikan ang kanyang isipan. Ayaw din naman kasi niyang aabutan ng bagong araw ang kanyang mga agam-agam tungkol sa bagay na 'yon. Kailangang ngayon pa lamang ay malilinawan na siya. "Ang ganda ng kulay ng gamit mong lipstick," aniya at napatingin naman sa kanya ang kaibigan. "Gusto mo?" tanong sa kanya ni Maryha. "Oo naman! Ang ganda!" bulalas niya kahit ang totoo ay iba na ang kanyang nararamdaman. "Gusto ko nga rin, eh." "Bakit ngayon mo lang ginamit 'yan?" tanong niya uli rito. "Kagabi lang kasi ibinigay ni Marco sa akin 'to." Napaisip siya bigla. Kagabi lang din niya nakita ang lipstick na 'yon sa bulsa ng tuxedo ng kanyang asawa. Coincidence lang din ba ang lahat? "Bakit?" nagtatakang-tanong ni Martha sa kanya nang napansin nito ang panandalian niyang pagkatigagal. "Huh? W-wala naman," aniya saka siya umiwas ng tingin pero talagang hindi siya mapalagay lalo pa at wala siyang alam na ideya kung bakit hindi ibinigay ni Alex sa kanya ang lipstick na nasa bulsa nito. "A-anong brand ng lipstick mo?" Napatingin sa kanya si Martha at kitang-kita niya sa mukha nito ang pagtataka kung bakit bigla siyang napatanong kung anong brand ng lipstick nito. Hindi naman kasi siya ganu'ng tao na interesado sa kung ano mang mayroon ang iba. "A-ano kasi... maganda kasi kaya bibili sana ako," palusot niya upang hindi mahalata ng kaibigan na iba na pala ang kanyang pakiramdam para rito. "Ah! Teka! Kukunin ko lang," anito saka nito hinalungkat ang loob ng bag nito. Hinanap amg lipstick na gamit nito para ipakita sa kanya. Kapag nakita na niya ito at mapapatunayan niyang iba pala iyon ay siguradong matatahimik na talaga ang kanyang isipan. "Hay, naku!" Napataas ang kanyang kilay sa kanyang narinig mula kay Martha. "Bakit?" nagtataka niyang tanong. "Nakalimutan kong dalhin. Huwag kang mag-aalala, kapag madala ko 'yon bukas, ipapakita ko 'yon sa'yo," nakangiti nitong pahayag. "Okay lang 'yon," nakangiti rin niyang saad saka niya itinuon ang kanyang pansin sa kanyang ginagawa at ganu'n din ang kanyang kaibigan. "Hey! Ba't ang tahimik niyo?" tanong ni Nicole sa kanila nang mapansin niya ang pananahimik nilang dalawa nang nakabalik na ito. "Bakit ba? Kailangan ba talagang mag-ingay kami palagi?" balik-tanong ni Martha. "Hindi naman! Kaso, parang may iba?" "Hay, naku! Kung ano-ano kasi 'yang pumapasok sa isipan mo kaya kung ano-ano rin ang mga napapansin mo. Gawin mo na kaya ang trabaho mo para naman hindi ka mapagalitan ng boss natin," pahayag naman ni Xia. "Gawin mo na. Andiyan si Manager Santillan, oh," singit naman ni Martha sabay nguso sa bandang likuran nito. "Saan?" natataranta namang tanong ni Nicole sabay lingon sa likuran nito at nang mapagtanto nitong pinagti-tripan lang siya ay tinaasan niya ng kilay ang dalawa. Napatawa naman sina Xia at Martha sa naging reaksyon ng kaibigan. "Malapit na pala ang promotion, nuh? Sino kaya ang mapo-promote?" Narinig nilang tanong ng isa sa kanilang mga kasama sa trabaho sa katabi nito. "Malakas ang kutob kong si Mrs. Dela Cruz kasi karapat-dapat naman sa kanya, eh," sagot naman ng kausap nito. Tahimik lamang siya habang napatingin naman sa kanya ang dalawa niyang kaibigan. Napatingin siya sa mga ito at tanging kibit-balikat naman ang kanyang isinagot sa mga ito. Pangarap talaga niya ang ma-promote at masaya siya sa kanyang narinig mula sa kanilang kasamahan sa trabaho pero hindi pa rin siya confident para du'n dahil alam niyang marami siyang kalaban pagdating sa promotion na sa tingin niya ay mas deserving pa sa kanya pero sana, heto na 'yon. Ang kanyang pangarap na umangat kahit papaano! Tahimik na nakaupo lamang si Xia sa tabi ni Alex habang abala naman ang asawa sa pagmamaneho pauwi. Hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isipan ang lahat. Gusto niyang tanungin si Alex tungkol sa lipstick para naman kahit papaano ay matahimik na ang kanyang isipan pero hindi naman niya magawa. Ayaw rin kasi niyang bigyan ng palaisipan si Alex na may pagdududa siya rito. "May problema ba?" tanong ni Alex sa kanya at marahan naman siyang napailing. "Pagod lang ako sa trabaho," sagot naman niya. Hinawakan ni Alex ang likod ng kanyang ulo saka parang batang ginulo nito ang kanyang buhok. "Huwag ka kasi magpagod nang husto. Remember, we only have one body and we can't buy a new one if we destroyed it." Napalingon siya sa kanyang asawa at kahit papaano ay nawala ang kanyang mga masamang agam-agam para rito. Kahit papaano, mapag-alala pa rin ito sa kanya kagaya nang ginagawa nito sa kanya noon pa man. "Anong gagawin natin dito?" nagtataka niyang tanong nang inihinto ni Alex ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant. "Kakain tayo," anito saka agad ito lumabas ng kotse matapos nitong patayin ang makina ng sasakyan. Agad naman siyang lumabas at sa kanyang paglabas ay nakalahad naman kaagad ang palad ng kanyang asawa sa kanyang harapan. Matapos niyang isara ang pintuan ng sasakyan ay agad niyang idinaop ang kanyang palad sa palad nitong nakalahad na sa kanyang harapan. Nakangiti namang pinisil ni Alex nang bahagya ang kanyang palad saka siya nito bahagyang hinila papasok ng restaurant. Matapos silang mag-order ay agad ding umalis sa kanilang harap ang waiter na nag-asikaso sa kanila. "Hey?" Napatingin sa kanya ang kanyang asawa sa kanyang sinabi. "What?" "Sweldo mo ba ngayon?" pabiro niyang tanong at napangiti naman si Alex sa kanyang tanong na naging dahilan upang lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. "Hindi ka pa rin nagbabago," anito sabay pitik sa kanyang noo. "Aray naman!" bulalas niya sabay kapa sa kanyang noo na pinitik nito. Ganito kasi siya kahit noon pa. Kapag ililibre siya ni Alex sa isang restaurant noon ay binibiro niya ito sa ganu'ng tanong. "Bakit, kailangan bang magsweldo muna bago tayo-----"Kakain sa restaurant," agad niyang singit. Alam na alam na niya ang linyahang 'yon dahil everytime na tatanungin niya ng ganu'n ang kanyang asawa, alam niyang 'yon talaga ang isasagot sa kanya kaya napatawa na lamang ang kanyang asawa. Itinaas ni Alex ang kanyang kanang kamay saka niya idinuro ang kanyang hintuturo sa direksyon ng kanyang asawa na nakangiti pa rin ng kaytamis sa kanya. "Wow!" bulalas ni Xia nang isa-isa nang inilapag ng waiter sa ibabaw ng mesang inuupahan nila ang kanilang mga in-order. Mataman na pinagmamasdan ni Alex ang kanyang asawa. Mula noon at hanggang sa mga oras na 'yon, ang Xia na nakilala niya noo ay ganu'n pa rin hanggang sa mga sandaling 'yon. Masaya siya sa piling nito at alam ng Panginoo 'yon. Sana nga ay hindi na magbabago ang anumang mayroon sila ngayon. "Oh, Mars. Kanina ka pa ba?" tanong ni Xia sa kanyang kaibigan nang nadatnan niya itong nakaupo sa upuan nito sa kanyang tabi nang dumating siya sa kompanya. "Kararating ko lang din," sagot naman nito kaagad. "Si Nicole?" "On the way na raw siya," maagap naman nitong sagot sa kanya. "Siya kaya?" tanong ng isa sa kanilang kasama sa kompanya. "'Yon ang madalas kong naririnig. Si Mrs. Dela Cruz daw 'yong nangunguna sa list ng mga empleyadong maswerteng mabigyan ng promotion," singit naman ng isa pa. "Malamang. Director ang asawa, eh." Natigilan si Xia sa kanyang narinig at napatingin naman sa kanya si Martha na nag-aalala. "Ganu'n talaga kapag malakas ang kapit," segundo naman ng isa pa. Napapikit na lamang siya dahil parang sasabog na siya sa kanyang mga narinig. Napatingin siya sa kanyang kamay na nasa ibaba ng kanyang mesa ng bigla itong hinawakan ni Martha. Napatingin siya rito at nakita niyang napangiti ito sa kanya na para bang sinasabi nitong it's okay. Everything will be fine. "Ano naman ang pakialam niyo kung director ang asawa ni Mrs. Dela Cruz?" Napatingin sila kay Nicole nang bigla itong dumating at narinig nito ang lahat. Nakita nila kung papaano umismid ang mga ito sa sinabi ni Nicole. "Ang sabihin niyo, naiinggit lang kayo kasi ang asawa niyo ay hindi director," dagdag pa nito. Galit na napatayo ang isa sa mga ito at hinarap si Nicole. "Bakit, ikaw ba hindi ka ba naiinggit?" Agad na tumayo sina Xia at Martha sa pag-aalala na baka ano na ang mangyayari. "Huwag niyong ibalik sa akin ang mga ginagawa niyo!" galit na saad ni Nicole. "Tama na," agad na awat ni Xia sa kaibigan. "Hahayaan mo na lang bang gaganyanin ka nila?" baling nito sa kanya. "Tama naman kasi. Malakas kasi ang kapit niya kaya siguradong siya ang mapo-promote," singit pa ng isa. "Pwede ba, tama na?!" awat ni Martha. "Bakit, nagi-guilty kayo?" sabad ng mga ito. "Alam niyo bang pwede naming gamitin ang eksena na 'to para i-report kayo?" pananakot ni Nicole at agad naman nila itong sinuway. "Ah, ganu'n?" At sa hindi nila inaasahang pangyayari ay galit na biglang hinila nito ang bag na nakasabit sa balikat ni Nicole. "Bakit? Nagre-record ka?" tanong nito sabay binuksan nito ang baga ni Nicole at mabilis na binaliktad at nagsilaglagan sa sahig ang mga gamit na nasa loob ng bag nito. "What are you doing?!" galit na tanong ni Nicole at nang akma na sana nitong sasabunutan ang babaeng may gumawa nu'n ay mabilis nitong pinigilan ni Martha na siya namang pagdating ni manager Santillan. "What it is all about?" Natigilan silang lahat. Dinala ni Manager Santillan sina Nicole at ang nakasagutan nila sa office nito. Agad namang pinagpupulot ni Martha ang mga gamit ni Nicole na nagkalat sa sahig at tumulong naman si Xia. At habang pinupulot nila ang mga gamit ni Nicole ay biglang natigilan si Xia sa kanyang nakita. Nanginginig ang kamay na inabot niya ito saka tiningnan nang maayos upang hindi siya magkakamali. "Rouge Hermis Lipstick?" "Paano nagkaroon si Nicole ng ganitong lipstick?" naguguluhan niyang tanong sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD