CHAPTER 22

1691 Words
Halos sasabog na sa galit na muling inihakbang ni Xia ang kanyang mga paa pabalik sa office ng kanyang asawa hindi para komprontahin ito sa nalamang balita kundi para sabunutan ang babaeng kalaguyo nito na walang iba kundi ang secretary nito. Yes! Si Marjorie ang babaeng nasa picture na ipinasa sa kanya ng unknown sender niya. Naaalala niya ang mga sandaling isinama ito ni Alex sa lunch meeting ng ka-appointment nito. Naaalala niya ang gabi kung kailan niya nakita ang kanyang asawa na kasama ang secretary nito sa presinto. Naaalala niya kung papaano pansinin ni Alex si Marjorie kahit pa na nasa paligid siya ng mga ito. Naalala rin niya kung papaano kalapit ang dalawa kanina nang mag-usap ang mga ito tungkol sa proposal. Naaalala niya kung papaano tratuhin ng kanyang asawa ang secretary nito. Keep your eyes on your husband. He's having an affair with someone you know. Naalala niyang text message na kanyang natanggap nang gabing ni-warning-an siya ng kung sino mang concern citizen na nag-text sa kanya. Ngayon, alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Ngayon, sigurado na siyang wala nang iba pang magiging kalaguyo ang kanyang asawa. Ngayon, nasisiguro na niyang hindi pagti-trip lamang ang lahat. Kumukulo ang kanyang dugo habang binabaybay niya ang kasagsagan ng pasilyo papunta sa office ng kanyang asawa. Naikuyom na rin niya ang kanyang palad sa galit at selos. Ito ba nag dahilan kung bakit kahit na anong gawin niyang paghingi ng sorry kay Alex ay dahil may iba na talaga itong kinababaliwan? Dahil ba hindi na siya nito magawang intindihin dahil may ibang babae na itong iniintindi? Nandididilim ang kanyang paningin nang narating na niya ang department ng kompanya kung saan nakatirik ang opisina ng kanyang asawa at lalong nandilim ang kanyang paningin nang makita niya ang matamis na ngiti ng secretary nitong si Marjorie na nasa labas ng opisina ni Alex. "Hi po, Mrs. Dela Cruz," nakangiti pa nitong bati sa kanya at imbes na ngiti rin ang iganti niya ay isang mataginting na sampal ang kanyang ibinigay dito bilang tugon sa pagbati nito sa kanya na siyang labis na ikinabigla ng lahat lalo na ni Marjorie. Napaawang ang mga labi ni Marjorie at nanlaki ang kanyang mga mata. Napahawak ito sa pisnging tinamaan ng kanyang palad at kahit hindi pa ito nakabawi mula sa pagkabigla ay bigla niyang hinila ang buhok nito kaya napasigaw ito sa sakit na nadarama. "Hayop ka! Ahas ka!" paulit-ulit niyang sigaw habang hila-hila niya ang may kahabaan nitong buhok at natanggal pa ang tali nito. "Tama na po!" sigaw nito sa boses na nagmamakaawa. Nagsiawatan na rin ang ibang empleyado na saksi sa nangyari habang ang may isa sa kanila na naglakas-loob para kunan ang eksena. "Ahas ka!" paulit-ulit niyang sigaw habang hindi niya binibitiwan ang buhok ni Marjorie. "Tama na!" awat ng iba. "Tigilan mo na 'yan!" sabi pa ng iba. Habang nagrarambulan sila sa labas ng opisina ay napatigil naman si Alex sa paghahalungkat ng mga documents na nasa hawak-hawak niya nang marinig niya ang sigawan sa labas ng kanyang office. Nagmamadaling inilapag niya ang hawak niyang mga papel saka siya mabilis na lumabas mula sa kayang opisina. "Hayop ka! Mang-aawa!" Narinig niyang sigaw ng isang babae na kung hindi siya nagkakamali, boses iyon ng kanyang asawa at nang nakalabas na siya ay hindi na nga siya nagkalami. Si Xia nga! Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Sinasabunutan ng kanyang asawa ang kanyang secretary sa dahilan na hindi niya alam. Mabilis na inihakbang niya ang kanyang mga paa palapit sa mga ito saka niya sinubukang awatin ang asawa. "Xia, stop it," awat niya habang sinusubukan niyang hawakan ito sa kamay pero dahil hindi  siya nito napansin ay hindi ito nakinig, nagpatuloy pa rin ito sa ginawang pagsasabunot sa kanyang secretary na ayaw naman lumaban. "Xia!" malakas niyang sigaw na siyang nagpatigil sa kanyang asawa. Napatingin si Alex kay Marjorie at nakikita niya ang mga luha nito nito na dumadaloy sa magkabila nitong pisngi dahil sa sakit na nadama habang si Xia naman ay nakaguhit pa rin sa mukha nito ang galit para kay Marjorie. Galit na napatingin siya sa kanyang asawa at bago pa man ito nakapagsalita ay mabilis niya itong hinila sa kamay papunta sa rooftop ng kompanya. Nagpupumiglas pa ang kanyang asawa pero hindi niya ito hinayaang makawala. Para na rin kasi siyang sasabog sa galit at hiya dahil sa unprofessional na ginawa ng kanyang asawa. "Ano ba? Bitiwan mo ako!" sigaw nito pero hindi siya nakinig. Mahigpit ang pagkakahawak niya ang pulsuhan ni Xia kaya talagang hindi ito makawala mula sa kanya. Nang nakarating na sila sa itaas ay pagalit na binitiwan niya ang kamay ni Xia at saka niya ito matapang na hinarap. "Do you know what have you done?!" galit niyang tanong dito. "Bakit nagagalit ka dahil sinaktan ko ang kabit mo?!" singhal ni Xia sa kanyang asawa at nakita niya kung papaano ito natigilan sa kanyang tanong. "A-anong kabit ang sinasabi mo?" nagtataka nitong tanong sa kanya. "Kailan niyo pa ako niluluko? Kailan niyo pa ako talikurang ginagago?!" Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ni Xia matapos niyang itanong ang mga tanong na 'yon kahit na alam niyang hindi siya nito sasagutin. Masakit talaga para sa kanya ang lahat. Sa kabila ng lahat ng kanyang nagawa para sa kanilang pagsasama ay nagawa pa talaga siya nitong lukuhin at ipagpalit sa isang secretary lamang. "Ginagago? Ginagago ba kamo?" balik-tanong na sambit ni Alex. Kitang-kita sa mukha ng kanyang asawa ang pagtataka sa kanyang mga sinasabi rito at hindi niya alam kung pagtataka ba iyon ng pagiging inosente o pagtataka kung papaano niya nalaman ang tungkol sa pagtataksil nito sa kanya. Bahagyang inilapit ni Alex ang mukha nito kay Xia habang nakipagtitigan sila sa isa't-isa. "Hindi ba parang ikaw naman yata at ang manager Santillan mong 'yon ang ginagawa akong gago?" Napakunot ang noo ni Xia sa naging tanong ng kanyang asawa. Hindi niya akalain na babaliktarin pala nito ang sitwasyon nilang dalawa. "Alex, nagtiwala ako sa'yo. Ni minsan, hindi pumasok sa isipan ko na lulukuhin mo ako tapos ngayong alam ko na, ako naman ang gagawin mong may kasalanan sa lahat?!" umiiyak niyang saad. "Ano bang tingin mo sa akin? Minahal kita! Pero bakit mo ako niluluko?!" Humagulhol na siya sa pag-iyak dahil hindi na niya kaya pang pigilan ang sakit sa kanyang puso. "Nagseselos ka? Pinagseselosan mo ang babaeng walang alam?!" "Walang alam?" balik-tanong niya sa asawa. "Talaga bang wala siyang alam o pilit niyo lang itinatago sa akin ang panlulukong ginagawa niyo sa akin?" "Xia, alam mo ba kung ano ang mga sinasabi mo?" tanong uli ni Alex saka ito napatingin sa mga gusaling nasa harapan nila at galit na muli itong napatingin sa kanya. "Huwag mong gawan ng kasalanan ang inosenteng tao. Bakit, hindi ang sarili mo ang pagsasabihan mo ng ganyang bagay at hindi si Marjorie dahil kahit kailan, hindi ka namin niluluko!" "Hindi ba? Bakit iba kung tratuhin mo siya? Bakit iba ang mga tingin mo sa kanya? At akit siya ang kasama mo nang makita kita sa presinto?" Napatawa ng pagak si Alex sa huli niyang tanong. Ang tanong na 'yon naman talaga ay matagal na niyang gustong itanong pero wala lang siyang lakas ng loob para itanong 'yon dahil alam naman niyang magsisimula iyon ng away sa pagitan nilang dalawa kaya kahit na nagbibigay sa kanyang kalooban ng bigat ang katanungan na 'yon ay hindi pa rin niya magawang isa-boses. "Do you really want to know why I'm with her that night?" mahina nitong tanong sa kanya pero randam niya ang pangungutya nito. "Nakabangga ako that time but the owner of that f*****g car don't want to accept my apology kaya nagkayayaan kami sa presinto and then the policemen noticed that I was drank that night kaya doble ang danyos na kailangan kong bayaran. Unfortunately, after a couple of times of calling you, I got no answer from you." Pumihit patalikod sa kanya ang kanyang asawa saka ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Marjorie called me that night just to ask me about work kaya wala na akong choice kundi ang makiusap sa kanya na tulungan ako 'cause I can't get touch with you." Muli itong pumihit paharap sa kanya saka siya nito tiningnan ng masama. "Ngayon sabihin mo kung may nagawa bang mali sa'yo si Marjorie." Pinahid niya ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi habang tikom naman ang kanyang mga labi dahil hindi na niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang paniwalaan. Hindi rin niya magawang sabihin dito ang tungkol sa message na kanyang natanggap dahil ngayon pa lamang ay nagdadalawang-isip na siya kung paniniwalaan pa ba niya iyon o hindi. "Ibinaba mo ang dignidad mo, Cia dahil lang sa maling akala. Hindi ko na tuloy alam kung nasaan na nga ba ang asawang kilala ko dati. Ang Xia na minahal ko." Matapos sabihin ni Alex ang mga iyon ay walang ano-ano'y iniwan na siya kaagad nito. Napatingala siya habang pinipilit niyang pigilan ang kanyang mga luha pero hindi pa rin talaga niya kinaya. Napaiyak na lamang siya. Napahagulhol! Panay ang kanyang hikbi. Inilabas niya ang lahat ng sama ng kanyang loob. Pagod na siya! Pagod na pagod na! Gustuhin pa man niyang ilaban ang lahat ng kung ano mang mayroon silang dalawa ni Alex ay mukhang hindi na niya kaya pang gawin. Nakakapagod na rin ang laging nagpapakumbaba. Nakakapagod na rin ang laging sumusuyo sa taong ayaw namang magpasuyo. Nakakapagod nang maghabol sa taong lagi ka namang itinataboy palayo. Ayaw na niya! Susuko na siya! Tulalang naglalakad siya sa daan nang gabing 'yon. Matapos nag eksenang kinasangkutan niya ay mas minabuti na lamang niyang huwag munang pumasok dahil na rin sa hiya na kanyang nararamdaman. Aminado rin kasi siya sa kanyang sarili na may pagkakamali rin siyang nagawa. Nagpadala siya sa kanyang galit kahit na wala pa siyang matibay na ebidensiya na siyang magpapatunay na may kababalaghan ngang ginagawa ang kanyang asawa at ang secretary nito. "Xia!" Napalingon siya sa kanyang likuran nang may narinig siyang boses ng isang lalaking tumawag sa kanya. "Glendon?" takang-tanong niya nang makilala niya ang lalaking tumawag sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD