CHAPTER 30

1689 Words
Napaiyak na lamang sina Martha at Xia nang pareho nilang sinariwa ang eksenang 'yon. Napahagulhol na lamang si Xia at namimilipit siya sa sakit na nararamdaman habang nakahiga siyang patagilid sa ibabaw ng kama nilang mag-asawa habang si Marco naman ay tahimik na pinapakinggan ang paghikbi ng kanyang asawang si Martha habang nakalublob ito sa bathtub. Nasasaktan siya para sa kanyang asawa. Gusto niya itong sisihin sa mga nangyayari dahil kung nakinig lang sana ito sa payo niya noon na habang maaga pa ay kailangan na nitong sasabihin kay Xia ang buong katotohanan ay hindi ba sana nagkakaganito ang lahat pero hindi ito nakinig. Talagang parehong mahalaga kay Martha ang dalawa at sana naman maiintindihan iyon ni Xia balang-araw. Kinabukasan ay nagising si Xia na kagaya ng kanyang inaasahan ay hindi pa rin umuuwi si Alexander kahit pa sa kabila ng nangyari. Ni hindi man lang ito naghanap o gumawa ng paraan para makapagpaliwanag man lang sa kanya pero para saan pa ba ang paliwanag nito kung malinaw na malinaw na sa kanya ang lahat? Napatitig siya sa ceiling pero parang hindi naman niya ito nakikita. Ang layo ng lipad ng kanyang isipan habang nagkakagulo ito at hindi kung ano nga ba ang dapat na gagawin. "Saan ang punta mo?" tanong ni Marco kay Martha nang makita niyang nakabihis ito na talagang may pupuntahang importanteng event. "I need to find her," saad nito na siyang nagpakunot sa kanyang noo. "Who?" kunot-noong tanong ni Marco. "Nicole." Agad na napatayo si Marco mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa at mabilis niyang hinawakan sa magkabilang braso ang kanyang asawa. "Honey, hayaan mo munang lumamig ang lahat. Okay?" Dahan-dahan na tinanggal ni Martha ang mga kamay ni Marco na nakahawak sa magkabila niyang braso. "I need to know if she was the one who sent the message using my phone number to Xia para sabihing secretary ni Alexander ang kabet nito," galit niyang saad. "But, honey------"Hindi ako patatahimikin ng konsensiya ko sa mga nangyayari. Gusto ko ring malaman ang buong katotohanan. Gusto kong linisin ang pangalan ko." Wala nang nagawa pa si Marco. Naiintindihan niya ang kanyang asawa. Alam niyang masyado lamang itong nasaktan sa kung ano man ang mga nangyayari sa magkakaibigan. Agad pinuntahan ni Martha si Nicole sa bahay nito. Nakailang doorbell muna siya bago siya napagbuksan ng pintuan at laking gulat niya nang hindi si Nicole ang sumalubong sa kanya kundi ang asawa nitong si Glendon. "Martha?" kunot-noong sambit nito sa kanyang pangalan. "You're here," sabi niya na nagtataka na rin. Tahimik na inilapag ni Glendon ang baso na may lamang juice sa harapan ni Martha at saka ito umupo sa upuang kaharap nito. "Kailan ka pa nakabalik?" tanong ni Martha nang maayos nang nakaupo si Glendon sa kanyang harapan. "It's already three days," sagot naman nito. "Alam na ba ni Nicole na nakabalik ka na?" Napayuko si Glendon at alam na ni Martha kung ano ang sagot sa kanyang tanong dito. "Ngayon lang din ako nagkalakas ng loob para magpakita rito," pagtatapat nito. "So, she still have no idea that you are already here," pabulong na saad ni Martha. "So, why are you here? Where is Nicole?" Napatingin si Martha sa asawa ng kanyang kaibigan. Asawa pa naman ni Nicole kung tatawagin si Glendon dahil hanggang ngayon ay effective pa ang seremonya ng kasal ng mga ito. Nagtataka siyang napatingin kay Glendon saka niya naisip ang isang posibilidad kung bakit sa kanya nito hinanap ang asawa nito. Isa lang ang nasa isip niya, ginamit na naman ni Nicole ang kanyang pangalan! "Ang sabi kasi ni Yaya, may lakad daw kayo kaya umalis siya ng bahay at iniwan ang anak namin kay Yaya," dagdag pa ni Glendon. Ang yaya na tinutukoy nito ay ang nag-aalaga sa kanilang anak na si Steph. Iisa lang ang tanging plano na nasa isipan ni Martha ng mga oras na 'yon para kahit papaano ay matigil na ng dalawa ang mya kalukuhan ng mga ito. "Do you want to see her so that you can talk?" tanong niya kay Glendon habang buo na sa kanyang isipan kung ano nga ba ang dapat niyang gagawin. "I think, this is the best time for us to talk about our porblems," saad ni Glendon. "This is also the best time for you to know the real truth," bulong ng isipan ni Martha habang nakatitig siya kay Glendon at sapilitan siyang napangiti ng napatingin ito sa kanya. Habang nasa biyahe sila papunta sa lugar kung saan inaasahan ni Martha na makikita niya sina Nicole at Alexander ay panay ang ginagawa niyang pagsulyap kay Glendon habang abala ito sa pagmamaneho. Tama na ang maling nagawa niya kay Xia nang itago niya rito ang panlulukong ginagawa nina Nicole at Alexander. Kung hindi man niya nagawang sabihin kay Xia ang katotohanan, this time kailangan na niyang sasabihin kay Glendon ay panlulukong ginagawa ni Nicole. "Where are you going?" tanong ni Nicole nang makita niyang handa nang umalis si Alexander. "Uuwi na ako," sagot nito habang hindi man lang siya tiningnan. "Pero, akala ko ba mamaya pa tayo mag-check out." "I really need to go home." "Dahil ba kay Xia?" Natigilan si Alexander sa naging tanong ni Nicole pero hindi na lang din niya pinansin iyon. Biglang hinablot ni Nicole ang kanyang hawak na jacket na siyang ikinabigla niya. "Ngayon, lumalabas na kahit na anong gawin ko. Kahit na ibigay ko pa ang lahat sa'yo, iiwan at iiwan mo pa rin ako para sa asawa mo!" Nanatiling tahimik si Alexander at hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot kay Nicole. Ayaw naman kasi niyang saktan ito pero aminado naman siya na magmula nang malaman ni Xia ang tungkol sa kanilang dalawa ay hindi na natahimik pa ang kanyang kalooban. Kahapon pa niya gustong umuwi para kausapin ang kanyang asawa. Kahapon pa niya gustong linawin ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa ni Nicole pero ayaw naman niyang masaktan ito dahil sa totoo lang, malaki na rin ang naitulong ni Nicole sa kanya kung tutuusin. Sa mga panahon na pagod siya sa trabaho, sa mga panahon na nagkakaproblema sila sa kompanya, si Nicole ang naging sandalan niya. Si Nicole ang naging takbuhan niya. Si Nicole ang naging sumbungan niya dahil halos nawalan na ng oras sa kanya si Xia dahil sa pangarap nitong ma-promote. Dahil sa pangarap na 'yon, halos hindi na siya napapansin nito. Halos, hindi na siya nanibigyan nito ng atensiyon na kanyang kailangan mula rito at tuluyan nang nagkalamat ang kanilang pagsasama nang malaman niyang gumagamit pala ng birth control si Xia nang hindi niya alam. Hindi naman problema sa kanya iyon kung ipinaalam lang sana sa kanya ni Xia dahil asawa siya nito at kahit papaano ay may karapatan naman siyang malaman ang kung ano mang pinaplano nito. Isa sa mga sinumpaan nilang mag-asawa sa harap ng pari at nang kanilang mga kamag-anak sa mismong araw ng kanilang kasal ay magiging katulong nila ang bawat isa sa paggawa ng mga plano at desisyon sa buhay nila bilang mag-asawa pero iba ang nangyari pagkatapos, gumawa ng desisyon si Xia na hindi man lang hiningi ang kanyang magiging opinyon kaya masakit talaga para sa kanya ang bagay na 'yon dahil pakiramdam niya, hindi siya kinikilalang asawa nito. Pakiramdam niya, hindi siya mahalaga rito. "Katulad ka rin ni Glendon, handang iiwan ako para sa isang babae. Hindi ba ako maaaring magmahal nang hindi iniiwan?" Naaawang napatingin si Alexander kay Nicole dahil napaiyak na ito. Alam niyang nasasaktan ito. "C'mon," aniya saka niya ito niyakap, "Don't cry, mamaya na ako aalis. Sabay na tayo, okay?" pag-aalo naman niya. Napahinto sa pag-iyak si Nicole at lihim siyang napangiti. Alam niyang kahit na anong mangyari, hindi siya kayang iiwan ni Alexander at sisigiraduhin niyang hindi siya nito iiwan kailanman. Napakalas sila mula sa pagkakayakap nila sa isa't-isa nang biglang tumunog ang doorbell. Sinilip ni Nicole sa maliit na butas ng pintuan kung sino ang nag-doorbell. Nakahinga siya nang maluwang nang makita niyang waiter lang pala iyon, dala ang pagkain na in-order niya. "Sorry po, Ma'am pero hindi po kami basta-basta nagbibigay ng information about sa mga bisita namin kung wala po'ng pahintulot galing sa kanila," sabi ng receptionist na napagtanungan nina Martha at Glendon kung ano ang room number ni Nicole sa hotel na 'yon. "But I am here friend," sabi ni Martha sa boses na para bang naiinis na dahil kanina pa sila nagpupumilit dito na ibigay sa kanila kung ano ang room number ni Nicole. "I am her husband," sabad naman ni Glendon sa pagbabasakaling papayag din ang mga ito. Nagkatinginan ang mga ito at nakita ni Martha kung papaano nagtaka ang mga ito nang sabihin ni Glendon na asawa ito ni Nicole. "Pasensiya na po," pagtanggi pa rin ng mga ito na siyang ikinapikon lalo ni Martha. Nasa mukha ng mga ito na hindi naniniwala sa sinabi ni Glendon dahil baka nga nagsasama ngayon ang dalawa at nakita iyon ng mga receptionist at inakala na ng mga ito na iyon ang asawa ni Nicole at nagsisinungaling lamang si Glendon. "Bakit? Kasama ba niya ang kabet niya?" galit na niyang tanong na siyang ikinagulat ng mga receptionist habang si Glendon naman ay nagtatakang agad na napatingin sa kanya. "Martha, what are you talking about?" kunot-noong tanong nito sa kanya. "Hindi mo alam?" baling niya kay Glendon habang nakakunot pa rin ang noo nito. "She's cheating on you," diretsa niyang sagot. Napaawang ang mga labi ni Glendon at alam ni Martha na hindi pa ito naniniwala sa kanya kaya binalingan niya ang mga receptionist. "Give us her room number," pautos niyang saad sa mga ito "P-pero, Ma'am------"She's having an affair, hindi niyo ba naiintindihan 'yon?!" agad niyang singit sa iba pa sana nitong sasabihin. Bigla niyang kinuha ang kamay ng isa sa mga ito at itinaas niya iyon. "Alam kong may asawa ka na kaya alam kong hindi mo kayang matanggap kung sakali mang pagtaksilan ka ng asawa mo." Napatingin ang babae sa wedding ring nito na nakasuksok sa daliri nito na hawak-hawak ni Martha. "Samahan ko po kayo." Napatingin si Martha kay Glendon na hindi pa rin makapaniwala sa nalaman mula kay Martha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD