CHAPTER 21

1738 Words
"We're done." Napangiti si Xia matapos silang magpalitan ng pirma ni Mr. X'avier nang araw na 'yon bilang patunay na isa na ito sa kanilang mga investors sa bago nilang project. "Thank you so much, Mr. X'avier," nakangiting saad ni Xia sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan nito. "I hope this will be a good collaboration between your company and mine," nakangiti ring saad nito sabay abot sa kanyang kamay. Matapos silang mag-usap pati na sa pirmahan ay nagpasya nang umalis si Mr. X'avier. May ngiti sa gilid ng kanyang mga labi habang yakap-yakap niya ang kanyang proposal. Malapit na siya sa kanyang pinapangarap na promotion. "Congrats! You made it," nakangiting saad ni Manager Santillan kay Xia nang sabihin niya rito na nakuha na niya ang halos lahat ng mga taong gusto ng kompanyang mag-invest sa kanila. Magiliw namang tinanggap ni Xia ang kamay ng kanyang manager habang nasa gilid ng kanyang mga labi ang napakatamis na ngiti dahil sa nagawa niya. "Thank you so much, manager Santillan," aniya. "I'm so proud of you," ani pa nito habang pareho na silang nakaupo sa magkaharap na upuan sa loob ng opisina ng kanyang manager. "Thank you so much for your trust. Hindi ko naman magagawa ang bagay na 'yon kung hindi kayo nagtiwala sa akin." "Alam ko naman na magagawa mo 'yon and you deserve it." Kahit papaano ay napasaya ni Xia ang kanyang araw ng mga sandaling 'yon at ang sayang 'yon ay gusto niyang ibahagi sa kanyang asawa. Napakunot ang noo ni Alex nang sa pagbukas niya sa pintuan ng kanyang opisina ay may babae siyang nakitang nakaupo sa kanyang swevil chair at nakatalikod ito sa kanya. "Who are you?" tanong niya at agad namang umikot ang swevil chair paharap sa kanya at saglit siyang natigilan sa nakita. "Why are you here?" nagtatakang-tanong niya kay Xia habang nakangiting nakatingin sa kanya ang kanyang asawa. Masigla ang mukha ni Xia nang mabilis siyang napatayo mula sa pagkakaupo niya sa swevil chair ng kanyang asawa sabay patakbong lumapit siya kay Alex at walang anu-ano'y napayakap siya rito ng mahigpit na siyang labis nitong ikinabigla. "W-what are you doing?" tanong ni Alex habang yakap-yakap pa rin siya ng kanyang asawa. "I made it," magiliw na saad ni Xia. Napakunot naman ang noo ni Alex dahil wala siyang naintindihan. "About what?" tanong niya at bahagya namang inilayo ni Xia ang kanyang katawan mula sa kanyang asawa pero nanatiling nakayakap ang kanyang mga braso sa batok nito. "Nakumbinse ko na silang lahat para mag-invest sa kompanya. And guess, what? Proud sa akin si Manager Santillan kaya ang sabi niya tutulungan niya akong ma-promote." Ang matamis na ngiti na nasa gilid ng kanyang mga labi ay dahan-dahan na nawala nang agad na tinanggal ni Alex ang kanyang mga braso na nakapulupot sa batok nito. "Hanggang ngayon ba, hindi pa rin nawawala sa isipan mo ang promotion na 'yan?" may panunumbat na tanong nito sa kanya. "Alex, alam mo namang-----" Napatigil siy sa kanyang pagsasalita nang biglang itinaas ni Alex ang palad nito paharap sa kanya na para bang sinasabi nitong tumigil na siya. Napasunod ang kanyang mga mata rito nang naglakad ito palapit sa mesa nito saka agad itong umupo sa swevil chair na kanina lang ay ukupado niya ito. "Just do whatever you want to do. Don't ever tried to seek for my permission anymore dahil alam ko naman na kahit anong sasabihin ko, kagustuhan mo pa rin ang masusunod, right?" Napaawang na lamang ang mga labi ni Xia sa tinuran ni Alex. Hanggang ngayon ba, hindi pa rin nagbabago ang tingin nito sa kanya. Isang beses lamang siyang nagkamali pero bakit pakiramdam niya, habang-buhay na siyang pinarurusahan nito? "Alex, alam kong nagkamali ako sa'yo pero sana naman, babalik na tayo sa kung ano man ang mayroon tayo noon," madamdamin niyang pahayag habang mamamasa-masa ang kanyang mga mata dahil sa luhang nagbabadya na namang umagos mula rito at nakita niya ang agad na pag-iwas ng tingin ni Alex. Para bang hindi siya nito kayang pagmasdan sa ganu'ng sitwasyon. Alam niya, ramdam niyang may pakialam pa rin sa kanya ang kanyang asawa at dahil sa pride na umiiral ngayon sa puso nito ay hindi siya nito magawang intindihin. Walang ganang naglalakad siya sa lobby ng kompanya. Hindi pa rin niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang gagawin para magiging maayos na silang dalawa ni Alex. Mahal niya ito at ayaw niyang mawala ito sa kanya nang tuluyan nang dahil lang sa kanyang nagawang pagkakamali. Pinagsisihan na niya iyon at sana naman ay maramdaman iyon ni Alex. "Anong problema?" Napatingin si Xia sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses ng isang lalaki mula roon. "Manager Santillan, kayo pala," nakangiti niyang sambit sa pangalan nito sabay yuko bilang paggalang. "Anong problema?" muki niting tanong sa kanya, "Kani-kanina lang, ang laki-laki ng ngiti mo tapos biglang nawala? May problema ba?" Napatingin sa kanya nang maigi ang kanyang manager na para bang sinusuri nito ang buong expression na nasa mukha niya ng mga sandaling 'yon. "Wala po. Marami lang po kasi akong iniisip," sagot niya saka siya napilitang ngumiti para sabihin dito na okay lang talaga siya kahit na ang totoo ay hindi. "Mauna na po kayo," sabi niya nang bumukas na ang pintuan ng elevator at itinuro pa niya rito ang kanyang kamay sa direksyon ng elevator. "Ladies first," nakangiti namang saad ni Manager Santillan kaya wala na siyang nagawa kundi ang mauna na lamang pumasok sa loob ng elevator at agad namang napasunod sa kanya ang kanyang boss. At nang nakapasok na si Manager Santillan ay dahan-dahan siyang umatras hanggang sa nakapwesto na siya sa bandang likuran nito. "Did you tell your husband about what you've done today?" tanong ni Manager Santillan sa kanya habang nakatalikod ito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot dahil ang totoo, hindi maganda ang naging reaksiyon ng kanyang asawa matapos niyang sabihin dito ang totoo. "Hindi siya natuwa?" Napalingon sa kanya ang kanyang boss at nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya na para bang nakikiramay sa nararamdaman niya ngayon. "Nabigla lang siya at alam kong susuportahan pa rin niya ako sa mga ginagawa ko," saad niya habang pinipilit niyang iwasan ang tinging ipinupukol sa kanya ni Manager Santillan. "Sana nga," saad nito at nang akma na sana itong tatalikod sa kanya ay bigla na lamang magkaproblema ang elevator. Bigla itong huminto na siyang dahilan nang pagkawala ng balance ni Manager Santillan dahilan upang muntikan na itong matumba. Mabuti na lamang at mabilis na sinalo niya ito kaya napayakap na lamang siya sa kanyang Manager. Gulat na gulat siya sa nangyari at ganu'n na rin ang kanyang boss at bago pa man siya napakalas mula sa pagkakayakap niya rito ay siya namang biglang pagbukas ng pintuan ng elevator. Parang huminto ang kanyang mundo nang sa pagbukas ng elevator ay ang taong hindi niya inaasahang makikita sa labas ay siya mismong nakatayo at nakalarawan sa mukha nito ang pagtataka sa nadatnang eksena. Si Alexander! Dali-dali niyang itinulak palayo mula sa kanyang katawan ang kanyang manager nang mapansin niya ang nang-uusig na titig sa kanya ni Alex nang mga sandaling 'yon. "I'm so sorry," hinging-depensa ni Manager Santillan nang nakalayo na ito sa kanya habang siya naman ay nanatiling nakatingin kay Alex. Nang mapansin ni Manager Santillan ang kanyang pagkatigagal habang titig na titig siya sa labas ng elevator ay napatingin na rin ito sa direksyon kung saan nakatuon ang kanyang mga mata. Bahagyang napamaang ito nang makita nito ang asawa niyang si Alex na para bang gusto nang kumain ng buhay ng tao. "Hi, Director Dela Cruz," bati ni Manager Santillan sa kanyang asawa. Nabahala tuloy ito dahil sa eksenang hindi inaasahang makita nito. "Did I disturb your moment?" tanong nito sa boses na para bang nangungutya dahil sa nakita. Sasagot na sana si Manager Santillan nang bigla namang sumingit si Xia. "It's not what you think," agad na saad ni Xia pero napangiti lamang ang asawa nito. Ngiti na para bang nanginginsulto. Agad itong umalis sa kanilang harapan pabalik sa opisina nito. Nag-aalala namang nagkatinginan ang dalawa at walang pag-aatubiling sinundan ni Xia ang asawa. "Alex?" tawag niya rito pero hindi siya nito pinakinggan hanggang sa nakapasok na uli ito sa loob ng opisina nito pero sinundan pa rin niya ito. "Alex, mali ang iniisip mo. Hindi ganu'n ang-----"Keep your explanation. I don't need it," agad nitong putol sa iba pa sana niyang sasabihin. Magsasalita pa sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan ng opisina nito at iniluwa iyon ni Marjorie. "Hi po," bati sa kanya ng secretary nito at sapilitan siyang napangiti rito bilang respito kahit na naninikip na ang kanyang dibdib dahil sa nangyayari. "Sir, I just want to give you this business proposal," pahayag nito sabay abot sa kanyang asawa ng dala nitong folder na agad namang tinanggap ito ni Alex. "What do you mean by this?" tanong ni Alex kay Marjorie matapos nitong basahin ang proposal na hawak nito. Lumapit ang secretary nito sa tabi nito at bahagya pang nag-bend kaya kung pagmamasdan ay napaka-intimate ng mga ito. Habang nag-uusap ang dalawa ay nakaramdam naman ang pagkaawa si Alex sa kanyang sarili dahil nagmumukha na siyang invisible sa mga ito lalo na sa kanyang asawa. Dahan-dahan niyang inatras ang kanyang mga paa saka siya pumihit patalikod sa mga ito at nang nasa pintuan na siya ay muli niyang nilingon ang kanyang asawa at ang secretary nito na abala pa rin sa pag-uusap tungkol sa proposal. Nang muli niyang ipinihit ang kanyang sarili patalikod sa mga ito ay kasabay naman nu'n ay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Agad niyang binuksan ang pintuan saka niya mabilis na inihakbang ang kanyang mga paa papalayo sa opisina ng kanyang asawa. Pinipilit niyang iwasang mapahikbi dahil ayaw niyang maririnig siya ng mga empleyadong nadadaanan niya. Nasasaktan siya sa ginagawang pambabalewala sa kanya ni Alex. Nasasaktan siy sa katotohanang unti-unti nang nawawala ang kanyang halaga para rito. Habang naglalakad siya paalis ay biglang nag-vibrate ang kanyang phone kaya napahinto siya at binasa niya ang text message na kanyang natanggap at nang mabasa niya iyon ay ganu'n na lamang ang kanyang pagkabigla. She's your husband's mistress! Ayon sa message na kanyang natanggap na may kasama pang picture ng babae. Napaawang ang kanyang mga labi at nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala niya kung sino ang babaeng 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD